4. Should I?

17 1 0
                                    

Yung tibok ng puso ko, sobrang lakas to the point na halos lumabas na siya sa dibdib ko. Pero ano nga ba ang kinatatakot ko? Nasa Rione District ako at wala namang pakialam ang kahit na sino dito. Gaya nga ng sabi ko, mga magnanakaw, prostitute, low-class assassins, drug pushers and users lamang ang naninirahan sa distritong ito kaya bakit nga naman nila kami pag aaksayahan ng oras? Mga walang kwenta, patapon at salot sa lipunan lamang ang mga tao dito kung kaya't ito rin ang paboritong lugar para maghanap ng pagkain ng mga kakaibang nilalang.

"Dad, do you think your story may happen in real life?" The younger version of me asked my father.

"Maybe. It's up to you whether you will believe or not. But keep in mind that, this world is full of supernatural things... waiting for our senses to grow sharper." Then he winked at me before tucking the little me in bed.

"Then I will believe. As long as someone believes, they will really exist, right Dad? Right?" Bibong sabi ng bata.

"Hm." Nakangiting tumango si Dad bago nagsalita. "You want them to exist in reality?" Natatawang tanong pa niya.

"Yes. I really wish I am the heroine of your stories, Dad. Or-- or even just a supporting character. I really want to see werewolves, vampires, wizards and other mythical creatures you used to tell me."

The thing is... I wish I can turn back time and change my prayers and wishes when I was a kid. Masyado kasi yata akong malakas kay G at tinupad niya yung hiling ko noon. But now, all I want is to go back to my old life and forget that those mythical creatures are really living among us for centuries. Ngayon ang tanging hiling ko nalang ay sana, isang mahabang bangungot lang ang lahat at sana-- sana hanggang libro at mga kwento nalang yung mga nilalang na 'yon.

Nabalik ako sa reyalidad nang lumakas yung mga katok sa pinto ko.

'Wala kang kasalanan. Aksidente ang lahat. Dinipensahan at prinotektahan mo lamang ang sarili mo. Walang mali sa ginawa mo.' Paulit ulit kong pangaral sa sarili ko, to somehow lessen the guilt and nervousness in my system.

I slowly walked towards the door and opened it.

"What do you want?" I asked, as cold and intimidating as I can.

"Anastasia Glass?" Tanong nung lalaking bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto.

Imbis na sumagot ay tinaasan ko lamang sila ng kilay. I also crossed my arms then scornfully looked at them.

"We know what you did." Five words. It only take them five words to shatter the façade I put up.

"W-what do you mean?" Ramdam ko yung pagdagundong ng dibdib ko at unti-unting lumalabas yung butil ng pawis ko habang inaantay ang pag sagot nila.

"You know.. the vampire and the wolf." Sagot ng isang lalaki bago mapangasar na ngumisi at bahagya pang umaktong sumisilip sa loob ng bahay.

Vampire and the wolf?? B-but I didn't kill the girl! Why am I still liable for her death if I just witness it? I am not even a confederate to be culpable, therefore I can't be responsible in her case.

"I h-have no idea what you're talking about." Iniwas ko yung tingin ko para hindi nila mahalatang hindi na ako mapakali dahil sa kanila at sa mga nangyayari.

"No need to be such a weakling. We're not here to do those wild imaginations of yours." Masungit na sabi nung isang nasa may bandang likuran. But what?! Wild imagination?? Ni wala nga akong iniimagine. Psh!

"Just be straight to the point and don't waste my time." Sabi ko nalang para matapos na 'to. Hindi naman sila mukhang mga tauhan ng gobyerno para kabahan ako tulad kanina. Mas mga mukha pa nga silang pulubi kaysa sa 'kin. Pulubing nageenglish. No offense meant.

"Mage University" sabi nung isang babae na kasama nila.

"School Festival" segunda naman nung isa pang babae. Dalawang babae kasi sila at tatlong lalaki.

"Ring a bell?" Maarteng sabi ng-- wait what?! Hindi pala sila tatlong lalaki! Dalawa't kalahati lang. Pftt.

"What about it?" Tila naaasar kong tanong. Ano namang akala nila sa 'kin? Hindi aware 'don? Ano 'ko? Mangmang? Psh.

"Ang boba naman 'teh." Bulong nung baklita na may kasama pang pagirap. Bubulong bulong pa, dinig ko naman. Ako pa yung sinabihang boba? Hambalusin ko siya eh.

"School Festival is the only time that the university opens for people-- like us." Ano ba talagang point ng paguusap na 'to? Ang dami nilang cheche bureche!

"So?"

"Join us. Kulang kasi kami ng isa. Balak naming sumali 'don sa--- ano nga bang patimpalak 'yon?--- ahh! Sa decathlon!"

Decathlon is not the ordinary sports event though 2 days din siyang ginaganap at may 10 different competition na kailangang tapusin. The difference is that, those 10 events are deadly. Literal na do or die kasi 'yon. Kapag talo ka, you'll just vanish into thin air.

Ilan lang ang may alam sa impormasyong iyon dahil hindi pa naman talaga masyadong expose ang mythical world sa mga tao. Ako? Nalaman ko lang dahil sa mga kwento noon ni Dad.

Kaya nga minsan ko na ring pinangarap na makapasok sa big 3 university ng Claremont. Kaso nagbago 'yon nang mawala si Dad. And I don't think I will ever have the guts to have such goals ever again.

"At bakit naman ako papayag? Ni hindi ko nga kayo kilala." Kibit balikat kong sagot.

"Trust me. Mas kailangan mo kami kaysa kailangan ka namin." Nakangising sabi nung isang lalaki. Yung isa naman, nanatiling tahimik.

"And why is that?" Nakataas kilay kong tanong.

"Sabihin nalang nating--- we have some essential information about your dearest father." Parang nangaasar na sabi nung mahaderang palaka. Binulong pa niya yung huling part.

"Ngayon lang tayo nag kita, bakit naman ako magtitiwala sa inyo?" Tama! Hindi nila ako maloloko. Gagamitin pa nila sa 'kin si Dad? Psh.

"Correction, ngayon mo lang kami nakita. Pero kami? Matagal ka na naming kilala." Mataray na sabi nung isang babae.

What the hell? Ano nanaman ba 'to? Una, yung tarantadong bampira. Pangalawa, yung patay na babaeng lobo. Pangatlo, ito? Ano pa kayang pasabog ang gugulantang sa buhay ko?

At isa pa--- dapat ko ba silang paniwalaan? Pagkatiwalaan?

Tales of the Fallen: UnwantedWhere stories live. Discover now