21 The Prodigious Empress

Start from the beginning
                                    

"Ipagpaumanhin mo kapatid ko ngunit kapatid siya ni ginoong Ceil na ipinag utos sa akin ng ministro na bantayan kaya hindi ko siya maaring galawin kahit na manloob pa ito sa bahay ng ministro." paliwanag nito na nagpatango naman kay Kai bilang pagsang ayon sa kapatid.

"Kapatid may isang iuulat pa ako." wika nito nang hindi na muli nag salita si Kai dahilan para  tumaas ang kilay nito. Hindi ito nag salita kaya pinagpatuloy na lamang ni Luwe ang kaniyang sasabihin.

"Napatay ng mga mamatay-tao ang ikatlong Heneral kahapon at kagabi ay iniutos ni ginoong James na maging ikatlong heneral si ginoong Aziz na siyang nakakatandang kapatid ni binibining Grace."

"Ano?!" Gulat na tanong ni Kai ng malaman na patay na ang ikatlong heneral ngunit mas nagulat siya ng malaman na agad pinaupo sa pwesto ni ginoong James si Aziz na kapatid ni Grace.

Kahit na sakop ng ministro ang nayon ng Nia ay walang kapangyarihan ang ministro lalo na ang anak nito na paupoin sa pwesto ng heneral ang sino man dahil ito ay ginagawad ng hari sa mga kawal ng kaharian na kaniyang nakikitang karapat dapat. Malaking kasalanan ito sa palasyo kapag nalaman ng hari ang ginawa ni James.

Nanlalamig na sa takot si Kai sa isiping paparosahan ang matandang ministro at si James dahil sa pagkabulag nito sa pag-ibig.

"Luwe saan mo nakalap ang impormasyong ito?" tanong ni Kai saka mahigpit na hinawakan ang balikat ng kapatid dahil sa hindi na ito mapakali.

"Nag mula ang impormasyon na ito sa sulat ni ginoong Hanzel Adams."

"Ang ikaapat na heneral?" hindi makapaniwala na tanong nito na ikinatango lamang ng kaniyang kapatid.

"Kong ganon ay alam din ito ng ministro o di kaya nang---." hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil agad itong napatingin sa sulat na kaniyang hawak na nagusot niya na dahil sa pagkakakuyom ng kaniyang kamao.

"Nang hari." pagtutuloy naman ni Luwe sakaniyang naputol na sinabi at sinundan ang tingin ng kapatid.

Mag kasama ngayon ang hari at ang ministro maging ang apat na heneral ng Giza. Tanging ang ikatlong heneral lamang ang hindi nakapunta sa palasyo dahil nagkasakit ang limang asawa nito ng sabay dahil sa labis na takot sa digmaan ngunit namatay na ito kahapon lamang.

Isang indikasyon na nakapasok na sa loob ng kaharian ang mga taga Minzo.

Mukhang plinano na ang pagpatay sa ikatlong heneral ngunit bakit nagawa ni James na paupoin agad ang kapatid ni Grace kahit na labag ito sa utos ng palasyo. Ito ang iniisip ng mag kapatid.

Hindi nila alam ngunit hindi maganda ang pakiramdam nila sa pagkaluklok ni Aziz Knight bilang ikatlong heneral kahit sabihin pa natin na anak ito ng ikalimang heneral na si Arnold Knight.

"Basahin mo na ang sulat ng ministro kapatid. Gagawin ko naman ang utos mo." wika ni Luwe bago kinuha ang kamay ni James sakaniyang balikat.

Yumuko siya muna dito bago ito tumalikod at tumalon sa itaas ng bubong ng tahanan saka nag laho. 

---

Sa kabilang banda...

Tatlong oras ang layo ng distansya ng dalawang nayon ng Altas at Nia sakay ang kabayo at kalahating araw naman pagnakayapak

Nasa nayon ng Nia na ngayon si Zein at nagpapanggap na mangangalakal sa ilalim ng pangalan ni Ceil upang mangalap ng impormasyon. 

Nakaupo siya sa nag iisang bukas na kainan sa bayan at kumakain kasama ang ilang kawal ni Ceil na katulad niya ay nag babalatkayo din.

Pasilip-silip siya sa labas ng bintana habang hinihintay na dumating ang kanilang pagkain.

"Ginoong Zein ibang iba ang nayon na ito sa nayon ng Altas. Parang ito ang nayon na sunod sa nayon ng Kuro na disyerto na dahil sa takot na baka sila ay masalakay ng mga taga Minzo." wika nito na parang kaswal lamang na nag uusap ngunit paraan nila ito upang makakuha ng impormasyon dahil may nakikinig sakanila mula sa kabilang upoan.

The Prodigious EmpressWhere stories live. Discover now