Chapter 7

1.4K 129 129
                                    

Chapter 7

"How's your wife?" Tanong ng dad ni Killer habang kumakain sila sa isang restaurant na malapit sa company building.

Nagbaba siya ng mukha bago ito sinagot. "She's busy with her business."

Isang linggo na siyang hindi kinakausap ni Arwen. Wala na rin ang lahat ng gamit nito sa kanyang kwarto at doon na ito natutulog sa kwarto ni Hailey. Something is wrong with her. Nararamdaman niya iyon. Oo, pinaalis niya ito sa kanyang kwarto pero sigurado siyang may iba pa itong dahilan kung bakit ito nagagalit sa kanya ngayon.

Killer remembered the night when he was with Ali. Ang huli niyang naaalala ay noong niyakap niya ito. But did I really hugged her that night? I wouldn't do that.. I'm sure of that. Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi sa kanyang penthouse nung gabing yun. Hindi naman niya matawagan si Ali dahil nakabalik na ito sa carrier. Gusto niya sanang tanungin ito dahil pagkatapos nung gabing yun ay bigla nalang nagbago si Arwen.

"It's your mom's birthday this Sunday. She wants you to go with Arwen. We'll have a simple family dinner at home."

Tumango si Killer. "Alright. I'll tell her later."

Thanks to his dad. Magkakaroon na rin siya ng rason para kausapin si Arwen mamaya!

"May problema ba kayong mag-asawa?"

Natigilan si Killer bago napatingin sa kanyang dad. "N-No. We're doing great."

Nagdududang napatitig ito sa kanya. "Good. By the way, her ex-fiance is one hell of a crazy man. You should get her a bodyguard. I can recommend you some."

Umiling siya. Arwen wouldn't like it. He's sure of that. Pero kung kailangan talaga, kakausapin muna niya ito. Sa ngayon, ang Frans McConney na yun muna ang pamamanmanan niya. "Don't worry about it. Ako na ang bahala sa ex-fiance niya."

Napangiti ang matandang lalake. "Nagmana ka talaga sa 'kin. I don't mind if you kill him."

Killer smirked. "One wrong move and his life will be over."

Kinagabihan..

Alas nuebe na ng gabi nang makauwi si Killer sa penthouse. Nag-overtime kasi siya sa trabaho sa kompanya. He's still learning at gusto niyang madaliin ang lahat para hindi na niya maabala pa ang kanyang dad. He doesn't want to be with his dad every single day. It's making him feel uncomfortable! Kaya kailangan niyang matutunan ang lahat para hindi na ito pumasok roon!

Bumuntong-hininga si Killer nang makita ang pagkain sa ibabaw ng island counter. Araw-araw ay ganito ang ginagawa sa kanya ni Arwen. Nag-iiwan lang ito ng pagkain para sa kanya. Iniiwasan talaga siya nito!

Mabilis na lumabas si Killer sa kusina at umakyat sa ikalawang palapag. He needs to talk to her. Tatlong araw nalang at birthday na ng mommy niya. Kailangan sabihin niya iyon sa asawa.

Bahagyang nagulat si Killer nang malamang hindi pala nakalock ang pinto ng kwarto ni Hailey. When he entered the room, tanging lampshade lang ang nagsisilbing ilaw sa buong silid. Then he saw Arwen sleeping with her daughter. Dahan-dahang siyang lumapit sa kama at naupo sa gilid ni Arwen.

For some reason, it felt like he didn't saw her beautiful face for a very long time. Medyo namimiss niya ang mga ngiti nito, ang mga inosente nitong reaksyon— lahat-lahat!

Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha nito. "Arwen.." Pabulong na tawag niya rito.

Hinaplos ni Killer ang mukha nito at natigil ang kanyang mga daliri sa bandang gilid ng labi nito. Maingat na hinaplos niya ang mamula-mula nitong labi. Sana lang ay hindi ito magising. Damn! He missed the taste of her lips. Should I steal a kiss? She's sleeping.. She wouldn't know..

Ainegel Bros. : Killer's BrideWhere stories live. Discover now