SIMULA

52 1 0
                                    


"Tulungan ko na po kayo, Nanay!" masayang sambit ko bago ko inabot ang isang malaking sako at binuhat iyon.

"Naku! Zafarie! Ibaba mo na iyan! Ako ng bahala jan! Hindi mo kailangan na gawin yan!" aligagang pigil sa akin ni Nanay.


"Sus! Tara na! Hatid ko na kayo sa sakayan ng makapag pahinga na kayo! Alam kong madami kayong ginawa at pagod na kayo! Tara na po!" masayang aya ko.

"Ikaw talagang bata ka! Siya! Tayo na!" sukong sabi ni Nanay Siling bago sumunod sa akin.

"Zafarie!"

"Hija! Ano ba yang dala mo! Mukhang mabigat ako na jan!" salubong sa akin ng isang trabahador namin sa rancho. Tumigil ako.

I shook my head. "Ako na po! Tinutulungan ko po si Nanay Siling! Ang dami niyang dala eh!" humalakhak ako bago lumingon kay Nanay Siling.

"Makulit, Lito!" ngising sabi ni Nanay Siling ng makalapit sa amin.

"Ikaw talagang bata ka! Asan si Sely? Tinakasan mo nanaman? Ikaw talaga!" iling na tanong nito.

Ngumuso ako. Ang tinutukoy kasi nila ang nag aalaga sa akin. Lagi ko itong tinatakasan para makapag liwaliw ng mag isa. Sinabi ko kay Mommy ng ayokong may Yaya at gusto kong ako lang pero mapilit siya. Iyan laging iyak si Sely sa akin dahil palagi akong nawawala.

Nag punta kami ni Sely sa centro para mamili ng gamit ko sa eskwela. Pero tinakasan ko siya.

"Nanjan lang po yun sa tabi-tabi!"sagot ko.

"Mauna na po kami!" paalam ko. Hindi na ito nag pumilit at hinayaan na ako na ang magdala ng mabigat na sako. Tingin ko ang laman ng sakong ito ay mga damit na lalabhan ni Nanay Siling. Labandera kasi si Nanay Siling.

Tuloy ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa pilahan ng tricycle. Sinalubong naman ako ng isang tsuper at kinuha ang dala ko.


"Bakit ikaw ang may dala nito, Zafarie?" tanong ng kumuha sa akin ng dala kong sako.

I smiled. "Tinulungan ko po si Nanay Siling. Ang dami po kasi niyang dala eh!"

"Ikaw talagang bata ka!" suyaw nito.

Ngumuso ako. Lagi nila akong pinapagalitan! Eh, tumutulong lang naman ako!

Ilang sandali dumating na si Nanay Siling at nag pasalamat sa aking pag tulong. Kumaway ako ng makaalis na ang tricycle.

I sighed. Hahanapin ko naman ngayon si Sely dahil alam kong tapos na yon sa pag bili ng mga gamit ko.

Ngumiti ako at lahat ng nadadaanan ko ay binabati ko.

"Magandang umaga!"paulit ulit kong sabi habang nag lalakad. Tumatawa at binabati naman nila ako pabalik.

"Miss." isang baritong boses ang nag salita sa likuran ko kaya't humarap ako. Pinasadahan ko ang kabuoan nito.

Hmm. Taga syudad. Base palang sa suot nito ay alam kong hindi ito taga rito. Naka leather jacket ito. Sa loob ay isang puting t-shirt, sa leeg nito ay nakasabit ang isang gold na necklace. Rolex ang suot nitong relo. Gold din. Black na ripped jeans sa pang ibaba nito. Ang sapatos nito ay isang Nike na puti. A latest one. Alam ko dahil meron ako ng ganyang sapatos.

"Paki dala nga ng mga pinamili ko sa sasakyan ko!" mayabang na sabi nito sa akin.

Nag angat ako ng tingin rito. Nag tama ang mata namin. Pinag masdan ko ang kabuoan ng mukha nito. Maputi. Makapal na kilay. Mahahabang pilik. Brown eyes. Pointed nose and kissable lips.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Soothing FlowerWhere stories live. Discover now