"Hindi." 

Humugot ako ng malalim na hininga at hinarap ang basag na baso. My mind is clearer now so I'm already pretty much aware about it. 

Kukunin ko na sana isa-isa ang basag nang hilahin ako ni Vince. I look up to him only to see his frustrated eyes. 

"Lilinisin ko-"

"Para masugatan ka ulit?" he sarcastically cut me off.

Umirap ako at babawiin na sana ang aking braso nang hawakan niya ito ng mahigpit.

"Pake mo ba?" 

His lips parted a bit. He stared at me like I'm some puzzle to solve before licking his lower lips. Hindi na siya nakipagtalo sa'kin. He made me sit on the nearby chair, tho. Bago pa ako makapagprotesta ay binalaan na niya ako.

"I'll go get the first aid kit. Stay put. Huwag matigas ang ulo."

Fine.

Seryosong-seryoso siya kaya hindi nalang ako nakipag-away pa. Kung hindi rin naman ako tatanga-tanga, edi sana hindi ako mahihirapang pakisamahan siya ngayon! Ugh. So stupid. What a shame, Claudine!

Bumalik siya dala-dala ang first aid kit. We were both silent as he seriously mend the cut. Hindi ako makatingin sa kanya dahil lintek, naaalala ko na naman ang nangyari kagabi! At dumagdag pa ito. Tangina. Pakiramdam ko ang laki kong pabigat!

"Tapos na. Salamat." matabang kong sinabi at tatayo na sana nang pigilan niya ulit ako. 

"Hindi pa tayo tapos. Now tell me, what's making you upset? May nagawa ba akong mali... kagabi?" 

Naka-squat parin siya sa harap ko ngayon. Bahagyang kumalma na ang kanyang ekspresyon bagama't naroon parin ang iritasyon.

Nasa lapag ang first aid kit. Ang daliri ko nama'y may bandage na.

"Wala." nag-iwas ako ng tingin.

And I couldn't even thank him for soothing me yesterday! My darn pride just won't let me. At tsaka, hindi ko rin naman siya inutusang yakapin ako, ah? At hindi mo rin naman tinulak, Claudine. Shit.

"Wala? Bakit ang sungit mo? Bakit parang wala ka sa sarili?" sunod-sunod niyang tanong.

Seriously. He is making the atmosphere even heavier! And awkward! Why does he have to ask? 

"Ano bang pakialam mo, ha, Vince?" 

Hindi siya natinag doon. Instead, he gave me a faint smile.

"Do you need another hug?" he seriously asked.

Umawang ang labi ko at agad na umakyat ang aking dugo sa aking pisngi. What the heck?!

"Ano nga, Miss?" nakaabang siya sa'kin.

Umiling ako at tumayo na talaga. He let me pero naramdaman ko na naman ang pagbuntot niya sa'kin.

"Maaga ka pa ngayon di ba? Bakit hindi ka pa umaalis?" I was pertaining to the relief goods distribution.

Hinayaan niya akong linisin nang paunti-unti ang bubog.

"I was waiting for you to wake up." mahinahon niyang sagot.

"Para saan, Vince?"

"Gusto... lang sana kitang kamustahin. If you feel better. Pero mukhang... bad trip ka na naman Miss kaya baka sakaling..."

"Baka sakaling?" I raised a brow.

Don't tell me you're expecting me to let you hug me again Vince just because I don't feel okay? Come on. Don't be hilarious.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon