The gushing little waves tenderly striked my feet, wiping out my lonely thoughts.

"Sino yan Isko? Ang ganda naman!" rinig ko ang pagsipol ng isang lalaki.

Nang igala ko ang aking mata ay nalaglag ang panga ko nang makita ang biglang paglingon sa akin ng mga taong naroon. They were all staring at me like I am some sort of a movie. Hindi kumukurap at bakas ang mangha sa mga mata.

Napangiwi ako nang palihim. Am I that pretty?

"Pamangkin ko," hiyaw ni Manong.

Wala akong imik. Hindi ko na ulit tinapunan pa ng tingin ang mga taong nakamasid. May narinig pa akong suplada raw ako. I didn't care, tho.

Sumunod ako sa asawa ni Auntie Edna. Binaybay namin ang kahabaan ng dalampasigan. Bahagyang lumulubog sa pinong buhangin ang aking flip-flops. The sand was white and pristine. Like that of Boracay.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang igala ang aking paningin. There are bungalow houses approximately twenty meters away from the shore. Iba-iba ang disenyo pero halos pare-parehong gawa sa kahoy at nipa. Hindi ako sigurado kung pinaparentahan ang mga iyon o talagang bahay ng mga locals dito.

Naging maayos naman ang pagtanggap sa'kin ni Auntie Edna. She told me Bench was here last year for his thesis. Nagtanong pa ito sa'kin kung bakit ngayon lang ako napasyal.

Their house is also made from wood. Hindi nga lang nipa ang bubong. Plywood ang pintuan at ang bintana ay gawa sa sawali o amakan. The intricate traditional patterns in the split-bamboo mats formed diamond shapes. Alam ko ang tawag dito dahil karaniwan na talaga itong kinakabit lalo na sa mga beach houses.

The couple were pretty hospitable to prepare me an early dinner. Kaya eto ngayon at nagsasalo kami sa loob ng kanilang bahay. Sa pabilog na mesa. Sa gilid ng kanilang dining ay ang kani-kanila nang kuwarto. Wala silang tv dito. Their house is, uh, small. Hindi fully furnished. Ni hindi ko maimagine ang sarili kong tumira rito.

"Wala ho ba kayong anak?" 

That question started it all. Nalaman kong may isa silang anak. May sakit ito sa pag-iisip kaya ikinulong nila sa isang kuwarto. 

And to my fucking surprise, habang payapa kaming kumakain, biglang kumalabog ang isang pinto. Nalaglag ang panga ko nang iluwa nito ang isang hubo't hubad na lalaki. 

"Francisco si Jason! Jason naku! Anak!"

Nagkagulo sila at ako naman ay natulala. Goodness. Gulat pa ako sa nakitang saging!

"Jason pumasok ka sa loob anak." mahinahon na pakiusap ng kanyang ama.

"Dile ko!" he uttered in an unfamiliar language.

My aunt looked petrified. Iyon pala, may hawak-hawak na patalim ang lalaki. And he was eyeing... my bag! Nataranta ako pero bago ko pa makuha iyon ay nahablot niya na.

"No! Ohmygosh no!" halos umiyak ako nang yakapin niya ng mahigpit ang LV backpack ko at nagmamadaling pumasok sa kuwarto.

"Yawa! Jason ibalik na dire!" 

Nagsimulang umiyak si Auntie habang mukhang binagsakan ng mundo ang kanyang asawa. Ako naman ay gulat at matinding takot ang naramdaman.

"C-Claudine kase... kapag sinubukan nating kunin yun... magwawala si Jason. Baka.. saksakin niya tayo o ang kanyang sarili." hagulhol niya.

For the nth time in this lifetime, I feel awful. 

Ngayon, paano na?

Nasa backpack ko ang aking cellphone, wallet at mga damit! 

"Kasalanan mo iyan Edna, eh! Hindi mo tinalian ng maayos-"

"Ikaw ang inutusan kong ayusin ang tali, Francisco!"

Sumakit ang ulo ko nang magsigawan sila. Sa sama ng loob at sa takot narin siguro dahil sa nangyari ay umalis ako sa bahay na yun nang walang paalam. Tumakbo ako papalayo nang hindi na alam ang gagawin.

Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya tumigil ako sa pagtakbo. Nakalayo narin naman na ako. Nang matanaw ko ang papalubog na araw ay tila lumubog din ang pag-asa ko. 

Great. Now what? 

Yes, this place is dreamy.. But how the fuck do I survive now? Without my phone? My money? Ni hindi pa ako ganon ka galing makisalamuha. Tanginang buhay to, oo.

I went here to seek peace, pero eto ang madadatnan ko? So much for soul searching, huh? Imbes na kapayapaan ay sakit sa ulo at perwisyo ang inabot ko. 

Sa sobrang pagiging okupado ay kamuntikan pa akong matamaan ng mga batang naglalaro ng sepak. Tuloy ay lalo akong nabadtrip. 

Saan na ako tutuloy nito? 

Kahit na wala akong cold cash ay nagtanong parin ako sa nakasalubong na lalaki. 

"May kailangan ka?" the man asked in a baritone.

Hindi ako agad na nakasagot nang matitigan ko sa malapitan ang mukha niya. Malalim ang kanyang matang may kulay banyaga. Matangos ang ilong. Mahaba ang makurbang pilikmata. Mapupulang labi. Maging ang kanyang panga ay perpekto ang pagkakahulma.

Nakatali ang kanyang itim na buhok kaya napagtanto kong mahaba iyon. Hating-hati ito sa gitna. Ang kaunting takas na nahuhulog ay nagbigay ng kakaibang arte. Isinampay niya sa kanyang malapad na balikat ang kanyang puting face towel. 

"Where's the nearest hotel here? Tell me." 

His thick dark brows rose. 

"Nasa Cebu."

Oh, come on. Hindi mo gugustuhing dagdagan ang inis ko. 

"I am asking you properly. Huwag mo akong pilosopohin!" I demanded

Halos mabuwal ako nang tumitig siya sa'kin. Sa tangkad ng lalaking ito ay kailangan ko pang tumingala. Sakto lang ang kanyang pangangatawan. Katamtaman ang kulay ng kanyang kutis. Hindi mestizo. Hindi rin naman moreno.

Hindi kapani-paniwalang sa suot niyang t-shirt, jersey shorts at sapatos ay nagmukha siyang modelo.

"Maayos ang naging sagot ko, Miss." he sound cold.

His eyes drifted somewhere on my chest. Nagtagal ang titig niya roon. Sinubukan kong balewalain pero talagang titig na titig siya!

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kumulo na naman ang dugo ko.

"Why are you looking at my boobs, huh? You pervert! Manyak ka! Manyak!" I shouted on top of my lungs after giving him one hard slap.

He held his jaw. I saw how it clenched, too.

"Miss hindi iyon tulad ng iniisip mo-"

"Really, huh? Gagawin mo pa akong tanga?!" bulyaw ko.

Jesus! Akala ko ay quota na ako sa kamalasan at katarantaduhan sa araw na 'to!

"Manipis kase ang tela ng suot mo kaya-"

I slapped him again. Nanggigil ako sa lalaki. How can he blame me for it? Hindi rason ang maikli o manipis na damit para mambastos ng babae! 

Ang inis at galit na naramdaman ko kanina pa doon kina Auntie Edna ay naipon at sumabog. Ibinuhos ko sa sampal na iyon ang sama ng loob ko. 

"Putangina." napamura ang manyak sa ginawa ko.

"Don't ever look at me, pervert! You disgust me!" 

Halos madapa ako sa pagkukumahog na makalayo sa kanya. Inis na inis ako. Sayang ang mukha noong manyak na iyon! Isa rin palang gago! 

"Argh! Mamatay sana lahat ng tarantado!" sigaw ko sa harap ng malawak na dagat.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon