chapter five. justin

218 4 0
                                    

Maaga palang nasa school nako busy ako sa foundation day as expected madami ang tao na pumuntathis year. Madaming booth ang naglalaban laban ngayong taon may marraige booth may kissing booth. May maid cafe. May restaurant may horror house. Games at mga rides.

Tuwang tuwa ang daddy ko na kasalukuyang vice principal sa fair na inorganize ko. Hapon na nang sinabihan akong mag pahinga ni dad kaya noon ko lang nalibot ang buong fair. Nakita ko si Miko tulad nang dati pala biro parin ito. Ewan ko ba bakit kami nagka layo nang loob dahil ba sa mag karibal kami simula nang bata kami o dahil ba sa nilihim ko kung sino ako sa kanya basta alam ko simula nung malaman nya ang tunay kong pagkatao hindi na nya ako kinausap.

Ewan ko ba kung ano pumasok sakin dahil naisipan kong sundan si miko buong araw. Una sila nag punta sa bumper cars ang saya saya nilang ng kakantsawan habang nag lalaro parang bata talaga tong si miko. Sumunod naman ay nag laro sila nang target shooting. Magaling umasinta si miko kaya walang kahirap hirap nya nakuha ang mga stuff toy na premyo. Halatang naiirita na si miko sa kasama nyang babae bago nya sigurong flavor of the month. Hindi rin magtatagal yan ang expiration date nang mga girlfriend ni miko ay two weeks. Three weeks kung ma iintriga mo sya.

Ang gwapo padin nang best friend ko nakataas ang buhok nya ngayon para ipakita ang astig nyang porma. Naka leather jacket sya at pants na may butas sa tuhod. Naka hikaw din ito at me red na strip ang bukok nya. Maganda din naman yung kasama nya ngayon generic na maputi sexy at may mahabang buhok ang babaeng kasama nya. Naka pink na tube yung babae at naka short na super liit halos wala na syang suot. May ganun palang klase nang short halos kasing laki nalang ito nang panty.

Nakita ko mabilis na tumakbo si miko papalayo gusto nya siguro mapag isa. Sinundan ko sya papunta sa mirror room. Madilim at mausok typical nakakahilo sa loob pero alam ko na wag dapat ako tumingin sa mga salamin para hindi ako mahilo. Nasa gitna na kami nang ride nang makita kong himatayin si miko.

Tumakbo ako papunta sa kanya at tinignan ang nagyari. Hinimatay si miko kaya nilagay ko ang ulo nya sa binti ko. Tinignan ko ang mukha nya ang cute nya pag natutulog mukha syang anghel. Mahaba kasi ang mga pilik mata nya kaya parang mata nang babae pag tulog. Kung gwapo sya nang gising times ten pag tulog. Ang cute nang labi nya. Ewan ko para akong ininyaya nitong halikan sya.

Nagulat nalang ako sa ginagawa ko hinahalikan ko na si miko. At itoy kanyang sinuklian ang sarap humalik ni miko hindi sya makasarili at hinahayaan ako mag take charge. Parang may mga bituin na nagsasabugan sa paligid ko ito pala yung sinasabi nila na fireworks while kissing some one.

Na shock ako kaya bigla bigla kong binitiwan si miko at tumakbo.

Nagtago ako sa mga booth sa labas nang mirror house at hinintay sya lumabas. As expected galit na galit na lumabas si miko sa ride at tinawag ang groupo nya.

Haist ano ba naisip o sanib na nangyari sakin at ginawa ko yun.

------------------------------------

Hope you like chapter five.

Pls dont be shy comments are greatly appreciated

campus princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon