CHAPTER 4

3.5K 139 9
                                    

Dazia Pov

Medyo malayo kami pero kitang-kita rito sa pwesto namin ang mga pumasok. Sila Red lang naman kasama sila Drein, Josh, at saka isang lalake. Hindi ko siya kilala. Hindi nila siya kasama noon sa bar pero ang gwapo niya. Kagaya nila Josh ay makalaglag panty rin ang dating nito.

At si... Dylan?! Bakit kasama nila ang loko kong kapatid?

Nagsisigawan at nagtitilian pa rin ang mga nandito. Nakakabingi ang mga tili nila.

"Para na naman silang nabudburan ng asin," natatawang sabi ni Alyanna.

"Hindi talaga sila nagsasawang magsitilian at magsisigaw araw-araw. Buti at hindi sila napapaos." Napailing si Dannica

"Ang popogi naman kasi!" Mahinang tili ni Alyanna habang nakatingin kayla Drein.

"Nasaan si Black? Hindi yata nila kasama," bulong ko pero narinig 'yon nila Dannica. Ang lakas ng pandinig ng dalawang 'to.

"Bakit mo siya hinahanap?" tanong ni Alyanna.

'Yan na ang sinasabi ko, e. Nako Dazia! bakit mo pa kasi hinanap.

"Ah wala. 'Di ba kaibigan niya ang mga 'yan. Nagtaka lang ako." Pagsisinungaling ko at pilit na ngumiti.

Mukhang naniwala naman silang dalawa dahil tumango ang mga ito.

"Isang beses sa dalawang buwan lang nagagawi rito 'yon. Kaya swerte ka kung makikita mo siya ritong kumakain sa break time at lunch time," saad ni Dannica.

Tumango tango si Alyanna. "Yeah, at saka kaya lang naman tumatambay rito tuwing break time at lunch break ang mga babaitang 'yan dahil nagbabakasakali silang matyempohan si Black. At saka, minsan lang din dito kumain ang mga kaibigan niya. Parang dalawang beses sa isang linggo lang."

Tumango ako at tumingin sa field. Ilang sandali pa ay natahimik ang cafeteria. Natigil ang tilian at sigawan. Baka naubosan na sila ng boses. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto dahil sa sobrang tahimik nila.

"Oh my gosh... What the freaking freak! Si Black." Mahinang tili ni Alyanna sapat lang para marinig namin kaya napatingin ako sa pwesto nina Red kanina.

Nakita ko roon si Black. Walang emosyon ang mukha nito. Lumingon siya sa akin kaya nagtama ang paningin namin. Gumuhit ang kunting ngiti sa labi niya kaya napalunok ako.

Umiwas ako ng tingin. Sakto namang dumating sina Ysa at Venice dala-dala ang mga orders namin. Nilapag na nila 'yon sa mesa at binigay ang mga sukli namin. Nagsimula na kaming kumain. Isusubo ko na sana ang burger nang may naglagay ng dalawang box ng pizza sa harap ko kaya inangat ko ang tingin.

"May nagpapabigay." Malaki ang ngising sabi ni Dylan at saka kinindatan ako.

Pinandilatan ko siya ng mata at ngunit tinalikuran lang ako nito at bumalik sa table nila. Lumuwag na naman siguro ang turnilyo sa utak ng batang 'yon.

Tiningnan ko ang box ng pizza at saka binaling ang tingin kayla Venice. Nagtataka ang mga mukha nila, nagtatanong ang mga mata. Nginitian ko lang sila ng pilit, hindi alam kung ano ang idadahilan.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko na nilagay ko sa coat ko kanina. Kinuha ko ito sa bulsa ng coat ko at tiningnan.

From: Hon

Burger and juice? Seriously? You should eat more, you look like a stick.

Pano naging Hon ang nickname nito rito? Alam kong si Black 'to. Siya lang naman ang tumatawag sa akin nun, e. At ako stick? Aba tama lang kaya ang katawan ko. Grabe siya manglait.

Tiningnan ko ang table nila. Nakatingin pala ito sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin pero ngumisi lang siya.

Ano kaya ang pinakain nina Josh dito at parang ang saya nito ngayon. Umiwas ako ng tingin at binaling sa dalawang box ng pizza ang tingin ko. Binuksan ko ito at pinaghatian naming lima.

Owned By The Mafia Lord (Under Editing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang