But in the fourth quarter, hindi ko talaga maiwasang kabahan sa magiging resulta. Hindi ko kasi matantiya kung kaninong team ang mananalo lalo na't naging mainit ang labanan. Kanya-kanyang depensa ang mga players kaya bihira lang sila pakapuntos.

"Booooo!! Boooo!!"

"Go, Asher! Go, go, go, SUian!"

Muling sigaw ng mga estudyante rito sa tabi ko nang palakan ni Asher ang bola na hawak ng lalaki kaya hindi natuloy ang pagkakashoot nito. Naagaw ni Asher ang bola at tinakbo niya ito patungo sa ring nila, hinagis sa ere at nakadagdag na naman siya ng puntos. Napatawa ako nang makitang seryoso siya bagaman ay kalmado animong kanyang binabalanse ang emosyon niya. Ang tawa kong iyon ay panandalian lamang nang biglang bumagsak si Asher sa sahig.

"Hala!" hindi ko maiwasang mapatayo sa inuupuan maging ang katabi ko'y napasinghap at kanya-kanyang nagbigay komento.

"Putcha, anong nangyari?!"

"Ang daya! Foul 'yon! Tangina!"

"Mukhang napilayan pa si Asher?!"

Nagpatawag nang time out ang coach nina Asher at mabilis itong dumalo sa kanya, maging ang ilang players ay napatungo na rin sa gitna. Pinalibutan nila si Asher. Kinagat-kagat ko ang kuko at 'di mapakali, kinakabahan. Ilang beses na akong nakapanuod ng laro niya ngunit ngayon ko lang nasaksihan ang ganito at sa kanya pa talaga!

Naawa ako sa kanya lalo nang makita kong kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi, napapikit pa nang alalayan siya sa dalawa niyang kasamahan pabalik sa upuan nila. Gusto kong bumaba para daluhan siya roon ngunit hindi ko magawa. Marami kasing tumayo at sinisilip siya saka baka bawal ring magpunta ro'n kaya nanatili na lang ako sa puwesto. Kahit kating-kati na talaga ang paa kong humakbang.

"Sino ba kasing gago na nagtulak kay Asher?!" panay pa rin ang sulyap ko sa 'baba nang marinig ko ang usapan ng ilan.

Muli, nagpatuloy ang laro ngunit hindi ko talaga magawang panuorin 'yon. 'Di ako makapag-concentrate gayong ang taong dahilan kung bakit nandito ako—nanuod ay wala sa gitna.

"'Di ko rin nakita, e! Ang bilis kasi ng pangyayari!" sagot nung isa.

"Takot kasi silang matalo! Ang daya nila!" pasigaw na ani nung isa. "Halatang sinadya!"

Talaga bang sinadya iyon? Ayaw kong manghusga dahil hindi ko naman nakita kung ano talaga ang totoong nangyari. Ngunit hindi ko rin maiwasang isipin. Imposible namang babagsak sa sahig nang ganoon ka-lakas si Asher kung hindi talaga sadyang itulak siya? But still, ayaw kong magbigay muna ng openyon saka na 'pag makakausap ko na si Asher.

"Tinawag ka ni Asher, Miss," gulantang napakurap akong humarap sa katabi nang marahan niya akong kalabitin.

"Huh?" agad akong nawala sa sarili.

Matiim niya akong tinitigan bago ngumiti. "Tinawag ka," aniya at tinuro ang ibaba kung saan naka-upo ang mga players.

Sandali pa akong napaawang at natigilan nang sumulyap ako roon. Nagtataka, alinlangan pa kung nagsasabi ba ito ng totoo o baka binibiro lang ako. Pero imposible iyon dahil 'di naman ako nito kilala. Ngunit nang tumingin si Asher sa akin, pagod na ngumiti ay mahinhin akong tumayo. Nagpasalamat pa ako sa babae bago tuluyang bumaba. Maging ang tinginan nang ilan sa akin no'ng makababa ako ay hindi ko na magawang pansinin dahil sa pag-alala kay Asher.

"Y-You okay?" nanginginig ang boses kong tanong nang makaupo sa tabi niya. "M-Mukhang 'di ka okay... Namumula saka namamaga ang paa mo..." napakagat ako sa pang-ibabang labi, nangilid na rin ang luha sa magkabila kong mata.

Nexus Band #3: FaithfulnessWhere stories live. Discover now