"Hello? Yes... Rick! I have a favor... Can you open your Mall at this hour? My grand niece wants to buy something... Yes... Thanks." Sabay baba at tingin sa akin.

"Just buy anything you want. Ako na ang bahalang magbabayad," he said.

I smiled. "Thanks Grand Uncle Rico. You're the best..."

Umayos siya ng upo sa kama at sumandal sa headboard.

"By the way, why aren't you resting? Hindi ka ba napagod sa byahe?"

"Actually nagpatattoo ako. Kasama ko ang fiance ko, Grand Uncle." I showed Asiel on the camera. Lumingon siya saglit pero ibinalik din sa kalsada ang tingin.

Muli kong ibinalik sa front cam at nakitang nag-aangat na ng kilay si Grand Uncle.

"Thought you're planning to crash your wedding. But oh well, that's great. We'll support you if you change your mind. Seems like he's taking care of you very well..." ani Grand Uncle.

Tumawa ako. "We both agreed we'll destroy this marriage, Grand Uncle." Sabay lingon kay Asiel na seryoso lamang ang tingin sa kalsada, ang ekspresyon ay madilim na.

"Nasa inyo ang desisyon. As long as he's good to you then I don't have a problem with that..."

Ngumisi lamang ako. Alam kong naririnig ni Asiel ang usapan. Nagpaalam din naman ako kay Grand Uncle lalo na't mukhang pagod siya para makapagpahinga ito saka kami nagtungo sa Makati lalo na't naroon ang tinutukoy na Mall ni Grand Uncle.

It was one of the biggest Mall in Makati. Kaya noong bumaba kami ni Asiel ay sinalubong agad ako ng iilang saleslady.

"Are you Miss Brandy, Ma'am?" magalang nitong tanong.

I nodded while Asiel was silent beside me. Ngumiti ang babae sa akin at iginiya na ako papasok habang bumuntot naman ang iilan pang saleslady.

Masyadong tahimik ang Mall at buong parte ay nakabukas ang ilaw. Parang buong Mall talaga ang pinabuksan ni Grand Uncle so I can freely do everything I want.

"I want a box of red velvet macaroons," sabi ko na ikinatango agad ng isang saleslady at nagpaalam na umalis muna.

Dinala ko naman si Asiel sa kanilang Department Store para mamili ng damit. Pinagtuturo ko lang at isa isa iyong kinukuha ng saleslady.

"Damn spoiled," I heard him whispered when I stop on the mirror to watch myself.

"What?" I asked curiously since I didn't hear him.

Umiling siya at binasa ang labi, iniwas rin ang tingin habang hindi pa rin nagbabago ang seryosong ekspresyon. I let it pass and started choosing clothes again.

Noong magsawa sa mga damit ay umupo na lamang ako sa footwear area para mamili ng killer heels and shoes. Pinagtuturo ko lang ang aking gusto at hinayaan ang mga saleslady na yumuko sa aking harap at isukat iyon sa akin.

"You can also choose whatever you like, Asiel," I said after choosing three pairs of heels.

Umiling siya bilang pagtanggi. Umangat ang aking kilay. What's wrong with him? Kanina pa 'yang ekspresyon niya, ah? Para siyang may ikinakagalit na ewan. After the shopping and getting my red velvet macaroons ay lumabas din naman kami. Asiel offered to bring all the paperbags lalo na't ang mga saleslady sana ang magdadala noon para ilagay sa backseat ng aking kotse.

Sinimulan kong buksan ang box ng red velvet macaroons saka kumuha ng isa nang nasa front seat na ako. Asiel started the engine. Nilingon ko ang nakalinyang mga saleslady para panoorin ang aming pag-alis. Kumaway sila kaya ngumiti ako ng kaonti at itinuon din ang tingin sa aking hawak na isang piraso ng red velvet.

T A I N T E D (NGS #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon