Hindi. May matatakbuhan pa ako. My boyfriend. My Blue.

Ako:

Babe, can I come over? I miss you. I want a hug-

Pero agad kong binura iyon nang mabasa ang last niyang text sa'kin. Oo nga pala at wala siya sa unit niya. Nasa airport siya. Sinusundo ang Mommy niya.

That night, I've got no choice but to seek comfort in myself. Nagawa ko namang mahanap iyon. Dahil sanay na ako.

Nakaraos naman ako sa sumunod na mga linggo. Kahit na madalas na akong bangungutin.

"Are you in peace right there, 'my?" kausap ko sa langit. 

Kung ganoon nga, bakit napapadalas na naman ang pagre-replay ng mga alaalang matagal ko nang gustong burahin?

"Claui." I heard Bench.

"Hmm?" wala sa sarili kong sagot. 

Pawis na ako dahil tina-try kong iperfect ang cake. Hindi ako pwedeng pumalpak dito at patitikimin ko si Tita.

"Finals niyo na bukas." he seriously informed me.

Tumango ako. Malamang ay alam ko iyon.

"Graduation din ni Blue bukas, Bench." 

My boyfriend is finally graduating in college. With latin honors! He is a Cum Laude! A freaking Cum Laude! Goodness. Proud na proud ako sa kanya.

"So? Hindi ka mag-e-exam para manood ng graduation?" malamig ang boses niya.

I pressed my lips in a thin line. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mapait niyang ekspresyon.

"Sa minor lang naman yun-"

"Babagsak ka, Claui! Magthi-third year ka na pero mukhang may balak kang bumalik!" naubusan na siya ng pasensya.

Nadaplisan ng sakit ang puso ko pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon. Kesa naman ma-miss ko ang graduation ni Blue? Mas hindi ko naman yun kaya. 

"Edi bumagsak." ngumiti ako.

Napanganga si Bench. Namumula na ang kanyang mga mata. His jaw clenched. Hay, kaya akala ko rin straight eh.

"Look, Claui. I understand you love him so much and you want to be always be there for him. Every step of the way. But I'm sure he'll understand. This is for your freaking future-"

"He is my future, Bench." I cut him off.

Napailing ang aking kapatid.

"You are losing yourself, Claudine. Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari. Akala mo ba hindi ko alam yung pinag-awayan niyo noong naroon tayo sa Coron, huh?" 

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Bago kami tumulak papunta sa Coron para sa birthday ni Hannah, nahuli kong... may kausap siyang babae sa viber. Medyo sweet kaya nagselos ako at nag-away kami. Pero... friend lang naman daw kaya... napatawad ko rin. 

"Hindi naman big deal yun-"

"Hindi big deal?! Ha! At iyong exam mong hindi mo sisiputin dahil sa kanya, hindi rin big deal yun?" galit na siya.

"Bench, pwede ba? No one can tear us apart now. Ngayon pa? Eight years na kami!" giit ko.

Oo at nasasaktan din ako dahil hindi na ako masyadong nabibigyan ng oras ni Blue pero nagtitiis ako. Busy siya kase nga malapit na ang graduation. Hindi naman ganon ka bothersome dahil itinetext niya naman ako. Hindi na nga lang ganon ka dalas, pero ayos na. 

"Claui-"

"Please. Please, Bench. Give it to me. Kaya kong isuko ang pag-aaral kung para sa kanya. Ang kahit na ano. Alam mo naman iyon di ba?" 

Make You Stay (Book 2 of You Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon