Chapter Two

0 0 0
                                    

Naglalakad na kami papuntang room nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Sandali, cr muna ako, mauna na kayo sa room" Hindi ko na sila inantay na sumagot, tumalikod na ako paalis.

Natatanaw ko na ang cr nang biglang may tumawag sa akin.

"Ms Eloira Fhaye Gomez" napalingon ako sa aking likuran at doon ko nakita si Mrs Fedelin, ang balita ko ay isa sya sa mga terror prof.

"Class hours na pero bakit andito ka pa?" Nakataas kilay na tanong nya sa akin.

"Ah ma'am nawiwi po kase ako" napakamot ako ng batok ko habang alanganin na ngumuti sa kanya.

"Bilisan mo kong ganon, ayoko ng mga estudyante na late" pumihit na sya patalikod at paalis ng walang lingon lingon man lang.

"Wew!" Napapalatak ako bago pumasok sa cr.

Nagkatapos kong magseremonya sa banyo ay lumabas na ako. Muntik na akong mapalundag nang makita ko si Vander Fortalejo sa harap ko, naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Pinasingkit ko naman ang mata ko at nilabanan ang titig nya.

"Ang pangit mo" biglang tugon nya habang nakatitig pa rin sa akin. Nangunot naman ang noo ko at nilapitan sya para batukan. Tangina nito, pupunta lang dito para mang asar.

"Tss. Bakit ka andito?" Tanong ko sakanya.

Kaibigan ko si Vander since high school kami, hindi ko alam sa kumag na 'to pinahiram ko lang sya noon ng nakaw ko na ballpen tapos kaibigan na raw nya ako. Siraulo, diba?

Makulit 'tong si Vander pareho kaming isip bata kaya minsan rin hindi kami nagkakasundo sa mga bagay bagay. Sya yung tinutukoy kong kaibigan na Fortalejo, maraming nakakaalam na close kami minsan nga ay napapatrouble ako dahil sa mga fans ng unggoy na 'to pero lagi ko namang nililinaw na magkaibigan lang kami.

Habulin rin sya ng mga babae dahil may itsura naman talaga 'tong unggoy na 'to at syempre Fortalejo, kaya sikat. Alam rin ng mga kaibigan ko na close kami nitong si Vander, swerte nga raw ako kase may kaclose akong Fortalejo. Anong swerte sa kumag na 'to? Eh palagi lang kaming nagaaway nito.

"Wala lang, nakita kase kita kanina papunta dito kaya sumunod ako, Hindi ka rin sakin nagtext buong summer break" nakanguso nyang tugon habang akbay ako.

Sanay na rin ako dito kay Vander, marami ngang nagaakala na magjowa kami nitong kumag na 'to kung hindi lang nila kilala itong si Vander at ako ay paghihinalaan mo rin talagang magjowa kami. Pero hindi talaga, over my hot gorgeous beautiful pretty sexy body. Tropa-tropa lang kami.

"Wala kase akong panload eh, teka wala ka bang klase?" Naglalakad na kami ngayon papunta sa susunod kong klase, ewan ko lang dito Kay Vander at nakasunod pa rin.

"Wala, vacant kami nyagon, makikisit-in muna ako sainyo hehe"  nangunot naman ang noo ko.

"Makikigulo ka lang e. " pero huli na para pigilan sya dahil nandito na kami sa tapat ng room, at ang gago naunang pang pumasok, ang kapal talaga ng mukha nito.

"Good morning po Ms Fedelin, makikisit-in po sana ako, vacant po kase kami ngayon, sa tabi po ako ni Ms Gomez, hindi rin po ako makikigulo , pramis hehe" Napataas naman ang kilay ni Miss sa tinuran ni Vander, samantalang ang mga ibang babae naman ay kinikilig habang nakatingin kay Vander, nanunuksong tingin naman ang binigay sa akin nila Cole at Ingrid.

"Okay then, just please be quiet, take your seats." Pagkasabi noon ni Miss ay pumunta na kami ni Vander sa upaan ko, pinaalis nya pa talaga si Ingrid para makatabi ako, naupo na lang tuloy si Ingrid sa likod katabi ni Cole.

"Ang kapal mo talaga" bulong ko kay Vander pagkaupo nya.

"Ang pangit mo talaga" bulong rin nya sa akin, umasim naman ang mukha ko pero Hindi na sya muli pang pinansin, baka di ako makapagtimpi masapok ko 'tong gagong 'to.

Lumipas din ang oras at natapos na ang discussion. Naginat inat ako bago tumayo at kinuha ang gamit ko.

"Eloira mauna na ako ha? Nagtext kasi si kuya Lucas hinahanap na ako" nagmamadaling Sabi ni Vander habang abalang kinakalikot ang cellphone nya.

"Segi na, bye!" Piningot nya pa ang ilong ko bago tumakbo palabas ng room.

Aray ko po! Huhu ang sakit ng ilong ko! Gagong Vander Yun!

Napatingin naman ako kina Cole at Ingrid na may nanunuksong tingin sa akin, sinamaan ko naman ng tingin silang dalawa.

"Oh baka ano naman isipin nyo ha? Paguuntugin ko kaya kayo dyan sa pwet ko!" Alam ko na kase iniisip ng dalawang 'to eh. Inaasar kase nila ako kay Vander, tss.

"Ulol! Wala kang pwet" siraulo tong Cole na 'to.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Dec 08, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Destined Opposite (Fortalejo Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora