chapter 2 justin

343 5 0
                                    

Ano bang nagyari samin ni miko dating close na close kami ngayon kami ang mortal na magkaribal sa university namin. Hindi ko sya masisi matindi kasi ang pressure na binibigay sakin nang magulang ko kelangan lagi ako nasa taas mapa grades pa yan hangang sa mga dinidate ko. Daig ko pa nga ang babae kung mag alala sila sakin sabagay hindi ko naman sila masisi bata palang kasi ako ay sakitin na ako sabi nga nang doctor swerte na daw ako at dati muntikan nako mamatay bilang sangol mahina kasi ang puso ko kaya ganun ganun nalang sila kung mag alala sakin kaya sinikap ko maging magaling at maging number one. Pinakita ko sa kanila na ako ang number one hindi katulad ni miko na walang pakielam sa kanyang hinaharap ako mismo ang mas magpapasikat pa lalo sa aming eskwela.

Maaga palang sa aking typical na lunes nasa school nako para sa meeting nang student council pinaplano kasi namin ang fair para sa foundation day. Napag desicionan nang student council na mag assign nang booth sa bawat year at section. Para sa section 4A na pag pasyahan namin na gumawa nang horror house. Ok na sana ang lahat kaya lang ako bilang pinuno nang student council ang dapat mag sabi ke miko nang booth nila naisipan namin na simpleng restaurant or cafe ang ibigay sa kanila. Malamang din naman hindi sila sasali sa fair nang school kaya sinadya ko sya salubungin sa kanyang daan papunta sa rooftop nang school kung san sya palagi tumambay kasa ang kanyang mga delingquent friends.

Halos matunaw ang mga tao sa gitna namin nang mag katitigan kami ni miko inabot ko ang sobre at pinaalam na kelangan nila sumali sa foundation day activity.

campus princeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon