Umalon ang kanyang adam's apple at sinupil ang dapat sana'y sasabihin. Nag-iwas nalang siya ng tingin sa'kin.

"Wala. Kumain ka na?" 

Natigilan ako saglit. Inilagay ko sa trash bin ang nakolektang bubog at nagpatuloy sa paghuhugas. Nanatili namang nakatayo sa aking tabi si Vince.

"Magkakape lang ako pagkatapos nito." 

"Hindi ka mag-aagahan?" he sound offended.

"Hindi."

"Ano? Hindi puwede, Miss. Nakapagluto na ako-"

"I don't eat heavy breakfast. Coffee and bread is fine." I cut him off.

Nakita ko kanina ang niluto niya. Hotdog. Egg. Tortang talong. At rice.

"What do you usually eat, then?" 

Pumikit ako at hindi na nakayanan ang emosyong pinaparamdam niya sa'kin.

"Bakit ang kulit mo? I don't eat rice for breakfast, okay? Alam ng kapatid mo yun. Ikaw lang ang hindi kase hindi mo pa naman ako nakasabay mag-agahan." 

Tapos na akong maghugas kaya ini-off ko na ang gripo. I wiped my hands with the white hand towel nearby.

"Talaga? Sasabay na akong mag-agahan kung ganun." 

"Ikaw ang bahala. Ano? Hindi ka pa ba aalis?" 

Anong oras na! Siya pa naman ang nagsabing dapat ay maaga. What is he doing now?

Tumitig lang siya sa'kin.

"If you're concern about the relief distribution, don't worry, I already made sure someone was taking care of it right now-"

"For what, Vince?"

Pinilig niya ang kanyang ulo at bumuntonghininga.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kumakain ng matinong agahan." pagmamatigas niya.

I stared at him in disbelief. I frustratedly combed my hair using my fingers before giving him what he wants. Padabog akong kumuha ng plato at naupo sa mesa. Nakasimangot akong kumuha ng kaunting kanin. 

"Happy?" sarkastiko kong tanong matapos ngumuya.

Tahimik lang niya akong tinitigan. Literal na binantayan niya akong kumain kaya sobrang nagmadali ako. Goodness. He is intimidating! 

Pero mabuti nalang din at hindi na sya nagtanong pa tungkol sa kadramahan ko kagabi. I seriously don't know if I could take it. I don't know if I could answer him properly without feeling embarrassed.

True enough, umalis nga si Vince pagkatapos kong kumain. Sakto namang lumabas si Esme sa kanyang kuwarto, may ngisi sa kanyang labi. Akala ko ay huhupa na ang inis ko. Hindi pala dahil ang bruha, pasimple lang palang nakinig sa'min ni Vince kanina! Langhiya.

"Yieee-"

"Shut up, Esmeralda."

Sabay kaming nagpunta sa hall kung saan pumila ang mga tao. We helped distributing the relief. It was my first time doing it kaya ibang-iba sa pakiramdam. I mean, surely I donate, lalo na sa mga fund raising na inoorganize ni Hannah pero hanggang doon lang. I never get to experience it in person. Hindi ko alam na ganito pala ka-fulfilling sa pakiramdam.

Narinig ko rin ang iba't ibang kuwento ng mga pumila. How they feel so lucky that they don't have to eat salt with rice coz they have canned goods now. Nagulat ako dahil hindi ko akalaing talagang nag-uulam sila ng asin. Minsan nga raw, kapag hindi afford ang asin ay purong kanin lang ang kinakain nila.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt