22 The Prodigious Empress

779 75 8
                                    

Pinanood ng matandang Lucio ang pagmamadali ng dalaga na pumunta sa kabinit ng kusina at buksan ito ng isa isa na parang may hinahanap binuksan nito ang gitnang kabinit kong saan mabilis na tumalon sa dalaga ang maliit na tigring kulay itim at puti.

Nagulat ang matanda ng makita ang isang mabangis na hayop.

Akmang huhugotin na nito ang nakatagong patalim sakaniyang tagiliran ngunit natigilan siya dahil ngayon lamang nito nakita ang ganitong klase ng tigre.

"Im sorry. I forgot about you." wika nito na hindi naintindihan ng matanda.

Napakunot ang noo nito sabay ayos ng tayo habang nag lalakad palapit sa dalaga.

"Isang mabangis na hayop ang hawak mo, Alienor." paalala ng matanda ng tuloyan ng makalapit sa dalawa at napansin ang maamong tigress na dinidilaan ang kamay ng dalaga. Doon naliwanagan ang matanda kong anong klase ng hayop ang hawak ngayon ng dalaga.

"Alam ko tanda, at Abigor ang pangalan ko hindi Alienor." pairap na tugon ng dalaga.

Hindi pinansin ng matanda ang huling sinabi nito.

"Isang tigress na ayon sa kasaysayan ay matagal ng wala ang hawak mo ngayon." Nakuha nito ang atensyon ng dalaga kaya nanahimik lamang siya at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"Isang tigress na sumisimbolo sa kaharian noon." pagpapatuloy nito na nag pakunot sa noo ng dalaga.

Nilingon niya ang matanda at nakita nito ang seryosong tingin sa hawak niyang pusa.

Mabilis na tinago ng dalaga si Crimson sa mata ng matanda dahil pakiramdam niya ay may binabalak itong masama.

Napailing ang matanda nang makita ang ginawa ng dalaga. "Wag mo siyang itago sa akin, wala akong gagawing masama diyan. Ngunit kong malaman ng ibang tao na may alaga kang Giza ay ibang usapan na iyan lalo na at nasa gitna tayo ng digmaan ngayon. Lahat ng tao ay gustong makuha ang pabor ng hari upang makalayo sa madugong digmaan."

"Anong pinagsasabi mo, tandang Lucio? anong Giza?" Blanko na tanong ng dalaga dahil para sakaniya ay tinatakot siya ng matanda at gusto nitong ipatapon ang kaniyang alaga.

"Giza ang tawag sa hayop na hawak mo, dito kinuha ang pangalan ng kaharian dahil ito ang hayop na pinakamamahal ng unang hari ng kaharian." Wika nito na nag pagulat sa dalaga.

Hindi niya inaasahan na may ganitong kwento patungkol kay Crimson.

'Ang tigre na hindi ko naman binalak na alagaan noon ay may malalim palang pinagmulan.'

Napatingin siya sa hawak niyang tigre at sa matanda, hinihintay niya na mag sabi ito na nagbibiro lamang ito ngunit hindi ito nangyari. Bagkos ay nag patuloy ito sa pagkwekwento ng seryoso at walang halong biro.

"Noon ang kaharian na ito ay pinaliligiran ng anyong tubig sa ilalim ng lupa. Masagana sa meneral at mga isda. Ngunit nagkaroon ng malawakang digmaan noon at sa hindi inaasahan ay namatay ang lahat ng tigring may kulay ng puti at itim sa kaharian. Kasabay ng pagkaubos ng mga hayop ay ang sunod-sunod na lindol na yumanig sa kaharian ng tatlong araw. Akala ng mga tao ay kataposan na ng mundo dahil halos lahat ay nasira noon maliban sa palasyo at marami ang nasawing tao mula sa iba't ibang parte ng kaharian. Akala ng lahat ay mawawala na ang Giza sa mundo ngunit kalaunan ay tumigil rin ang pag lindol. Sa sumunod na araw, doon lang nalaman ng mga tao na nawala ang tubig sa ilalim ng kaharian at napalitan ito ng mga kabundokan." pagkwekwento nito sa kwentong bayan na kinalakihan niya.

Nakinig si Abigor dito ngunit hindi niya maiwasan na mayukot ang kaniyang mukha dahil walang sense ang pinagsasabi ng matanda.

"At iniisip ng mga tao na may kaugnayan iyon sa pagkawala ng mga giza?" tanong nito na nag patango sa matanda.

The Prodigious EmpressWhere stories live. Discover now