"Ayan tumatawa ka na dzai. Yan. Ganyan dapat. Ano ba kaseng dinadrama mo? Ang pretty mo kaya! Dapat yang mukhang yan, wala nang problema." mahaba-haba niyang litanya.

"Nakuha iyong mga gamit ko, eh. Wala na akong pera. Wala akong damit. Wala pa akong matutuluyan." pagbabahagi ko.

Ayokong kaawaan pero mas ayoko namang matulog dito sa dalampasigan. Kaya kung merong willing tumulong, edi susunggaban ko nalang. I don't know if she'll help me, tho. 

"Hala. Talaga ba? Sino naman ang kumuha? Baka kilala ko. Puntahan natin. Ako bahala. Ipabugbog natin kay kuya!"

Akmang tatayo siya ulit nang pigilan ko na naman. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari kina Auntie Edna kanina.

"Paktay. Buang man gud tos Jason dzai. May sakit iyon sa utak, eh. Kaya malabo na talagang mabawi natin ang mga gamit mo." she was crestfallen.

Hindi na ako umimik dahil bumigat lalo ang dibdib ko.

"May iba ka pa bang kamag-anak dito?"

Ngumiwi ako at umiling. Bukod sa kanila ay wala na akong kilala. Ayoko narin namang bumalik doon dahil natrauma na ako sa nangyari. 

"Huwag ka nang malungkot. Sa amin ka nalang tumuloy." 

Nakakahiyang aminin pero parang musika sa tenga ko iyong sinabi niya. It was as if, finally, the heavens sent me an angel. 

"H-Huh. Nakakahiya. Uh, matutuluyan nalang kaya? May... nauupahan ba rito? Or cottage at least?" nagpabebe pa ako ng konti.

"Meron naman pero paano ka naman magbabayad? Aber?"

Napalunok ako.

"Uh... makikitawag nalang ako. I'll call my brother-"

"May mga cottage kaming pinaparentahan dito. Pero duda akong hindi ka makakatulog ng maayos doon. Kaya sa amin ka nalang. Ano, tara?"

I celebrated silently. Sumama ako kay Esmeralda. Kinapalan ko na ang aking mukha at hindi na ako naging choosy pa. Kung kasing liit man ng bahay nina Auntie Edna ang bahay nila ay ayos lang. Basta may matuluyan, okay na ako roon. Pansamantala lang naman.

But I was erred for assuming that Esme had a tiny nut house. Tama ang laki noon at kung ikokompara sa ibang bahay na nakita ko sa islang ito ay hindi hamak na mas malaki. It wasn't made from amakan. Gawa iyon sa kahoy. Puti ang pintura ng buong bahay at sa wari ko'y cottage style ang bungalow beach house nila. May mga palm trees sa gilid at ang kanilang terasa ay may dalawang puti na rocking chairs. Bukas na lahat ng warm lights ng bahay.

"Pasok ka Dindin." Esme welcomed me.

Kahit na hindi ako ganoon ka komportable sa tawag niya sa'kin ay tumango parin ako at ngumiti.

"Thanks,"

Gosh. Their house looked really nice! Pagpasok ko ay ang kanilang living area ang sumalubong sa'kin. Hindi iyon kalakihan, sapat na sa maliit na pamilya pero refreshing sa paningin. 

They had two white three-seater sofa na ipinuwestong magkabilaan. Each sofa had two throwpillows printed with coral patterns and two plain white ones. Sa gitna ay ang kanilang maliit at parihabang center table na yari sa isang matibay na kahoy. Mayroon pang dalawang mas maliit na upuang nakapuwesto sa harap ng kanilang fireplace. 

Sa magkabilang gilid ng kanilang simpleng fireplace ay dalawang cabinet na mint green ang kulay. Sa ibabaw ng mga ito ay lamps na kulay orange. May tatlong paintings na nakasabit roon na pawang scenery ng dagat ang nakapinta. Iyong dalawang maliliit na paintings ay sa magkabilang gilid habang iyong pinakamalaki ay nasa ibabaw ng fireplace. May isang malaking chandelier pa silang nakakabit sa ceiling.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Onde histórias criam vida. Descubra agora