Twenty One: Strangers

Start from the beginning
                                    

"Pwede bang ako nalang?" Out of the blue yan lang ang lumabas na salita sa bibig ko habang tuluyan ng bumigay ang luhang pilit kong pinipigilan.

"...I'll be always here for you, I won't hurt you, ayokong makita kang ganyan" I didn't know where did I get this courage to let this things inside me free. I didn't imagine that this would gonna happen at sa ganito pang sitwasyon, ill hope he can't remember this after he wakes up dahil magmumukha lang akong katatawa.

"*hik...I wish Cray!...I wish na ikaw nalang sana sya..." bumigay ang katawan nya dahilan para matumba sya sa balikat ko at ang huling sinabi nito ang literal na nagpatigil sakin sabay ng tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha sa mata ko.

"...but Lance is still Lance and no one can replace him in my heart...he's my everything... I'm sorry!"

_ _ _ * * * _ _ _

Terence Point of view

The whole weekend has pass and back to school works as usual, nakakaurat lang dahil lunes na lunes eh kailangan naming magbabad ng buong araw dito sa dome para sa walang katapusang school paper na'to, yawa wala na ba kaming time i-enjoy ang college life namin, eh halos araw-araw ng ganito puro School Paper-School Paper ang hirap din maghabol ng lesson dahil nga sa pisting proposal na to T_T nahahagard nako...ginusto mo yan panindigan mo sino ba kasing nagsabing pumasok ka dito, napairap ako sa ka-echosan ng isip ko dahil ang aga-aga nakikisaw-saw sya sa conversation ko... At dahil busy akong nakikipagbangayan sa konsensya ko eh,  muntik ko ng mabitawan ang hawak kong camera dahil sa pagharang ni Giann sa frame na kinukuhanan ko ng shots, juice ko mapapabayad ako ng di oras sa gulat.

"How was you weekend, did you ENJOY it?!" Inalis ko ang camerang nakaharang sa mukha ko at kunot noong hinarap si Giann na halos mapunit ang labi  kakangiti, ano din nakain ng sirenang to at mukhang maganda ang timpla ng araw nya ngayon?

"Good?" Patanong na sagot ko sakanya at muling binalik ang focus ko sa pagkuha ng magandang shots, baka madala ako sa pakikipag-chismisan sa lalaking to tuluyan nakong patalsikin sa Club nato, mukha pa namang walang kukup-kup saking club yawa!!

"Good lang? hindi ka man lang nag-enjoy or something?" muli na naman syang humarang sa kukunan ko ng shot kaya lumapit nako sakanya para tanggalin sya sa angle na pinagkaka-abalahan ko.

"...I know that you and kuya Yukiro go out for a date" muling nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito, anong date? Eh ginawa lang nyakong alalay nung sabado bwiset na hapon yun ang kuripot.

"... he just slipped last Saturday dahil sa pagmamadali nya kaya alam kong ikaw ang kasama nya, now tell me did you have some fun on your "date"?" taas babang kilay na tanong nya with matching nakakalokong ngiti, kaya napangisi akong tinabig sya para maalis sa angle na  kukunan ko ng shot.

"He just make me his slave at nagmukha lang akong alila kasusunod sakanya, now get off your face out of the frame dahil kanina kapa nakaharang dyan" bigla naman syang napaharap sa likuran nya at ng napagtanto nyang nakaharang nga sya eh ang loko nabuhusan ata ng hiya at agaran syang umalis sa kinatatayuan nya.

"Sorry hehe" I gave him a okay sign at muling binalik ang atensyon ko sa ginagawa ko,  I ended up looking for a good shots na pwede kong isama sa i-su-submit  kong subjects for the proposal magazine.

"Terence!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko at tumambad sakin ang pagmumukha ni Kim, remember yung isa ding photographer na super daldal.

IT'S ALWAYS YOU✓ (BOOK 2)Where stories live. Discover now