"I'm back!" masiglang bati niya pagpasok ng mansyon. Tahimik na noong dumating siya pero hindi siya pinanghinaan ng loob.

I am a Mondragon. I bring life to anything.

Kumpleto ang mga kapatid niya. Ang Papá niya ay malayo sa mahal nitong si Theia na masama ang tingin dito. Katabi naman ng Mamá niya ang ate Ynez niya. Si Dom at Yana ay nakahawak sa magkabilang braso ni Theia. Ang mga ito siguro ang pumipigil sa huli para sugurin ang Papá nila. Samantala, tahimik lang na nagmamasid sina Iris at Kalli sa mga ito. Palagay niya ay kanina pa inaawat ng mga kapatid niya si Theia. Sa tindi ng katahimikan, ang mabilis na paghinga lang ni Theia ang maririnig sa paligid. She was always calm and charming, ngunit sa itsura nito ngayon, gusto niyang sumigaw na sino ang babaeng ito at bakit kamukha ito ng kapatid niya.

"Congratulations on your wedding day, bunso. Here's my gift for you!" nakaka-isang hakbang pa lang siya ng sabay-sabay nagsigawan ang pamilya niya. "Mari!"

"What?" mabuti na lang at mabilis siyang napaharap. Napanganga siya ng makitang susugurin siya ni Theia. "Theia? What's wrong with you?"

"Lumapit ka dito, Ate Mari. Sasampalin kita. Bitawan niyo ko, sasampalin ko 'yan. Ate!" nagpupumiglas ito sa mahigpit na kapit nina Dom at Yana.

"Theia, kumalma ka. Hindi si Ate Mari ang kaaway mo." mahinahong sabi ni Dom.

"Ilayo niyo nga si Ate Mari kay Theia. Baka hindi ako makapagpigil, ako sasampal kay Ate Mari." nanggigigil naman na sabi ni Yana.

"The hell, Yana?"

"Astraea." lahat sila ay napalingon ng marinig ang pagtawag ni Andrei sa bunso nila.

"Babe, can you take Theia somewhere else para kumalma siya?" maarteng utos ni Yana dito. Ang mas nakakabigla, tahimik lang na lumapit ang binata dito at binuhat si Theia. "What the hell, Andrei?"

"Ibaba mo ko, Andrei! Susuntukin ko 'yong mukha mo." namumulang sigaw ng kapatid na nakapatong sa balikat ni Andrei na parang tuwalya. "Damn you!"

"Don't... move! You'll fall, Astraea." ngingiti-ngiti si Mari sa narinig. May naisip siyang solusyon sa problema ni Theia.

"Wait... Theia, I have a suggestion." natawa siya dahil lalong namula sa galit ang kapatid niya. "Maganda kaya itong naisip ko. Why don't you guys elope?" turo niya sa dalawa.

"No!" hiyaw ni Yana. "Mari!" sabay-sabay naman na sita ng mga kapatid niya. Ngunit ang pinakamalakas na sigaw sa lahat, ang sigaw ng Papá niya.

"Seraphina!" napatayo pa ito at masama ang tingin sa kanya. "Talagang tinuruan mo pang makipagtanan ang kapatid mo sa harap namin ng Mamá niyo?"

"Theia is 25 now. Anong masama kung makipagtanan siya kay Andrei? I mean... look at that. He's hot."

"Pigilan niyo ko, sasabunutan ko na 'yang kapatid niyo." naiiritang sabi ni Yana. "Pero hindi ka naman wrong, ate."

"Right? Hindi naman sila alangan ni Theia. Andrei may be our driver but he doesn't look like a driver at all. Tsaka we are rich naman. Wala naman magiging problem kung magkatuluyan sila ni Theia. Kung gusto niyo bigyan niyo na lang sila ng pre-nup."

Naiinis na nag-walk out ang Papá niya na mabilis namang hinabol ng kanyang ina. Ang mga kapatid niya ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Walang kumibo sa mga ito. Tanging si Ynez lang ang naka-pormal sa mga kapatid niya. Lahat nakasimangot, lalong-lalo na si Yana.

"Sumobra ka, Mari." pagputol ni Ynez sa katahimikan. Tinanguan nito si Andrei na mabilis namang inilayo si Theia sa kanila. Naririnig niya pa ang papahinang reklamo ng kapatid bago tuluyang tumahimik ang paligid.

"Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko?"

"Everything! Lalo na 'yong utusan mong magtanan si Theia at Andrei." sabat ni Yana. "God! Gusto kitang sampalin. Kung hindi lang kita ate."

"Papá announces Theia's engagement. Siya at ang Mamá ang nagplano ng kasal ni Theia. It wasn't Theia's choice." biglang nagsalita si Iris na umirap pa sa kanya bago umalis.

"She was arranged to be married. Kung ako si Theia, malamang nagwala rin ako kung sa akin sinabi 'yon ng Papá." mahinahong paliwanag ni Kalli. "Excuse me, babalik lang ako sa kwarto ko."

"Sorry," nakokonsensyang sabi ni Mari. "Hindi ko naman kasi alam."

"Kaya nga dapat hindi ka na lang nag-suggest." mataray na sabi ni Yana.

"Yana!" sita dito ni Dom. "Anyway, ate, hindi lang si Theia ang ginalit mo. Pati sina Papá. I suggest... mag-sorry ka sa kanila."

Sabay-sabay umalis ang natitirang mga kapatid niya at iniwan siyang mag-isa. Hindi makapaniwala si Mari sa inasal ng mga ito. Naiinis siyang umupo sa sofa sa gilid niya at padabog na inalis ang sapatos niya.

"Inistorbo 'yong pamimili ko para dito tapos iiwan niyo ko mag-isa!" kinuha niya ang phone niya at mabilis na nagtipa. "Makapag-shopping na nga lang."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mondragon Empire 05 - Mari SeraphinaWhere stories live. Discover now