Chapter Four: Her Twin

61 7 29
                                    

chapter four | her twin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

chapter four | her twin

Pagkatapos naming kumain dumiritso na ako sa kwarto upang magbasa nang aking ituturo bukas kay Riri pero hindi talaga maiwaglit sa aking isipan ang sinabi niya tungkol sa kambal niyang si Lili.

Ang ibig bang sabihin, hindi si Riri ang may gawa noon sa mga naging guro nito? Pero unfair naman sa isa kung si Riri nga talaga base naman sa kwento ng sarili nitong ina.

Pero paano naman kung si Lili nga ang nasa likod sa lahat ng mga iyon? Hindi man lang ba nila inalam ang totoong nangyari? At ipinaglagay nalang ba nila na si Riri iyon?

On the other hand, kung si Riri lamang ang home-schooled sa dalawa may alibi si Lili dahil pumapasok naman ito sa paaralan hindi ba?

"Hay naku, Dia. Huwag mo na kayang i-stress ang sarili mo?" Sambit ko sa sarili habang binuksan ang libro.

Ilang oras pa akong nagbabasa nang maramdaman ko na ang antok kaya nagpasya akong matulog na. "10 pm na pala. Ang dali lang ng oras." I set my alarm para maaga akong babangon bukas saka humiga na.

Pero hindi pa man agad ako nakatulog talaga ng mahimbing nang may kumalabog kaya naman napabangon agad ako at dali-daling lumabas.

"Black-out ba? Bakit ang dilim?" Kinapa ko pa ang switch ng ilaw saka bumungad sa akin ang isang mahabang pasilyo. "Teka! Paano ako napunta rito?" Naguguluhan kong tanong. Nagpalinga-linga ako saka ko nakita ang tila isang batang nakatayo sa pasilyo. Tila nakatingin ito sa akin kaya bigla akong nanlamig.

"Riri? Ikaw ba iyan?" Kung pagbabasehan ko ang tindig, si Riri ito. Nakasuot pa ito ng mahabang damit na pantulog na kulay puti.

Imbis na sumagot ay tumawa lamang ito. Isang uri ng tawa na tila ba nakakapanindig ng balahibo. Hindi pang-inosente ang tawa nito, at lalong hindi tawa ng isang bata.

"Teacher, natatakot ka na ba sa akin?" Inosenteng tanong nito. Pero hindi ko pa rin makita ang kaniyang mukha pero masasabi kong tinig talaga iyon ni Riri.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Riri? Halika nga rito dahil madilim riyan." Nababahala kong tanong. Hindi ako matatakutin in a sense pero ayaw ko sa madilim. Para akong mawawalan ng hininga.

"Hihi. Mas gusto ko nga ang dilim, teacher. Mas komportable ako rito. Ikaw ba, hindi?"

'Di ko alam pero tila ba bigla ko nalang nakita ang ngiti niyang punong-puno ng pang-uuyam. Nakakakilabot. Bakit parang naramdaman ko na ang—

Private TutorWhere stories live. Discover now