We clapped our hands at Mr. Kardashian's speech. 1 month pa lang namin siyang kasama but he's a very responsible teacher and adviser. He's also considerate and at the same time innovative. He dismissed the class early kaya may 30 minutes pa bago kami masundo ni Daddy.

Palabas na ako ng room when Khirro blocked my way. Ito na ang katapusan ko.

"I-I'm sorry. Pangalan ko ang nasabi mo kasi nataranta ako ng sobra dahil kay Ava. Nag-decline ka sana kung 'di mo gusto. "

Matamang nakatitig lang siya sa'kin at namalayan ko na lang na hila-hila niya na ako.

"Saan mo ako dadalhin?"

Pinagtitinginan na kami ng mga tao lalo na ang magkahugpong naming kamay.

"I'm hungry. "

"Bakit kailangang kasama ako? Moral support habang kumakain ka? "

He stopped walking kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Hinawakan niya ako sa baba at inangat ang mukha ko.

Ramdam kong parang may nagsigapangan at nagsiliparan sa loob ng tiyan ko nang magtama ang mga mata namin. Parang naiihi ako na natatae na basta halo-halo na ang nararamdaman ko.

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni sir?"

He moved closer until I can feel his warm breath near my ear.

"The secretary should never leave the side of the President. "

Pakiramdam ko parang papel ako na hinihila niya dahil ramdam kong lumulutang ako habang hila niya ako papuntang canteen. Anong nangyayari sa'kin?

"What do you want to eat? "

Napakurap-kurap ako ng bigla siyang nagsalita.

"Akala ko ba ikaw ang nagugutom?"

"Yes. Ayaw mo talagang kumain? "
Umiling ako.

"Rea-----"



"Bro! Ako gusto kong kumain. May pa-libre ba? Kanina pa kasi talaga nagwawala ang mga anaconda ko sa abs kaso I'm just a handsome poor guy now who ran out of money. "

Tama kayo ng hinala. Nasa table na namin si Ace at kasama niya sina Devon at Alyxir.

"Walang hiya ka talaga, Ace. Teka,  rinig mo ba mga alaga ko sa abs tol? Nagugutom na yata. Nakatunog kasi na masarap daw pag libre. "

Isa pa 'tong si Devon. Nagsalita rin ang may hiya. Note the sarcasm please.

"What do you want?"

Naghiyawan at nakihigh-five pa sila pagkarinig ng sinabi ni Khirro. Kaniya-kaniyang request naman agad sila.

Pagkatalikod ni Khirro alertong nagtago ang dalawa sa likod ni Alyx na parang shield nila sa matalim kong tingin.

"Mamumulubi ang tao sa inyo eh! "
Alyx nod his head like he agreed on me.

"Dapat nga ate maging generous si Bro, ay!  Kuya na pala itawag ko sa kaniya kasi magiging future brother-in-law ko naman siya eh. "

Parang namingi yata ako ah. Tama ba ang nadinig ko?

"Anong brother-in-law ka riyan?! "

"Kayo naman kasi ang magkakatuluyan ni Kuya eh. "

Umalis na sila sa likod ni Alyx pero may distansiya pa rin na hindi ko sila basta-basta maabot.

Nangalumbaba si Devon at tiningnan ako.

"Tama si Ace, ate. May Algebra kayo ng lalaking yun. Tapos bagay pa naman kayo, siya gwapo ikaw naman po mabait. "

Mas naningkit ang mata ko ng makitang pati si Alyx ay nagpipigil na nang tawa.

"Anong bagay?  Kami ng suplado na 'yun?  Hindi ko siya gusto no. "

"Wala naman silang sinabi na gusto mo ang lalaki eh. You're in danger, ate. "



'Di ko namalayang napapalunok na pala ako ng laway dahil sa kaba at ramdam kong nahihirapan akong huminga. Napahawak na ako sa dibdib ko para lang mahabol ang hininga ko.

Kita ko ang pagrehistro ng pag-aalala sa mukha ni Ace at nawala ang ngising nakapaskil sa labi niya. Nilapitan niya ako at hinawakan sa balikat.

"A-Ate? Relax ka lang po. R-Repeat after me ate ah?  Inhale... Exhale."

Pilit kong sinusunod at pinapakinggan si Ace pero inaagaw na ang ulirat ko. Tinali na ni Devon ang buhok ko at pinapaypayan ako ni Alyx.






"What's happening here?! "

May umagaw sa'kin kay Ace at sinapo nito ang mukha ko. Nakasalubong ko ang nag-aalalang mukha ni Khirro. Napahigpit ang kapit ko sa mga braso niya. Mukhang naiintidihan niya na agad ang nangyayari sa'kin.

"Look at me, Aestherielle. Okay, just look at me in the eyes. Good girl, now let's take a slow breathing. Follow me, Aesthe, inhale... exhale. "

Naging sunod-sunuran ako sa mga utos niya. Parang nilalamon ng mga nata niya ang kaluluwa ko. Limang minuto ang lumipas bago ako kumalma.

I was so shocked when he suddenly hugged me tight. So tight that almost took my breath away again but I love the feeling of me being enveloped by his arms.

"I've never been this scare again, Aestherielle. "

This is the first time that he called my name. Malakas ang tibok ng puso ko pero hindi katulad kanina na nakakapalpitate.

"Thank you, Khirro. "

Kumalas siya sa yakap at hinarap si Ace na namumula na ang mga mata.

"What exactly happened?"

"K-Kapag sobra po siyang kinabahan at hindi niya agad nakontrol ang puso niya agad po siyang nagpapalpitate."

Inabutan ako ni Alyx ng isang basong tubig na agad ko namang ininom.

"Are you really okay?"

Nakayukong tumango ako. I'm busy looking at our unconsciously intertwined hands under the table.

I'm in love with you (COMPLETE ✅)Where stories live. Discover now