"Hey are you okay??" Pagtanong sa akin ni Hanna.



"I'm actually really fine right now it wasn't that big of a deal but still thank you guys. Pagpapasalamat ko sa kanila sa pagtabi sa aking side kanina.




Pagbalik namin sa aming class ay hindi pa rin mawawala ang pagtingin sa akin ng ibang mga kaklase ang iba naman ay parang wala nang pakialam sa mga nangyari kanina.




Hindi naman ako masyadong bothered sa mga nangyari kanina ngunit ang katanungan na nabubuo sa utak ko ay kung sino nga ba ang gumawa nito.



Habang nagkaklase ay bumubuo at iniisip ko talaga ng mabuti kung sino nga ba ang maaaring gumawa nito sa akin.




Hanggang sa tumunog na ang bell para sa recess ay wala pa ring nabubuong sagot sa aking utak. Dahil nakita siguro nina Hanna na nakatulala ako ay inaakala nilang naapektuhan ako ng lubha sa mga nangyari kanina kaya naman kaagad nila akong niyaya sa recess.









Sila na ang umorder sa aking pagkain dahil siguro ay akala nila hindi pa rin ako okay hanggang ngayon. Nabawasan naman ng unti ang mga katanungan sa isip ko dahil ini-enjoy ko ang nakakatuwang lagay ng dalawa kong kaibigan.




Halata kasing nagwoworry sila sa akin pero ayaw nila masyadong ipahalata pero ang nakakatuwa dito ay trinatry nilang itago ngunit halatang spino-spoil naman ako ng dalawa.




Napatawa naman ako dahil sa pagka-clumsy ng dalawa. Si Hanna pa talaga ang nagserve ng pagkain ko sa table kulang na lang eh subuan ako ni Ofelia.





Napatawa naman ako dahil sa mga pinag-gagawa nila. Dahil sa aking pagtawa ay napatingin sa akin ang dalawa na pawang ako ay baliw.





"Bess okay ka lang ba talaga?? Oh baka naman na-damage o na-trauma na yung brain mo?"  Napatawa naman ako lalo dahil sa tanong ni Ofelia.



Nagkatinginan lang ang dalawa at hinayaan na lamang ako sa pagtawa ko. Itinuloy na namin ang pagkain namin at pawang nawala na sa utak namin ang nangyari kanina.




"Osloooooooo ikaw ba yan???" Nagulat naman kami nang biglang may malakas na boses na sumigaw sa pangalan ko habang nasa gitna kami ng pagkain.




Napatawa naman ako nang makita ko si Melody na tumatakbo papunta sa table na inuupuan namin. Simula talaga noon ay wala pa ring pinagbago ang babaeng ito kaya naman hindi ako naniniwalang siya ang nagpakalat ng pagkagusto ko kay Oscar sa announcement board kanina.





"Oslo mas lalo kang naging cute pakurot nga" katulad ng dati ay trip pa rin talaga nito na kuritin ng pagkalakas-lakas ang pisngi ko hanggang sa mamula ito.




Kaagad naman naming pinaupo si Melody sa table namin. Nagkamustahan kaming dalawa at pinakilala ko rin sina Hanna at Ofelia sa kanya. Nakakatuwa lang na halos kaparehas ang ugali nito ni Ofelia at Melody.




Okay naman ang naging lunch namin. Punong-puno ng tawanan ang aming table dahil sa mga kalog na ugali nina Ofelia at Melody.

Unfortunately kailangan ding bumalik kaagad ni Melody sa classroom nya dahil medyo malayo pa ang building nito baka minsanan lang din kami nito magkita dahil busy talaga this days dahil nasa gitna na kami ng school year at hindi ko pa sya kaklase.




Bago umalis si Melody ay nagtanong muna ako sa kanya dahil hanggat maaari ay ayaw kong magdoubt sa kaibigan ko.




"Hey Melody alam mo na ba ang pasikot-sikot dito sa univ??" Tanong ko sa kanya.






Bottoms Up! (BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon