Tumawa ako. "Panyo lang? E' bakit para kanang naglaba ng comforter dito?" I pointed at the wet sink. Mas lalong tumawa si Eya.


After I cleaned up myself, lumabas narin kaming tatlo ng kwarto. Talagang inantay nila ako. Hindi pa muna ako naligo dahil malalamigan daw ako kahit pa gumamit ng heater sabi ni dady Eris. Binihisan pa raw ako ni Mei kagabi ng drop shoulder at pajama na suot ko pa ngayon. I just did my face and teeth, mamaya nalang ako maliligo.


As we entered the kitchen, Mei and Trix turned to us. Pareho silang ngumiti. Mei offered my seat so I sat down on it, as well as them on theirs. Usual breakfast ang niluto nila, may bacon, omelet, hotdog, ham, pancake at rice, mayroon ding iced tea. Kung hindi lang ako nilagnat kagabi ay paniguradong may salmon at sushi na sa harapan pero ngayon wala. Poor, Kai.


"Did you check her temperature?" panimulang tanong ni Trix, nakatingin kay Eris.


Tumango si Eris nang hindi tinitignan si Trix dahil nilalagyan niya ang baso ko ng iced tea. "Ang taas kagabi, grabe," tumatango-tango niyang sabi.


Ngumiwi si Trix. Mei looked at me. "Nilamig ka ba kagabi?" she asked while putting an omelet on her plate.


Nag-isip ako. Nilamig ba ako? "Hm, parang hindi naman. Why? Pinatay niyo aircon? Sino katabi ko kagabi?" sunod-sunod kong tanong habang sinusubo ang bacon.


Eya laughed. "Hindi mo matandaan? Si Eris katabi mo kagabi. Pagkauwi ba namin dito, naabutan namin na yakap ka niya ng topless habang nasa ilalim ng kumot. God, ginamit niya ang body heat ninyo," pagkukwento ni Eya kaya kumunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Pareho namang tumawa si Mei at Trix. Eris just threw a glare on Eya.


"Huwag mo ngang lasunin ang utak niyan. Papansin na 'to. Trix ireto mo nga 'to sa kuya mo para malaman natin kung may ibubuga ba talaga." Eris smirked after teasing Eya.


"E' kung bugahan kita nitong iced tea?" Eya shot back. Napailing nalang ako. Mabuti at hindi na rin masakit ang ulo ko after drinking some liquid.

Ngumisi lang si Trix. Nagtaas naman ako sa kanila ng kilay. "Ano bang totoong nangyari kagabi? Wala talaga akong matandaan, promise," I uttered.


Tumingin sa akin si Mei. "Sabay-sabay tayong umuwi kagabi. You passed out so hindi mo matandaan. Binuhat ka ni Eris papuntang kotse," Mei answered.



Days passed. Dumating ang araw ng interhigh. Sinabi sa amin ni Coach Perez na maaga raw dapat kaya narito na kaagad ako sa covered court at alasais palang! Humihikab pa ako! At wala pang tao sa buong court maliban sa mga janitor at naglilibot na mga security.


Dumukmo ako sa mesa ng table tennis habang nakaupo sa monobloc na naroon. Tumayo lang ako nang maisipan na bumili muna sa labas ng milktea para magising ang diwa ko. I'm wearing our PE pants at ang pantaas naman ay ang customized jersey shirt na ang ay nakalagay na Cortez at 07 sa likod.


Iniwan ko muna ang bag doon sa inupuan ko dahil wala namang tao and I stood up. I walked at the pathway palabas. Lumiko ako sa milktea house at nag-order. Humikab ulit ako at kaagad napahinto nang makita si Kalvin na lumabas sa isang BMW, wearing a black jersey shirt and short with white balenciaga shoes. Ang fresh, kakaligo. Pero bakit dito siya huminto, hindi sa carpark?


Nanlaki ang mata ko nang makitang dito siya patungo. O-order din siya? Bakit naman ngayon pa? Umayos ako ng upo at tumingin na lamang sa nagse-serve. Bahala siya riyan, hindi ko siya papansinin, hindi rin naman siya mamamansin panigurado.


Ramdam ko ang bawat kaba sa t'wing naiisip na papalapit siya. The server smiled at me as he gave me my wintermelon milktea. Ngumiti rin ako habang binubuksan ang wallet ko pero kaagad napangiwi nang makitang wala akong 200 pesos! Damn, puro card lang ang narito!


WHEN HE TOUCHED THE TRIGGER | ASSASSIN SERIES 1Where stories live. Discover now