Nagre-reflection naman ang sinag ng buwan sa mukha niya kaya lalong gumanda ang buhok niya

Ang gwapo niya rin tignan at hindi nakakasawa. Ilang minuto rin ako naka tingin sa kanya hanggang sa dalawin nako ng antok

"Goodnight Xae" Sabi ko bago ko ipikit ang mga mata ko at tuloyan ng natulog habang naka harap ako sa kanya

****

Nagising naman ako sa sinag ng araw at wala akong Xaeious na nakita sa tabi ko. Lagi naman siya maagang gumising

Umunat naman ako at tumayo na at ginawa ang morning routine ko. Lagi naman kasi ganito ang ginagawa ko

Natapos naman ako mag bihis kaya pag aayos ng buhok ang ginagawa kona ngayon

"Kamahalan!" Rinig ko naman ang pag tawag sakin ni Trixie sa labas habang kumakatok

"Pasok!" Sagot ko at tumayo na dahil natapos narin ako sa pag aayos ng buhok ko

Pumasok naman siya kasama ang iba pang maid habang may dala-dalang pagkain. Inilapag naman nila iyon sa lamesa

"Dinalhan kona po kayo ng pagkain sabi ng inang reyna dahil tapos na ang agahan. Hindi kana daw po nahintay dahil masyado ka pong matagal matulog"

Tinignan ko naman ang orasan at nagulat ako dahil 11 a.m na at 9 kami kumakain sa baba

Masyado naman atang matagal ang tulog ko maaga naman ako natulog. Siguro ay dahil sa pagod yun

"Kumain kana po kamahalan dahil may sasabihin rin po ako sayo" Umupo naman ako sa upuan at kumain na

"Ano ba sasabihin mo? Sabihin mona baka mamaya maka limutan mo" Umiling naman siya

"Bawal ko daw po sabihin sayo habang kumakain ka sabi ng mahal na hari" Si Xaeious nag sabi?

Curious tuloy ako kung ano yun kaya binilisan ang ko ang pag kain ko para malaman kona kung ano yun

Isang inom ko naman ng tubig at binaba ko nayon at tumingin kay Trixie na nakangiwi

"Sabihin mona"

"Ang mahal na hari po ay nasa bundok Ireneo at pinapasabi niya po ay ikaw ang mag dala ng pag kain niya"

"Huh? Bakit ako?" Agad na sabi ko dahil sigurado akong mahihirapan ako umakyat sa bundok nayon

"Ayon po ang sabi niya at wala papo siyang kain kahit na kaninang umaga kaya sigurado pong gutom napo ang hari"

Kawawa naman si Xaeious kung ganon at asawa niya ako kaya masama naman siguro na tatanggi pa ako

"Oh sige magpa-dala ka ng kawal para samahan ako" Agad na sabi ko at kinuha nag handa dahil mapapa sabak ako

Tumingin naman ako kay Trixie dahil hindi pa siya kumikilos para tawagin ang mga kawal

Mukhang naka handa narin sila, good good good hindi nako mahihirapan dito. Buti nalang at inayos na nila

"Kamahalan pinapasabi niya rin po ay ikaw lang daw mag isa. Pero wag ka mag alala kamahalan dahil may mapa naman para dika maligaw. At sinasabi niya rin po ay wag ka mag dala ng kabayo paakyat ng bundok dahil mahihirapan ang kabayo. At sa tuktok po pala siya ng bundok kaya makikita mo agad siya dun"

Hindi naman ako makapag salit dahil hindi pa nag sisink-in sakin ang sinabi niya

Pinapahirapan ba ako ni Xaeious kaya ganito agad ang pinapa-sabi niya ngayong umaga

"Ayuko nalang pumunta wala akong kasama tapos wala pang kabayo" Sagot ko sa kanya at umupo sa kama

"Kamahalan pupunta ka naman po na naka kabayo pero sa pag akyat ay hindi. Dahil mahihirapan po ang kabayo"

Nag isip naman ako ng maayos kung papayag bako pero hindi ko naman matitiis kung magugutom dun si Xaeious

Baka kapag nagka-sakit yun dahil sa gutom baka ako pa ang sisisihin niya. Ayuko naman yun kung ganon

"Sige nanga wala rin naman akong gagawin ngayon" Napa sigaw naman si Trixie sa sinabi ko kaya tinignan ko siya

"Ay sorry po kamahalan" Paumanhin niya kaya tumango ako. Masaya ba siya kaya humiyaw siya? Weird

****

Tinignan ko naman ang gubat bago pumasok pero napa tingin ako sa gilid ko dahil may nag lalakad

Nanlaki naman ang mata ko dahil nakita ko si Primo na nag bubuhat ng kahoy at pawisan din siya

Hindi naman masama kung lumapit ako sa kanya at makipag usap diba dahil hindi naman nagma-madali si Xaeious

Lalapit naman sana ako sa kanya pero agad ako naunahan ng isang babae. Nginitian naman ito ni Primo at kinausap

Diko alam kung ano ang pinag uusapan nila pero kita sa ngiti ni Primo na gusto niya ang pakikipag usap sa babae nayon

Mukhang naka move-on na talaga siya habang ako ay diko na alam. Hindi rin ako naniniwala sa sinabi niya nung gabi ng kasal namin ni Xaeious

Totoo ba na hindi na niya talaga ako mahal? Bakit masyado namang mabilis ang sama niya

Agad naman ako tumakbo palayo nang tumingin siya sa gawi ko. Binilisan korin ang pag takbo ko para mabilis nako maka rating sa tuktok

Sinayang ko lang ang oras ko kay Primo tapos ganon lang pala ang makikita ko. Hindi naman ako masyadong nainis sakto lang naman

Tumigil naman ako sa kaka-takbo dahil napagod nako nahirapan din ako sa hawak ko na basket at ang laman ay ang pag kain niya

Nahihirapan din ako umakyat dahil ang daming malalaking ugat ang nandito. Buti nga at walang ahas eh

Isang oras narin ako nag lalakad at nabuhayan ng nasa tuktok nako at may nakikita na akong bulto ng bampira

Inigihan kopa ang pag akyat hanggang sa malapit nako sa hari. Tinignan naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin

Kung hindi ng dahil sa kanya ay hindi na sana ako pagod ngayon. Pashnea siya para ako ang utosan niya

Inalapag ko naman ang basket sa harap niya at umupo sa tabi niya. Kaya nakikita kona ngayon ang ganda ng tanawin

"Bakit ang tagal mo?"

"Kasalanan mo!"


━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━◦○◦━

𝐓𝐡𝐞 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐁𝐫𝐢𝐝𝐞 (𝗩𝗮𝗹𝗸𝘆𝗿𝗶𝗲 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 #𝟭) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon