“Good. Ngayon ay aakyat na ako sa itaas para sa dinner nating dalawa. Umakyat ka na rin mamaya.” Bilin ko sa kanya bago nagsimulang humakbang paakyat sa hagdan. Inirapan naman ako ni Charli pero tumango siya habang si Sammy naman ay nakangiti lang na pabalik -balik ang tingin sa aming dalawa.

-

“Balita ko pinatikim ka raw ng pagkatalo ni Liz ngayong araw?” Si Spencer na pumasok sa apartment habang nagsisimula akong magluto.

“Yes. Kaya nag iisip na ako kung papaano ko siya uunahang pumasok nang hindi ko kinakailangang gumising ng maaga.” Sagot ko.

“Nag taxi ka na ba? May short cut kasi na daan.”

“Ginawa ko na yan pauwi dahil iyan ang ginawa ni Charli kaninang umaga at naunahan niya ako. Pero pagkarating ko rito sa apartment ay naunahan na niya ako. Ang sabi niya ay sumabay raw siya kay Sammy.”

“Ah, kaskasera kasi iyong si Samantha. Wala sa hitsura pero matindi ang driving skills n’on.” Sagot lang ni Spencer at pumunta sa ref upang kumuha ng tubig. “Subukan mong sumabay minsan kay Sam, kakapit ka talaga at siguradong mananalo ka sa bago niyong contest ni Liz.”

“May palagay akong nakakontrata na siya kay Charli at hindi na ako isasabay n’on kahit makiusap ako.” Sabi ko pa. Bukod sa bago lang din naman akong kakilala nina Sam, at tsaka tiyak akong nakay Charli ang loyalty nila.

“Well, good luck na lang sa’yo. Mananalo ka rin. Anyway, anong niluluto mo? Ang bango.”

“Ah, sweet and sour fish.”

“Nice. Tirhan niyo ako ni Liz, gusto ko niyan.” Sabi niya at pumasok na sa sarili niyang kwarto.

Naiwan naman ako sa kusina na nag iisip pa rin kung papaano ko tatalunin si Charli sa paunahan pag-pasok at pag-uwi. Ganoon din kung ano ba ang hihingin kong kapalit kapag nanalo na ako.

-

I’m pissed.

Isang linggo na at tatlong akong talunan sa paunahan sa pagpasok at pag uwi sa trabaho. Hindi ko na alam kung anong ginagawa ni Charli pero palagi siyang nauuna sa akin. Iba ang diskarte niya sa pag c-commute.

“You okay?” Tanong sa akin ni Boss Devlin habang kumukuha ako ng kape sa pantry.

“Oo, boss. I’m okay.” Sagot ko at tipid na ngumiti.

“Seems like something is bothering you.”

“Ah, iniisip ko lang boss kung papaano ako makakapasok at makakauwi ng mabilis at hindi naiipit sa traffic.”

“Easy. Get yourself a motorcycle. Makakasingit ka ng makakasingit kahit traffic.” Sabi ni Boss.

I blinked. He’s right. Pwede nga akong bumili ng motorcycle, may motor na ako noon na binenta ko lang din dahil umalis na ako sa amin. Hindi pa rin naman expired ng lisensya ko. Kung k-kwentahin ang gas sa pamasahe ko ay mas makakatipid ako in the long run, may parking area rin naman sa apartment.

Damn, pwede.

Nag search agad ako ng motorbikes online. Napasipol ako sa mga nakikita ko. What a beauty. Na -miss ko bigla ang mag road trip.

Yup, bibili na ako ulit ng motorbike.

Kapag naman naunahan pa ako ni Charli ay hindi ko na talaga alam.

-

I let Charli celebrate her win for the rest of the week. Sisiguraduhin ko naman na ako na ang mananalo sa mga susunod na araw.

“Hey, Spence.” Approach ko kay Spencer nang dumating ako galing trabaho at inabutan ko siyang nagsusulat sa café.

“’Sup?” Sagot niya sa akin.

One Thing Led To AnotherWhere stories live. Discover now