🦋Chapter 26🦋

37 5 0
                                    

Xien's POV

Hindi ko alam ang mararamdaman nang marinig iyon.

Did I just break someone's heart unintentionally?

I looked at Neri at umiwas lang ito ng tingin sakin. Napalunok ako.

"Wew, umamin na nga." Sabat ni Lany at natawa pa pero kalaunan ay tumigil rin dahil naramdaman niya ang awkwardness sa paligid.

Nagulat ako ng hawakan ako ni Ken sa kamay at hinila papunta sa veranda ng condo nito.

Walang nagsalita. Hawak niya parin ang kamay ko.

Awkward...

"X..xien..." Tawag nito kaya napatingin ako sakanya at hinintay itong magpaliwanag.

"What I've said earlier was true..." Napasinghap ako.

"H..ha? Paano? Bakit?"

Napangisi ito. "You're an ideal woman, Xien. You have a kind heart. Lahat yata ay nasa sayo na."

Napaiwas ako ng tingin.

"Pero kaibigan lang ang tingin ko sa iyo..." Pagsasabi ko ng totoo.

"Atleast give me the chance to prove how much I love you, Xien..." Napatingin kaagad ako sakanya at umiling.

"There's someone out there who's ready to love you, Ken."

Umiwas ito ng tingin.

"But you're the one I like..."

"Pero hindi ba't magkaibigan tayo? Are you ready to risk everything we had just because you like me?" Totoo naman talaga. Marami narin kaming pinagsamahan dahil sa tatlong taon na nakalipas isa siya sa mga naging mabuting kaibigan sakin. I can't lose him because he's important to me too.

He held my one hand and squeezed it.

"I'm going to risk everything just to have you, Xien..." Napasinghap ako ng sabihin niya iyon.

Umiling ako. "Hindi. Ayoko....I...I can't risk our friendship just because you like me, Ken. You're too important for me and I don't want to lose you so please.." sabi ko at hinawakan ang magkabila nitong pisngi. "Don't love me anymore." Dagdag ko bago ako umalis doon.

Sumenyas nalang ako sakanila na mauuna na ako. Papalapit na ako sa elevator ng may tumawag sakin.

"W-what happened?" It's Neri.

Puno ng lungkot ang mga mata niya. I held her hand and smiled to her.

"Tell him what you feel, Neri. Alam kong hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman niya sakin, agawin mo yun. Ikaw ang nararapat para sakanya." Sabi ko dito at niyakap bago iniwan doon.

Everything seems to become normal when tomorrow came. Yun nga lang hindi ako lumalapit kay Ken kasi iniiwasan ko siya at alam niyo na siguro ang rason doon.

I didn't see him too. Walang siya ang pumunta sa hospital hanggang sa matapos ang duty ko.

Mabuti nalang din iyon. Wala nang hassle for the both of us. Sigurado akong makakamove on rin siya sakin.

As I was walking palabas ng hospital ay napatigil ako ng mahagip ng mga mata ko si Iny kasama siya.

They were both laughing while walking beside each other. Nakahawak pa sa kamay si Iny sakanya. Masaya siya.

Yun naman ang gusto ko diba? Yung makita siyang masaya kahit hindi na ako ang rason ng mga ngiti niya.

Umiwas ako ng tingin at naglakad nalang ng hindi humihinto. Nalampasan ko pa sila pero hindi ako lumingon. Ayokong malaman niyang naaapektuhan ako sa nakikita.

Yun na yun diba? Okay na naman siguro iyon.

Napagdesisyunan kong umuwi ng mansion at nadatnan sila Manang na naglilinis doon. Nagmano ako kay Manang bago ako pumanhik sa taas para pumasok sa kwarto ko.

Pero everything came back to my mind. Yung masasayang moments naming dalawa dito.

Napabuntong hininga ako. Okay na naman ako diba? Pero bakit parang hindi pa?

Bakit masakit na makita siyang may kasamang iba?

Bakit ang hirap naman yatang pigilan ang sarili kong masaktan ng makita siyang masaya kasama ang iba?

Ang selfish ba pakinggan kung pinagdadasal kong sana ako nalang yun?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Diba't ito naman ang gusto kong mangyari between us? Pero bakit parang hindi okay sakin ang nakita ko kanina?

Tangina naman!

Sa sumunod na araw ay nagkaroon ng meeting kaya't nakita ko ulit siya. I tried to act professionally infront of him kasi ayokong makita niyang sa bawat paghawak kamay nilang dalawa ay nasasaktan ako.

"Sila na yata no?" Rinig kong bulong ni Rosen.

Dumagdag pa talaga ang haka haka sa loob ng hospital na mukhang sila na nga raw.

Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman. Maiinis ba ako? Eh bat naman ako maiinis? Ito naman yung hiniling kong mangyari diba? Tangina naman.

"Good morning everyone." Bati ni sir David nang makarating ito.

Itinuon ko nalang ang pansin sa harapan at baka hindi ko na mapigilan ang sarili dahil sa nakikita ko.

"Date tayo later?" Hindi ko alam kung dinadaya ba talaga ako ng mundo o sinasaktan kasi narinig ko pa ang pinag-usapan nila.

"Sure... I don't have any work so no worries.." napasinghap pa ako ng marinig ang sinagot nito.

Mabuti nalang at hindi iyon napalakas kundi baka mapahiya ako.

"San tayo later?" Tanong pa ni Iny sakanya.

Hinintay ko ang sagot nito. "Sa favorite place ko, is that okay with you?" Napatigil ako.

Napaiwas ako ng tingin at pinigilan ang sarili. Ayokong magcause ng any trouble sa room nato kaya pinigilan kong maiyak ng marinig iyon.

Favorite place, huh? Tangina.

"Ms. Xien?" Napabalik ako sa realidad nang marinig si Sir David na tinawag ang pangalan ko.

"Po?" Napalunok ako dahil hindi ako nakikinig.

"Are you okay?" Tanong pa ni Sir David at ramdam ko ang mga tingin ng mga kasama ko sa loob ng room na ito sakin.

Napalunok ako at ngumiti. "Yes sir. I'm sorry, what did you say?"

"Well, you're going to Bohol this Saturday." Napatigil ako.

"For what po sir?" Tanong ko pa, curious kung para saan.

"May ipapadala kaming isang surgeonist there to make a survey at para mapadala narin ito sa mga probinsya roon na may mga pangangailangan sa medicines." Napatango ako. Great. Atleast makakalayo ako.

"Sure sir, no worries." Sabi ko pa.

"But you need to go there with Dr. Crysth..." Dun ay napatigil ako. Wait, what?

"What?" Gulat na tanong ko at nakita ko ang tingin ng iba sakin. Napalunok ako.

"I mean, why suddenly do I have to go with someone sir?" Tanong ko pa. Totoo naman kasi nasanay akong mag isa lang talagang pumupunta sa ibang lugar dito sa Pinas para tumulong.

Ngumiti si sir David. "Well, Dr. Crysth has to do with some of the doctors there so I've decided to let you both go there together since hindi naman maikakaila na parehas kayong magaling na doktor. Sure akong may matutulong kayo doon." Napalunok ako at itinago ang pagkailang.

"Is that okay for you Dr.Crysth?" Tanong pa ni Sir David at napatingin ako sakanya.

Please say no. Please.

"Yes, sure." But that made me stop. Fuck!

Tadhana nga naman talaga...

"The Promise (ITGP BOOK 2)"Where stories live. Discover now