Chapter 8

1.4K 76 20
                                    


Hiraya Eesome Endrada

"Mommies!" Masayang salubong ni Eden sa parents nya pagpasok nila sa bahay nang mga ito.

Esom was nervous but eventually smile nang tumingin sakanya ang magasawa. Ngumiti ito sakanya at lumapit para makipag beso.

"Good to see you again, Esom." Nakangiting bati sakanya ni Storme

She smiled back "A pleasure to be here. Thanks for inviting me."

"Let's eat?" Sabi ni Autumn at sabaysabay silang naglakad papuntang dining area

The house was huge. It looks classy and very modern. The white walls are making the place bright as well as the people who lives in. Esom can't help but smile at the sight of Lavier family looking so happy. Parang ang saya nang pamilya nila. Well, they have everything. Looking at them makes me feel jealous. tsk.

Pagdating nila sa dining area ay pinaghila sya nang upuan ni June. She smiled at him at said thank you. Hindi nakaligtas sakanya ang mapangasar na ngiti ni Eden sa kuya nito kaya napailing nalang sya.

Nasa gitna si Storme habang sa kanan nito si Autumn na katabi si Eden. Sa kaliwa ni Storme ay bakanteng upuan habang katapat ni Eden si June na katabi nya. Her eyes landed on the empty seat, May plato din doon na syang ipinagtataka nya.

"It's for my daughter." Biglang sabi ni Autumn. Nahuli kase sya nitong nakatingin sa bakanteng upuan. Nakaramdam sya nang hiya dahil napunta sakanya ang atensyon nang lahat. Gusto nya nalang batukan ang sarili.

"Oh." Tanging lumabas sa bibig nya. Hindi nya alam na may isa pang anak ang magasawa. Ang sabi kase ni Katara ay dalawa lang ang anak nang mga ito.

"Let's eat?" Singit ni Storme sa usapan pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ni Autumn.

Daughter? Pero wala sya dito? Medyo naguguluhan si Esom sa nangyayari pero isinawalang bahala nalang nya. Ayaw naman nyang magtanong at makialam sa pamilya nang mga ito.

"How was it?" Tanong ni Autumn kay Esom habang kumakain sila. They're waiting for her reaction about the food.

Nagpunas muna sya nang bibig bago nagsalita "It's delicious. The chef did a great job." Natawa naman sila na syang ipinagtaka nya

"We don't have a chef ate." Natatawang sabi ni Eden

"You've heard too much stories." sabi naman ni June

"Are you trying to get my wife's vote now?" Natatawang sabi naman ni Storme "She did all of this." Dagdag nito sakanya na para bang nangaasar.

"Oh, sorry— I mean, I just thought.." Tarantang sabi ni Esom "It's delicious Mrs Lavier." Alanganing sabi nya kay Autumn.

Medyo napahiya sya dun. Akala nya kase ay may sariling chef ang mga ito. Yun kase ang sinabi sakanya ni Katara. Na sa yaman nang mga Lavier ay paniguradong madaming katulong ang mansion nang mga ito. Gusto nya nalang umuwi at sabunutan si Katara. Why did I even believe her? tsk.

"It's fine. I'm glad you liked it." Nakangiting sabi ni Autumn sakanya

Natapos ang dinner na puno nang kwentuhan. Esom heard a bit of Autumn and Storme's love story. On how protective June to Eden. At kung gaano kakulit si Eden na namana daw nito kay Storme.

Stomach, meets Butterflies.Where stories live. Discover now