"Itʼs probably her age, Corn. Sheʼs old, intindihin mo na lang. Besides, once your lola recovered, your Tita Ora will take your place." hindi agad nakapagsalita si Corn nang may mamataan na itim na dumaan sa sira-sirang bahay na tinitingnan niya. Mukha itong anino...

Parang napako sa kinatatayuan si Corn at nagsimulang bumigat ang paghinga niya. How she hate these kind of scene. She hates noticing something strange especially when sheʼs on another bizzare place. Ayaw niyang makakita ng kung anong dadagdag sa pagiging paranoid niya.

"Corn?" tawag ng ina kaya napakurap siya at ikinuyom ang kamay habang hindi inaalis ang tingin sa bahay na ʼyon. It canʼt be a person... It might just be a movement from the branches of the trees around the house or itʼs probably an animal roaming around...

"Is one month enough, m–mom? I really want to immediately find a job there..." mahinang ani ni Corn habang pinapakiramdaman pa rin ang sarili.

"We donʼt know, Corn. It will depend on your lolaʼs recovery. Letʼs wish that sheʼll recover sooner so you can go back here."

Ilang minuto pang nagpatuloy ang pag-uusap nila ng ina hanggang sa tuluyang magpaalam ang nasa kabila dahil matutulog na ito, her mom is a busy woman so her mother definitely have a work tomorrow.

Tumitig si Corn sa screen ng kaniyang cellphone nang mamatay ang tawag. She need to talk to someone until midnight, or even until morning. Dahil sa nakitang anino kanina ay inisang lagok ni Corn ang tinimplang iced coffee at nagmamadaling bumalik papasok ng bahay. Mabilis niyang isinarado at inilock ang pinto at bastang inilapag ang mug sa lamesa na nasa kusina at patakbong pumunta sa taas kung nasaan ang kaniyang kuwarto.

She also locked her bedroomʼs door and closed the white curtains to cover the windows. Dahil nakapagbuhos na ng katawan kanina ay dumiretso na siya sa kama habang hawak pa rin ang cellphone. Itinabon niya ang kumot sa kaniyang katawan at inabala ang sarili sa phone.

Ang maganda sa lugar na ʼto ay nakakasagap pa rin ng signal kahit papaano. Wala nga lang wifi pero mapagtitiisan niya naman ang load. Nag stock na siya sa kaniyang phone para hindi siya maubusan at maiconnect niya ang hotspot sa dalang laptop.

What she didnʼt know is the signal was kinda slow the moment she enter the house. Isang bar na lang ang mayroon doon at malabong makapag-bukas siya ng social media sa lagay na ʼyon. Inis siyang napabuntong hininga at walang nagawa kundi lumapit sa may bintana sa pag-asang lalakas ang signal. Nadagdagan naman ʼyon ng dalawang bar kaya nakahinga siya nang maluwag.

She remained standing while facing the window, she started scrolling to know who is online among her friends. Nang makita niyang online ang pinsan na si Froster ay agad niya ʼyong tinawagan. Ilang segundo lang ay agad naman nitong pinaunlakan ang tawag niya kaya binuksan niya na ang camera para magkakitaan sila.

"Ano, gago ka? Papasok pala sa military, ha?" ang panimula niya kaya humalakhak ang pinsan at tinaas-taasan lang siya ng kilay, nang-iinis.

"Iʼve been dying to work on a cruise ship, my dear cousin. Being a soldier isnʼt on my mind right now." nakakalokong ani ng pinsan kaya nagsimula siyang mangalaiti. Talagang ayaw lang nitong sumama sa kaniya!

"Youʼre unfair! You shouldʼve accompanied me here for a couple of weeks so I wonʼt feel lonely! Pakiramdam ko ay mababaliw ako!" her cousin just laughed again.

"Iʼm starting to apply on a certain cruise line, Iʼm sorry. This is really my plan, Corn, I canʼt postpone this." mas sumimangot siya habang nakatingin sa pinsan. Mukhang nakahiga ito at naririnig niya ang tunog ng tv sa background.

"We both have plans. Sana naman dinamayan mo muna ako kahit papano. Ano na lang ang gagawin ko rito? I hated this place for unknown reason, Froster. I canʼt take the deafening silence..." ungot niya kaya ngumiti na lang ang pinsan at umiling sa kaniya.

The Town With Only One Official Resident Where stories live. Discover now