"Of course. Namimiss ko na din sila Mama." Nakangiting sambit ni Elmo.

"Pwede naman na pumunta nalang sila sa bahay mamaya. I'm sure you're tired."

"It's okay, Hon. Let's have dinner with them. Tutal, friday ngayon. Walangp pasok bukas 'yong mga bata diba?"

Julie nodded.

"Yes! Dad, pwede sa mall nalang tayo magdinner? Let's buy a new baby alive too. Please, Daddy.." Jayanne said.

Pinanlakihan ng mga mata ni Julie si Elmo nang marinig ang request ng prinsesa nila. Nagkibit-balikat lang ang asawa. Nailing nalang din siya dahil alam niya na susunduin ni Elmo ang anak.

~~

"So, Elmo, what's your plan?" Tanong ni Jonathan.

"Plan for what, Pa?"

"Eh diba hindi ka na babalik sa London?"

"Ahh. Opo. Nakausap ko na po 'yong agency. Bibigyan agad nila ako ng project. I think, next month." Pahayag ni Elmo.

Nasa Robinsons Galleria sila at kasalukuyang nagdidinner sa isang restaurant. Ang mga magulang ni Julie at ang bunsong kapatid lang ang kasama nila dahil may kani-kaniyang lakad sina Innah at Christian.

Tango nalang ang isinagot ni Jonathan.

"Good for you. At least, hindi ka na malayo kay Julie pati sa mga bata." Sabi ni Marivic.

"Yes, Ma. Matagal na rin kasi akong nakiusap sa agency na payagan ako. Ngayon lang natuloy."

"Kuya, alam mo na ah." Sabi ni Kyle kay Elmo sabay tingin ng makahulugan dito.

Nakita naman ni Julie ang reaksyon ng asawa. Tumango ito at ngumisi sa kapatid. "What is it, Kyle?"

"Nothing." Nakangiti ito at itinuloy ang pagkain.

"Nothing?" Takang tanong niya. Nilingon niya ang asawa na nakangiti rin habang kumakain. "Ano 'yon, Elmo?"

"Wala lang, Honey."

"Isa."

"Haha. 'Yong pinabili niya lang na sapatos and shirts."

"'Yung totoo?"

"'Yun lang, Ate. Promise."

"Mommy, I heard them talking earlier.. Tito Kyle in--" Hindi na natuloy ang sinasabi ni Jayanne nang takpan ni Kyle ang bibig ng pamangkin. Nasa tabi niya lang ito na kumakain.

"Shh.. Don't tell it to Mommy, Ellery. We'll buy a new doll later." Bulong ni Kyle kay Jayanne.

"Princess, what is it?" Tanong ni Julie sa anak. Kaharap niya ito.

Iling lang ang isinagot ni Jayanne.

"Baby, c'mon. Tell it to me."

Jayanne pouted. "Mommy, kapag sinabi ko po sayo, hindi ako bibilhan ni Tito Kyle ng new doll."

Natawa naman sina Jonathan, Marivic at Elmo. Pwedeng pwede talagang pagkatiwalaan si Jayanne pagdating sa mga sikreto. Yun nga lang, may kapalit dapat.

Tiningnan ni Julie ng masama ang kapatid at sinipa ito.

"Kung anu-ano 'yang tinuturo mo sa mga bata ha."

"Haha. Magbabar lang naman kami ni Kuya Elmo ah." Natatawang sambit ni Kyle. "Kasama si Papa. Boys night out." Biro pa nito.

Kinurot naman ni Julie ang tagiliran ng mister.

"Honey, hindi pa ako pumapayag. Diba, Kyle?" Natatawang sambit ni Elmo.

"Oo nga. Request pa lang naman eh." Sakay nito kay Elmo.

"Subukan mo lang, Magalona. Subukan mo." Tinutukan niya ng tinidor ang asawa.

Natatawang niyakap ni Elmo ng mahigpit si Julie at hinalikan sa noo.

~~

Ipinark ni Julie ang sasakyan sa kanilang garahe. Alas diyes na ng gabi kaya't nakatulog na sina Am at Jayanne. Pagkababa nila'y binuhat niya ang anak na babae at si Elmo naman ang kay Am.

Dumiretso si Julie sa kwarto ni Jayanne. Pinalitan niya muna ang damit ng bata saka ito hinalikan sa noo at lumabas ng kwarto.

Pinagbuksan ni Ej ang daddy niya ng pinto. Diretso siya sa sariling kama at hindi na nag-abala pa na maglinis ng katawan at magpalit ng damit.

"Buddy, maghalf-bath ka muna ha." Bilin ni Elmo.

"I'm tired, Daddy. I want to sleep na." Ungot ng bata.

Inilapag ni Elmo si Am sa kama nito. Katulad ng ginawa ni Julie ay pinalitan niya muna ng damit ang anak. Akmang tatayo na siya nang magsalita si Am.

"Daddy, I miss you.. Please don't leave us again.." Mahinang sabi ng bata habang nakapikit.

He smiled sadly. Naluluha niyang hinaplos ang mukha ng anak. "I won't leave you again, Baby. I promise." Hinalikan niya ito sa noo saka inasikaso pa ang bunso.

Tbc ❤

~~

AN: Pasensya na at late ang update nito. Yung #MRKW baka bukas or monday or tuesday or friday ang next update. Haha. Sorry na. Busy talaga ako sa thesis 😖

There You'll BeWhere stories live. Discover now