Chapter two

4.2K 213 10
                                    

Chapter 2

"Kenzoooooo!"

"Kenzo my love!"

Nakisilip si Gerlie sa mga babaeng nakatanaw sa bintana ng classroom nila. Tanaw tanaw ng mga ito ang pinakagwapong lalake sa campus nila. Walang iba kundi si Kenzo Hoffman

Simula palang ng first day of school niya sa bagong campus na iyon ay naging ultimate crush na rin niya ito.

Halos dalawang taon na rin siyang may crush dito dahil simula ng magkamali siya sa parking area ay hindi na ito nawala sa puso niya.

Naging inspirasyon niya pa nga ito upang maging masipag sa pag aaral.

She's 2nd year college now.

Mabilis dumaan ang dalawang taon ngunit masaya naman siya sa campus na iyon. Panay mayayaman o rich kid ang studyante doon kaya nahirapan siyang makihalubilo sa mga ito

Isa lang tuloy ang naging kaibigan niya sa campus nila. It's Karen. Isang nerd rin katulad niya.

Binansagan pa nga silang "Twin bestie nerds" ng mga studyante doon ngunit ayos lang iyon sakanilang dalawa ni Karen

Totoo naman kasing mga nerds sila. Except her. Hindi naman kasi siya matalino sadyang makapal lang talaga ang grado ng salamin sa mata niya. Unlike Karen, Ito na ata ang pinakamatalinong tao na nakilala niya. Sa sobrang talino nito naging weird na ito sa paningin ng karamihan

Naging swak sila ni Karen sa isat-isa dahil pareho sila ng trip sa buhay.

"Gerlie. Halika na nandiyan na si Ma'am" Hinila na siya ni Karen dahil abala parin siya sa pag tanaw kay Kenzo Hoffman

Kasama nito ang Tatlong barkada nito na mga anak ng politiko at mayayamang angkan. Ngunit si Kenzo lang talaga ang angat na angat sa mga ito pagdating sa kagwapuhan sinalo na ata nito lahat.

Overload nga ang kagwapuhan nito at halos pag agawan ito ng mga babae sa campus nila.

"Saglit lang Karen isang sulyap nalang"

Nag-balikan na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase niyang babae ng dumating ang guro nila ngunit nag paiwan siya sa bintana habang tanaw tanaw parin niya si Kenzo.

Para siyang timang habang kumakaway kay Kenzo kahit hindi naman ito nakatingin sakanya. Nakita siya ng kabarkada nito kaya itinuro siya kay Kenzo. Nakita niyang pinagtatawanan lang siya ng mga ito. Samantalang kumunot lang ang nuo ni Kenzo at naglakad na ito paalis doon.

"Oh my God! For two years napansin din niya ako!" Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil parang sumipa ang kanyang puso

Two years na kasi siyang may crush kay Kenzo Hoffman at ngayon lang ito muling napatingin sakanya. Nuknukan kasi ito ng kasungitan at kasupladuhan kaya suntok sa buwan kung mapapansin siya nito

"Ms. Sally Ventura back to your seat now!" Sigaw ng teacher niya kaya napunta sakanya ang atensyon ng mga kaklase niya. Nagtawanan ang iba sa mga ito maliban kay Karen.

"M-Ma'am! Yes ma'am!"

Nagmadali na siyang bumalik sa kanyang inuupuan.

Pinagalitan siya ng kanyang guro bago ito nag umpisang mag turo.

Napapangiti siya habang nagtuturo ang guro nila kaya sinipa ni Karen ang kanyang paa

"Gerlie umayos ka nga baka mapagalitan ka ni ma'am. Ano ba yang nginingiti mo diyan?" Bulong ni Karen sakanya. Seat mate niya ito mula pa noon.

"Tumingin kasi sakin si Kenzo kanina hindi ko lang mapigilan mapangiti"

Pina-ikot lang ni karen ang eyeballs nito dahil alam na alam nitong patay na patay siya kay Kenzo Hoffman

Started with a betTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon