Kalimutan siya

246 3 0
                                    

Katsumi Pov

Nandito na ako ngayon sa bahay.

Nakahiga sa aking kama.

Nakatingin sa kisame.

Pinag-isipan ko ang sinabi ni Tita kanina.Tungkol sa nararamdaman ko sa babaeng yun.

Sabi niya

"Lahat ng bagay ay darating sa tamang panahon at saktong lugar"

Sabi ko naman

"Tita responce lang naman ang hinihingi ko.Bakit ang tagal naman maibigay?"

"Baka may nangyari lang or hindi pa niya nakita.O baka busy yun sa pag-aaral hijo" sagot niya.

"Ganoon" sabi ko.Parang hindi naman acceptable excuse yun para tumigil na ako sa kabalyuhang ito.Bakit ang daming baka? Baka ganyan. Baka ganoon.. Baka nga talaga totoong trip trip lang yun. Ewan,pero kung ganoon man yun, kung ganoon man ang rason niya. Maninikip ang dibdib ko sa sobrang dismaya.

"hijo, maraming rason sa mundo. Kung anong rason man ang gusto mong isipin o paniwalaan. huwag mong masayadong dibdibin."

"Hindi ko naman po dinidibdib tita" pagsisinungaling ko

"Talaga? Weh de nga? Eh bakit ganyan ang mukha mo? Para ka nang sasabog at anytime magbibreakdown ka na."

"Ho?!" halata ba sa mukha ko?

Tumawa si Tita "Hahaha Ang cute mo talaga.Bagay nga talaga kayong magbabarkada. Sobrang cute niyo"

"Tita talaga"

"Basta hijo. Hwag mong masyadong seryusohin ang tungkol sa mga bagay na ganyan. Bata ka pa at maraming ka pang maririnig na tulad niyan sa mga fans mo. And please don't be mad"

"Hindi po ako galit"

"Pero alam kong darating ka sa puntong yun"

I sighed. Parang doon na nga yata patungo yun. 

"Katsumi may I remind you na wala kang karapatang magalit sa kanya dahil wala siyang ginawa na dapat mong ikagalit"

Tama si Tita. 

Pagkatapos namin mag-usap. Sinabihan niya ako tungkol sa gig namin tapos pinauwi niya ako. Kaya heto ako ngayon, nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Tumunog ang phone ko.

"Hello" ako

"Katsumi" halatang nagboboses babae "ako ito ang youtube girl mo"

Kunot noong tinignan ang screen ng phone ko.

-_- si Seth pala.

"Epal mo Seth" tapos inend ang call.

Tumunog ulit.

"Ano?" tamad kong tanong

"Kats open pa rin ang offer ko sayo. Willing akong maki-usap kay Kim Chiu para sayo" DJ

"Gawin mo" sabi ko tapos binaba ang phone.

Nag ring nanaman ang phone.

"Kalimotan mo na kas--" Hindi ko na tinapos ang gustong sabihin ni Lester.

Hindi ko pwedeng bigla na lang kalimutan ang babaeng yun.

Ang hirap kayang gawin yun.

Tumunog ulit ang phone ko. And this time naiirita na ako.

Katsumi Kabe gusto kitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon