Pang Tatlumpu't Anim na Silip

Magsimula sa umpisa
                                    

“Just a piece of advice Ana, wag mo na masyadong ipahiya ang sarili mo. Wag mong ipilit ang sarili mo sa isang taong walang damdamin sayo. If I were you bumalik ka na lang ulit sa bahay niyo or much better sa kung saang probinsiya ka man nanggaling. Wag ka nang umakyat sa office ni Ralph because you see, we are having lunch again and to spare you from further embarassment, I suggest na wag ka ng tumuloy na puntahan siya. Baka kasi mas lalo kang mapahiya pag ako na naman ang pinili niya.”  Tapos ngumiti siya ng napakatamis sa akin sa pinagtataka ko.

Pero hindi pala siya sa akin nakatingin kundi sa likod ko.

“Ralph sweetheart.” Tapos iniwan niya ako at sinalubong si Paeng. Nung lumingon ako I saw her kissed him on his lips tapos pinatalikod na niya ito at sabay silang naglakad papuntang elevator. Hindi ko alam kung nakita ba ako ni Paeng o sadyang inignore niya ako. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

No..Hindi maaari. Hindi ko hahayaang maagaw niya sa amin ng anak ko si Paeng.

Nahimasmasan ako at nagmamadali akong tumakbo para habulin sila. Pasakay na sila sa elevator at pasara na ang elevator.

“Paeng!” I saw him looked at me pero hinawi ni Casper ang mukha niya and kissed him fully on the mouth.  I ignore the stab of jealousy sa sumalakay sa akin. Mas lalo akong nagmadali and just when the elevator was about to close nakarating ako.

“Ana.”  Narinig kong sabi ni Paeng. Nakatingin lang ako sa kanya kaya hindi ko nakita na pasara na talaga ang elevator. At nung pumasok ako nabangga ako ng pasarang pinto. Hindi ko nakayanan ang impact ng pagbangga sa akin ng dalawang pinto.

Natumba ako.

“Ana!” Hinawi ni Paeng ang pinto ng elevator kaya bumukas ulit ito. Napatingin ako sa kanya at ni hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Feeling ko ang baba baba ko nung mga panahon na yun. Both of them are looking at me. Oo nakita ko ang concern sa mukha ni Paeng habang pinipigilan niya na sumara ulit ang elevator pero mas tumatak ang mukha ni Casper sa akin. Her face is that of triumph. 

“Are you okay?” Sabi ni Paeng. Tumulong na din ang ibang nakakita at sila ang pumigil sa pinto ng elevator habang tinutulungan ako ng Paeng na tumayo.

Pero hindi ako makatayo. Natatakot akong tumayo at natatakot akong magsalita dahil sa sakit na nararamdaman ko. Dahil sa sakit nararamdaman ko sa puso ko at sa sakit na nararamdaman ko sa puson ko.

Natatakot akong maconfirm ang hinala ko.

“Ana…” Pilit niya akong pinapatayo pero ayaw kong tumayo. Instead humagulgol na lang ako. Matatanggap ko ang lahat wag lang ito. Mawala lang ang lahat sa akin wag lang siya. Pero hindi ko maikakaila as the red liquid started to crept in my white skirt down to my legs.

Lalo akong napaiyak and I clutched onto my tummy na para bang sa paraan na yun maisasalba ko ang kaisa isang bagay na naiwan sa akin.

“Ana!” Napatingin ako kay Paeng and I saw horror in his eyes.   Tapos binuhat na lang niya ako bigla at tumakbo palabas ng building ordering everyone to ready the car.

Sa mga panahon na yun, I am starting to get numb.Hindi na ako humahagulgol pero wala pa ding tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Nasa sasakyan na kami and Paeng is talking to me pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Nakaharap siya sa akin at sobrang magkalapit kami pero halos hindi ko maaninag ang mukha niya. Ni hindi ko magawang isigaw ang sakit na nararamdaman ko sa puson ko.

My eyes are open but I see nothing.

I am not deaf pero wala akong naririnig.

My face is void of any emotions.

Ang bagay lang na makakapagsabi na nasasaktan ako ay ang mga luha na hindi tumitigil sa pag agos mula sa mga mata ko. 

...And They Kill Each Other.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon