"I miss you, Daddy.." Lambing naman ni Ej."

"I miss you too, twins. Where are Mommy and Kuya Am?"

"There, Dad." Turo ni Jayanne.

Nilingon ni Elmo ang mag-ina na magkahawak ang mga kamay habang naglalakad papunta sa kaniya. Inilapag niya ang kambal at kinarga naman si Am.

"H-hi, Buddy." Kinakabahan siya dahil hindi niya makitaan ng kahit na anong emosyon ang panganay. Hindi umimik ang bata ngunit yumakap naman ito sa kaniya. Maya-maya'y inilapag niya na rin si Am at pinansin ang asawa. "Hi." Matipid na bati niya rito.

"Hi, Honey." Her eyes became teary. She gave him a quick kiss on his lips.

"I miss you." Bulong ni Elmo kay Julie nang yakapin niya ito. Hinalikan nita sa noo ang asawa.

"I miss you, Moe." Ganti naman ni Julie. Humiwalay siya sa yakap nito at mabilis na pinahid ang kaniyang mga luha. "Let's go?" Nakangiting yaya niya rito.

Tango naman ang isinagot ni Elmo. Kinuha niya muli ang cart at itinulak papunta sa kotse. Magkahawak ang kamay nila ni Julie samantalang ang mga anak nila ay nauunang maglakad.

"I thought 3pm pa 'yong arrival time mo?"

"Nah. It was 1:45pm. Gusto ko lang talaga na mauna dito. Haha." Elmo said as he kissed the back of her hand. "I miss you." Ulit niya.

Napangiti si Julie sa ginawa ng asawa. Matapos ang halos isang taon ay ngayon niya nalang ulit naramdaman ang ganito. Pakiramdam niya ay buo ulit ang sarili at pamilya niya. "I miss you too, Honey." Lambing niya sa asawa.

Nang makarating sa sasakyan ay isa-isa na'ng inilagay ni Elmo ang dalang mga maleta sa loob nito. Pumasok na si Jayanne at Am sa kotse samantalang si Ej ay pinapanood lang ang ama. Si Julie ay naupo na sa driver's seat ay sinimulang buhayin ang makina ng sasakyan.

"Dad, how many RC Cars did you buy?"

Isinara ni Elmo ang compartment saka binuhat si Ej. "Mommy said one. Kaya isa lang binili ko." Binuksan niya ang passenger's seat at sumakay silang dalawa.

"But I told you to buy three for me. And an rc helicopter." The kid pouted. Nakaupo siya sa lap ni Elmo at nakaharap dito.

Nagsimula na si Julie sa pagmamaneho. Pinapakinggan niya lang ang pagtatalo ng kaniyang mag-ama. Sumasali rin si Jayanne sa usapan ng daddy niya at ng kakambal. Isinusumbong niya ang mga kalokohan na ginagawa nito pati ni Am.

Napabuntong hininga na lamang siya nang mapansin na tahimik ang panganay. Sinulyapan niya ito at nakitang nakayuko ang bata at pinaglalaruan ang mga daliri.

Maya-maya'y tumunog ang cellphone ni Julie na nasa dashboard. Kinuha ito ni Ej at sinabi sa ina kung sino ang tumatawag.

"Mommy, Mama Ivic is calling."

"Please answer it, Sweetheart." Pakiusap niya sa anak. "Tell her that i'm still driving."

Sinagot ni Ej ang tawag. "Hello, Ma. It's me, Ej.. Mommy's driving pa.. Po? Yes.. Daddy's here.." Tumingala siya kay Elmo na nakatingin lang din sa kaniya. "We're on our way home.. Ngayon na po?" Tumingin naman siya kay Julie. "Okay.. I will.. Bye, Mama.. I love you.."

Pagkatapos kausapin ni Ej ang kaniyang lola ay ibinalik niya ang cellphone ni Julie sa dashboard.

"What does Mama Ivic said?" Tanong ni Julie sa anak.

"She asked if we can drop by her office. You need to sign some papers daw, Mommy. Plus she wants to see Daddy."

Napalingon naman si Julie sa asawa. "Is it okay, Honey?"

There You'll BeWhere stories live. Discover now