Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-

Start from the beginning
                                    

"Ano'ng kalokohan ito, freak?" tanong niya na para bang inaakusahan niya na may kinalaman si Rio sa lahat ng nangyayari ngayon. Ngunit nagkibit-balikat lamang si Rio at ngumiti ng tipid. Tiningnan lang siya nito ng I don't know what is happening here look. 

"Tara na sa room. May quiz pa tayo,  'di ba?" pag-iiba ni Rio ng usapan. "Kailangan pa nating magreview. Bukas na rin ang semifinal exams." Dagdag pa ng binata. 

Dyahe! Kailan pa naging interesado si Freak na magreview? 

At kailan pa nagkaroon ng fans club para sa kanila ni Rio Jed Nolasco? Ni Mr. Arrogant? 

...♥...

NGAYON ang unang araw para sa semi-final exams. Naipamigay na rin ng proctor ang mga test papers. Unang subject ay ang Law on Obligations and Contracts.  One seat apart para raw maka-iwas sa cheating. Kinuha na lamang ni Rio ang test booklet at sinulat  ang kanyang pangalan ngunit bago siya magsimula sa pagsasagot ay sinulyapan niya muna ng tingin si Monica. Nakaupo ito sa pinakadulo ng row na iyon.

Nilingon din siya ni Monica pagkatapos ay nag-thumbs up pa ito at ngumiti. Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lang siyang napangiti at ginanahan magsagot. 

Dapat niyang maperfect  ang exam para wala nang maipunang mali sa kanya ang parrot niyang tutor. Para maging proud naman ito sa kanya. 

Ewan ba niya pero gusto niya na maipagmalaki rin siya nito. Lahat na  yata ng tao ay bilib sa kanya. Si Monica nga lang yata ang hindi. Nakakagago lang. Kung sino pa iyong taong gusto niyang makita kung gaano siya kagaling, iyon pa mismo ang walang ibang pinapansin kundi iyong mga hindi magandang bagay tungkol sa kanya. 

"Kaya mo iyan." She mouthed at him saka muling ngumiti. Binalik niya ang ngiti rito pero umiwas na lamang ito ng tingin. Binabasa na nito siguro iyong instructions para sa exam.  

Ang ganda-ganda lang niya kapag nakangiti. Kahit naman kapag nakasimangot siya o kaya nagsusungit. Maganda pa rin siya. 

Okay! I admit it.  

I think... 

I think... 

"Okay Class, you have one hour to answer your exam on ObliCon. Kapag tumunog ang buzzer, ibig-sabihin ay bawal nang magsagot at kailangan na ninyong ipasa ang test booklets ninyo. Okay. Start." 

I think I am having a crush on her. 

Lang'ya! Parang ang bading lang niyon! Pero puwede namang magkaka-crush ang lalaki, hindi ba? 

...♥...

ISINARA ni Monica ang test booklet niya. Tapos na kasi siyang magsagot. Pang tatlong subject na nila. Pagkatapos niyon ay bukas na ulit ang sunod na exam. Mabuti na lang at morning schedule ang block nila. Puwede pa siyang magreview ngayong hapon. 

Napasulyap si Monica sa lalaking nakaupo sa kabilang dulo ng row. Nakangiti ito habang nagsasagot. Basic Accounting ang exam nila. Medyo mahirap ang problems pero kampante naman si Monica sa mga sagot niya. Pinagmasdan lang niya si Rio habang nagsasagot. Ang lapad lang ng ngiti ng mokong. Parang kampanteng kampante ito. Napangiti na rin si Monica. At least... mukhang may chance na bumalik sa top students' list si Rio. Nagbunga ang ilang weeks na pagrereview nila. 

Naramdaman na lang niya na parang biglang nagmarathon ang puso niya. Anak ng kabayong naglalaro ng jack en' poy! Bigla kasing lumingon sa kanya si Rio at ngumiti. Pagkatapos ay nagthumbs up pa ito sa kanya.  Pakiramdam ni Monica ay biglang nag-init ang mukha niya kaya umiwas kaagad siya ng tingin. 

Okay? What was that? What on earth is going on? 

Ngumiti lang si Airy Arrogant Freak, nagtatalon na kaagad ang puso niya? Masama ito.  Baka maging cause pa ng cardiac arrest ang ngiti ni Freak. 

I am the Tutor of Mr. Arrogant (Completed)Where stories live. Discover now