Chapter 1

24 3 1
                                    

Mari feels like she own the place. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nandoon siya sa Bluehills para mamili ng kung ano-ano. She loves spending and spending and spending. Kung inaakala ng iba na nanghihinayang siya sa mga ginagastos niya ay nagkakamali ang mga ito. Bakit naman niya panghihinayangan ang mga ginagastos niya kung hindi naman niya hinihingi ang mga 'yon?

"I'll take this. Ilang colors mayroon nito?" tanong niya habang hawak ang isang set ng two-piece mula sa bagong collection ng Amore, ang paborito niyang swimsuit boutique. "Alam mo na naman ang size ko, 'di ba?"

"Yes, Ms. Mari. Dalawa lang po ang design nito. Ikukuha ko po ba kayo ng tig-isa?" tanong sa kanya ng sales lady na nag-aasiste sa kanya.

"Yes. Ito rin pala." sabay abot ng pulang two-piece suit dito. Paghawak niya pa lang ng tela ay talaga namang nagustuhan na niya. "Bagay kaya sa akin itong red?"

"Lahat naman po, Ms. Mari, bagay sa inyo."

"I know, right?" nakangiting sabi niya rito. Nagulat na lang siya ng makitang ito ang suot ng endorser ng Amore. "Wait, ito 'yong best design ng collection?"

"Yes, Ms. Mari. Rogue po ang pangalan niyang swimsuit. Best seller po namin siya kaya pina-endorse ni madam. Maganda po ang tela, 'di ba? Tsaka mura lang siya, ma'am. Kaya po marami talaga ang bumili n'yan."

"Mukha ba kong magsusuot ng ganyan ka-cheap?" hinila niya ito at ibinalik sa rack. "Maghahanap na lang ako ng iba pa. Ayaw ko ng red. Hindi bagay sa kutis ko 'yong kulay. Kulay mahirap."

Hestia calling...

"Hello, Ate Ynez. Anong kailangan mo? Namimili ako." pagsagot niya sa tawag ng panganay na kapatid.

"Umuwi ka na. Theia is getting married."

"Ano naman kinalaman ko kung magpapakasal na si The— what?!" eskandalosa niyang sabi bago naglakad palayo sa mga sumusunod sa kanya. "Is she pregnant?"

"Ano bang pinagsasasabi mo, Mari Seraphina? Go home. Now! Papá needs us. Theia is getting wild."

"Wait," natatawa niyang sagot sa ate niya. "si Theia ang pinag-uusapan dito, Ate Ynez. Astraea Denise Mondragon tapos wild? That's the funniest thing I've ever heard in my entire life."

Mula sa mga narinig sa kapatid, ipinagsawalang-bahala na ni Mari ang mga sinabi nito at bumalik na sa pamimili ng mga swimsuit. Hindi naman niya binaba ang tawag nito, pinakikinggan niya lang ang mga sinasabi ng kapatid pero hindi niya ito iniintindi. "I'll take this, 7 sets lang ba 'yong kulay nit– what was that, Ate Ynez?" kunot-noong pagsigaw niya sa telepono niya ng may marinig na ingay sa kabilang linya.

"I told you, Theia is getting wild."

"That was Theia? Sandali!" humarap siya sa sales lady na nakasunod sa kanya at inutusan na i-bag na lahat ng pinamili niya. "Miss, paki-bag na lahat at palagay na sa sasakyan ko. I have an emergency at home."

"Sure, Ms. Mari."

"Ate, pauwi na ko. Can you calm that tigress down? Wow, gusto kong maabutan 'yan. For the books." pagbilin niya kay Ynez habang natatawa pa ng mahina.

"Pwede bang mag-seryoso ka muna ngayon? For the books, for the books ka pang nalalaman dyan, nagwawala na nga 'yong kapatid natin dito?"

"Exactly! Of all the sisters, si Theia ang nagwawala. From the sweet little girl, who would've thought that Theia can be wild? That growl... God, ate! Akala ko may inuwi kayong tigre."

"Mari!"

"I'll hang up. Going home!" mabilis niyang tinapos ang tawag at nagmamadaling sumakay sa sasakyan niya. Excited siyang makauwi. Kung ang nagwawalang Theia ang aabutan niya sa bahay, worth it ang pagputol ng mga ito sa pamimili niya.

Mondragon Empire 05 - Mari SeraphinaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα