I know Blue will be sad if I don't show up. I don't want that. Kaunting sacrfice lang naman eh. Ang mahalaga, makikita ko siya. At syempre, sasaya siya dahil naroon ako.

Kaya naman, napagdesisyunan kong magset-up ng surprise sa unit niya. Nagpatulong ako kina Bench at Josh. Wala si Hannah dahil hindi ko siya ma-contact. Kampante naman akong nakikipaglandian na iyon sa asawa niya kaya ayos lang sa'kin.

"Effort!" pumalakpak si Josh.

Satisfied ako nang makita ang nagawa namin. Blue and white helium balloons were kissing the ceiling. May banner na 'Congratulations Babe!' na nakadikit sa dingding. Nag-order din ako ng maraming pagkain at alak. Ang cake naman ay iyong b-in-ake ko. Nakakahiya nga kase napalpak pa 'yun. Epekto iyon sa kaunting sagutan namin ni Bench kahapon, eh. De bale na, alam ko namang ma-aappreciate parin ni Blue yun.

"Anong regalo mo? Huwag naman sanang kotse, ah." ani Bench.

Don't worry. iPhone 12 lang naman, Bench.

"Sugar mommy na sugar mommy naman ang datingan ni Claui nun, Bench."

Iniwan ko sila sa unit para tumulak na sa venue ng graduation. I am wearing an off shoulder white bodycon dress. It hugged my body so well that it emphasized my curves. My hair is in a ponytail. Hating-hati ang buhok ko sa gitna at buhok ko lang din ang ginamit kong pantali roon. It was very black now, and shiny. Gustong-gusto ko ang look ko. Simple pero elegante. Of course, as much as possible, I want to look worthy of him. Cum Laude, eh.

"Dito po, Miss." ginabayan ako ng isang usherette.

Ibang row pala ang mga bisita lang. Hindi naman kase ako kapamilya. Pero okay lang naman sa'kin. 

Hindi pa nagsisimula pagdating ko. Maaga nga yata ako eh dahil wala pa masyadong tao. Sorry na. Masyadong excited, eh.

Ako:

I'm already here, babe. I can't wait to see you receive your diploma. I'm so proud of you 😘

Nakangiti kong ibinaba ang aking cellphone. Kaya lang kamuntikan na akong mahulog sa aking kinauupuan nang may lintik na nanggulat sa'kin.

"Huy!"

Napahawak ako sa aking dibdib at nag-angat ng tingin kay Gio. Ngumisi siya at naupo sa tabi ko. Naka-uniporme siya at mukhang dito rin siya nag-aaral. Matagal na rin nang huli kaming magkita. 

"Why are you here?" I spat.

Nag-iwas siya ng tingin at tumingin sa harap.

"To support her, I guess?"

Umawang ang labi ko. 

"Huwag mo sabihing siya parin, Gio?" hindi ako makapaniwala.

"Edi hindi ko sasabihin." 

Gosh. Naghiwalay na sila noong Grade 12 kami pero hanggang ngayon ay patay na patay parin pala siya sa babaeng yun. At alam kong dito rin yun nag-aaral. Isa rin pala sa ga-graduate ngayong araw.

"Ikaw? Bakit ka nandito?" 

I rolled my eyes.

"For my boyfriend, duh."

"Taray. Ang tagal na, ah." ngumisi siya.

"Pang forever itong sa'min." tumawa ako.

"Di ka sure. Maghihiwalay rin kayo, no."

My eyes widened. Nainis ako sa sinabi niya kahit alam ko namang biro lang yun. Nahampas ko tuloy siya sa braso nang malakas. 

"Tarantado ka. Huwag ka ngang bitter." inis na inis ako.

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Where stories live. Discover now