Sobra ang galit na namumuo sa dibdib ko, kusang yumukom ang mga kamao ko nang maalala ko ang mga nangyari kanina. "That, damn Josh."


Naghahalo ang galit at sakit, pero mas nangibabaw ang pagkadismaya ko.

Sobrang dismaya sa sarili..




Nangako ako na hindi ko hahayaang mahawakan siya ng lalaking yun..

Para akong masisiraan ng bait tuwing naalala ko yung paghalik ng lalaking ‘yon sa labi niya. Ayokong may ibang humahalik sa labi niya.




"Kung wala lang pumipigil sa akin kanina, baka nabasag ko na ang mukha no’n."






Biglang sumulpot si Bruno.

"Gabb! Eto na! Tinakas ko lang 'to. Muntik na kong mahuli, napakamahal pa naman ng alak na 'to, triple ng sahod ko." Daldal nito.






Agad kong kinuha sa kamay niya ang alak at binuksan ito gamit ang ipin ko. "Thank you, Bruno." Sambit ko, at tinungga ito.





Halos maubo ako dahil sa pagkakabigla, naalala kong napakatapang pala ng alak na 'to.

Pero sakto lang ang pait nito kung ikukumpara sa pait na nangyayari sa buhay ko.





"Gabb! Dahan-dahan lang, oh saan ka pupunta?." Alalang sambit nito.





Agad akong tumayo, muntik pa akong matumba dahil sa tama ng alak. Pilit akong pinipigilan ni Bruno pero hindi ko na lang pinansin ito.





Naglakad na ako paalis doon kasama itong isang bote ng alak. Mas lumakas pa ang pagbuhos ng ulan..






Hindi ko na alam ang ginagawa ko, hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Ang tanging nasa isip ko lang ay makalayo sa lugar kung saan ako nasaktan.




COLEEN's POV.

Agad akong tumakbo papuntang locker room para hanapin si Gabb. Nandoon pa ang mga gamit namin, pero wala siya roon.


"Bruno! She's not here." Tarantang sabi ko kay Bruno.






"Nasa labas siya, hinihintay ka." Sambit nito.





Agad kong hinubad 'tong heels na suot ko, para mabilis akong makatakbo paalis dito nang bigla akong harangin ng mga tauhan ni Dad.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito.





"Dad!! Bitawan mo ko!!" Sigaw ko, napakahigpit ng hawak niya sa aking braso.

"Re-write."  (sequel)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz