112

1.1K 51 157
                                    

SAOIRSE'S POV
narration OO1


Gago talaga si James! Iniwan ba naman kami! Paano kaya kaming makakapunta  doon kila Kyle? Hindi naman namin alam bahay nung monggi na 'yon.



Napakamot ako sa buhok ko at napalingon nang maramdaman ko na may nakatingin sa akin.



"Ano?" mataray kong sabi kay Rella at Lianne na parehas na nakatingin sa akin na para bang gustong gusto ako asarin.



Sus. Kabisado ko na 'tong mga 'to.



"Hindi ka naman excited 'no?" pilosopong tanong ni Rella.



Napatigil ako sa kakalakad nang ma-realized ko ginagawa ko. Kanina pa kasi ako paikot ikot habang ka-chat si James.



Kinakabahan lang naman ako dahil kay Ate Krystal!



"Oo. Excited ako makita idol ko. Bakit ba? Inggit ka ba?" inis kong sagot.



Tinawanan niya lang ako at nag-apir pa sila ni Lianne. Parang mga tanga.



"Tao po,"



Napatingin kaming tatlo nang sabay sabay sa isa't isa. Iba yung boses nung nag-tao po kaya hindi ko na rin makilala kung sino ba 'yon. Pero parang pamilyar?



Tumayo bigla si Rella, tumakbo, at hinawi pa ako para makadaan siya. Ang sakit ah!



"Sino 'yon? Si James ba 'yon?" tanong ni Lia.



Dahan dahan na lumingon sa amin si Rella, napatakip ng bibig, at nagtatalon pa nang makalapit sa amin ni Lianne na nag-aayos ng gamit na kung sakaling si James 'yon, at least ready na kami.

Online ClassTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon