Soulmate 46: Over

26 3 0
                                    

Alpha's POV

Kasabay ng pagdilat ko ng aking mga mata ang biglaang pagbangon, ngunit hindi isang ospital ang bumungad sa paggising ko.

Nasaan ako? Nilibot ko ng bahagya ang paningin sa paligid. Nasa isang burol ako kung saan ang hinihigaan ko kanina ay katabi lang ng punong akasya na para ba'ng kumikintab dahilan upang sumakit ang aking mga mata kapag tumingin ka sa punong ito.

"Hello po!"

Nailundag ko ang sarili mula sa pagkakaupo nang may magsalita sa gilid ko. Nilingon ko siya at isang bata pala ang kumausap sa akin.

Ang ganda niya naman! Nginitian namin ang isa't isa pero para ba'ng nakikita ko ang sarili ko sa kaniya?

May pagkakahawig siya sa akin ngunit mas lamang ang pagkakahawig niya sa isang tao na importante sa akin.

Tumayo ako at nilapitan siya sa puwesto niya 'tsaka lumuhod para magkapantay kami ng lebel. Gusto ko rin makita ng malapitan ang kaniyang mukha, sa nagagandahan ako sa kaniya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko sa bata na may malawak na ngiti, ginantihan ko naman iyon ng isang sinserong ngiti dahilan para mapahagikgik siya.

Nilapat ko ang aking kamay mula sa kaniyang pisngi patungo sa ulo at inipit ang mahaba nitong buhok sa likod ng tenga niya.

"Hindi ko po alam. Wala po akong pangalan, e." Sagot nito sa akin.

Nakakaawa naman. "Nasaan pala ang mga magulang mo? Bakit iniwan ka nila rito na nag-iisa?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Nag-pout ito dahilan para lumubo ang pisngi. Ang cute niya! Sarap niyang iuwi at yakap-yakapin sa bahay!

Umawang ang labi ko nang may itinuro siya sa malayo. Mga batang katulad niya! Nakakapagtaka kung bakit may mga bata sa lugar na iyon. May konting distansya lang ang layo namin sa kanila, sapat na para makita namin sila mula rito.

"May tanong lang ako. Ano ba'ng lugar ito?"

"Ngayon lang po ba kayo nakapunta rito?" hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus ay tinanong niya ako ng isa pa'ng tanong.

I slightly nodded my head, as an answer to her question. "Kasi nasa loob ako ng ospital pero paggising ko, nandito na ako-" usal ko pero agad ri'ng natigilan.

Sa ikalawang pagkakataon, muli kong inilibot ang paningin sa buong paligid. May nakikita akong mataas na bundok sa malayo ngunit ang mas naagaw ng aking atensyon ay ang mga batang naglalaro sa malawak na harden at punong-puno ng maraming bulaklak ang naroroon.

"Am I. . . Am I in. . ." nauutal kong tugon. Hindi matuloy-tuloy ang gustong nais sabihin sa kaniya dahil ang nasa isip ko ngayon ay kung nananaginip lang ba ako ng gising o baka tuluyan ko na ba talaga silang iniwan?

Pero naputol iyon dahil sa sinabi ng batang katabi ko. "Hindi ka pa po patay," sambit ng bata. Pero gulong-gulo ang isipan ko. Why am I in here in the first place? Kung hindi pa ako patay?

"Magtiwala lang po kayo sa kaniya na nasa itaas. Alam ko po'ng diringgin niya ang mga panalangin nila."

"Gusto sana kitang maging anak," malungkot kong saad. Inililihis koang pinag-uusapan namin dahil parang ayaw ko nang bumalik sa ospital na pinagdalhan nila sa akin.

"Pero ayaw niyo na po ba silang makita?"

"Gusto ko silang makita, pero ang hirap na ng sitwasyon namin. Hirap na hirap na ako dahil sa sakit ko."

Kahit sino naman sigurong tao, ay gustong-gustong makita ang mga mahal nila sa buhay.

"Hindi na po ba magbabago ang desisyon ninyo?" anito habang nakatitig ng mataman ang mata ng bata sa akin. Tinitingnan niya siguro kung ano ang sinasabi ng mga mata ko.

My Unexpected Soulmate: (FC Series #3) [COMPLETED] ✔️ UneditedWhere stories live. Discover now