The green plants along with the patterns and color that were reminiscent of coral gave off such a vibrant vibe to their living room. Bumagay ang lahat ng ito sa wood type tiles nila.

Mas malaki ang living area namin sa bahay pero namangha parin talaga ako. Kase buong akala ko'y isang bahay-kubo ang madadatnan ko!

Good things come the least you expect it talaga no?

Or not.

"Kuya, si Dindin. Bisita ko. Dito muna siya tutuloy sa'tin." si Esme.

Napanis ang ngiti ko nang mamataan ang isang pamilyar na lalaki. Mukhang galing siya sa kusina na nasa tabi lang ng living room. Naka puting round neck shirt at black shorts. Unlike earlier, he let his jet black hair down now. Hanggang balikat ang haba nun.

Shit.

Sa dinami-rami ng lalaki, bakit kailangang ang manyak na iyon pa ang maging kuya ni Esmeralda?!

Mukhang gaya ko ay nagulat din siya. His lips parted a bit pero saglit lang. Kita ko kung papaano dumaan ang iritasyon sa mata niya.

"Bakit mo dala ang bayolenteng babaeng yan, Esmeralda?" matigas ang tono niya.

Umawang ang labi ko. My cheeks heated. Hindi ako nakalagaw at nanlambot ata ang tuhod ko.

"H-Huh? Bayolente? Hindi naman, ah! Wag ka ngang judgemental, kuya!"

Sarkastikong ngumisi iyong lalaki. 

"Tsaka hotel ang hanap niyan. Kailan pa naging hotel ang bahay natin?" 

Oh fuck. Kahit pa nakakaengganyo ang bahay ninyo ay huwag nalang! 

"Esme salamat nalang-"

"Teka lang Dindin. Ano? Nagkita na ba kayo? Bakit parang magkagalit kayo? Akala ko ba wala ka nang ibang kakilala rito Dindin?" sunod-sunod na tanong ng walang kamuwang-muwang na babae.

Hindi ko na tinapunan pa ng tingin ang kuya niyang tarantado.

"Minanyak niya ako-"

"I was distracted by your red bra, yes. But don't worry, it wasn't my intention to make you feel molested or harrassed. Hindi rin naman kita type, tss." malamig niyang giit.

"Sorry Dindin, ah. Pero tama rin naman si kuya. Bakat nga iyang pula mong bra." si Esme naman ngayon.

Oh wow. At pinagtulungan pa ako?! Ano naman ngayon kung bakat? Does that invalidate how I felt? Eh sa pakiramdam ko, nabastos ako eh? 

Dedepensahan ko na naman sana ang sarili ko nang mapagtanto kong walang patutunguhan 'to. Malamang, kapatid ni Esme iyong manyak kaya iyon ang kakampihan niya!

"Alis nalang ako, kung ganun. Salamat sa imbitasyon-"

"Teka. Teka lang naman Dindin. Dito ka nalang kase saan ka matutulog diba? May extrang room pa kami rito-"

"Huwag na. Salamat nalang." I was half hearted. 

Kung manghingi nalang kaya ako ng karton para may matulugan naman ako sa buhangin? 

Argh. I feel miserable! Hindi ko akalaing ganito. Matapos akong patikimin ng pag-asa, may bawi agad? Shit naman.

"Hayaan mo na, Esme. Kumain ka nalang doon. Una ka na." 

"Hindi kuya! Dito nalang. Kawawa naman ang ganda niya kung lalamukin lang sa labas!"

Ngumiwi iyong lalaki. Umirap naman ako.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now