Chapter 3:Brokenhearted

Start bij het begin
                                    

"S-sorry Irish hindi ko na dapat binanggit pa sayo yung tungkol do'n sorry talaga.

"Ok lang yun." Tipid kong sagot kay Andrei na may halong ngiti sa mukha ko.

"Ganto na lang kung sumama ka kaya sakin mag hang-out tayo para mawala man lang kahit kunti yung lungkot mo.please pagbigyan mo na ko,this time.pagmamakaawa sakin ni Andrei.

Well,parang ok din pala tong si Andrei mabait siya,gwapo,matalino.

Tumango na lang ako sa sinabi niya at ngumiti ng kunti.

"Talaga payag ka?" Gulat na gulat na tanong sakin ni andrei.

"Oo." nakangiti kong sagot sa tanong nya.

"Thank you irish!thank you Irish kasi hinayaan mo ko na pasayahin ka!"

"Sige,magpapalit lang ako ng damit umupo ka muna dyan sa sofa habang nag-iintay sakin." nakangiti kong sabi sa kanya.

Pumunta na ako agad sa kwarto ko at nagsuot ako ng croptop na halfshoulder, tsaka nag-pantalon na lang din ako na fitted sakin,tsaka nag-white rubber shoes na lang din ako,saka inilugay ko na lang din ng maayos yung long hair ko.

Paglabas ko sa kwarto ko napalingon ako sa direksyon ni a?Andrei at napalingon din sya sakin pagkalingon niya sakin tumulala muna siya sakin.

Andrei bakit ka nakatulala?

"A-a-ah ako?w-wala lang t-tara na." Nauutal na sagot sakin ni Andrei,na-wierdan naman ako sa kanya dahil nauutal siya kung makipag-usap sakin ngayon,mahayaan na nga lang.

Inabot niya sakin ang kamay niya at inabot ko na din ang ang kamay ko sa kanya.Kaya lumabas kami ng magkaholding-hands actually ang sarap hawakan ng kamay niya pero bakit ganun wala man lang akong maramdaman na kahit na ano?

Karl's PoV

Kakatapos ko lang magbihis ng biglang pumasok sa isip ko yung nangyari kahapon hindi naman siguro yun nagtampo sana nga.Maka-punta na nga lang sa park baka pumunta sya do'n.

At the park..

Nandito na ako ngayon sa park kanina pa ko naiinip at kanina pa din ako patingin-tingin sa paligid.Nagbabakasali kasi ako na makita ko siya.Hayyss... bakit ba to nangyayari?

Habang naiinip ako kakaintay kay irish nakarinig ako ng tawa na hindi kalayuan sa pwesto ko.Nilingon ko iyon at nakita ko si Irish kasama si Andrei yung pinsan ko.

Pagkakita ko sa kanila lumapit ako papunta kay Irish at tinawag ko sya.

"Irish!" tawag ko kay irish.

Tiningnan niya lang ako ni hindi man lang siya nakipagngitian sakin,tiningnan nya lang ako ng masama,tsaka niya ibinaling ang tingin niya ulit kay Andrei.Si Andrei naman tiningnan nya si Irish.

At the first place alam kong gustong-gusto talaga ni andrei si irish,pero bakit ganun parang nakakainis pag nakikita ko siyang kasama nya si Irish,Aish!

"Tara na Andrei,nakangiting pang-aaya ni Irish kay Andrei.

Bakit ang sakit?Bakit parang ang sakit na ini-ignore niya lang ako ngayon?Bakit parang hindi ako sanay na ganto siya sakin?

"Irish saglit lang!sabay hawak ko sa braso ni irish.

Pero tiningnan nya lang ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

"Ano ba kailangan mo!?" naiiritang bulyaw ni irish sakin.

"Gusto lang kitang makausap.Yung tungkol kahapon." Maikling paliwanag ko.

Hayss..ang sakit talga nito.

Bitawan mo nga ko Karl!Ano pa bang dapat nating pag-usapan?" pasigaw na tanong sakin ni Irish.

Nakita ko naman ang mga luha sa gilid ng mata niya.

"I just wanted to say sorry." nakayuko kong sagot sa kanya.

"Sorry?para saan pa?Eh ito nga yung gusto mo diba?ang layuan kita?bakit ka ganyan ngayon?Oh baka naman nasasabi mo yan kasi gusto mo na naman akong gawing pangpalipas oras mo."

"Hindi sa ganun Irish!let me explain."

Tama na Karl!ayoko na sayo!naiiyak na sagot sakin ni Irish.

"Ano ba Karl!pwede bang lumayo ka na kay Irish?!Pasigaw na saad sakin ni Andrei sabay tulak niya sakin.

Tara na Irish umalis na tayo dito masisira lang araw mo dyan!!dagdag pa ni Andrei.

Pagkasabi ni Andrei no'n pinunasan ni Irish yung luha nya at hinila na siya ni Andrei papalayo sakin.

Ako naman nararamdaman ko ang mga luha sa gilid ng mata ko.Ang sakit namimiss ko na yung dating irish.Namimiss ko na yung Irish na hindi ako pinag-sasawaang kulitin.Namimiss ko na siya.Ayoko na ng ganto.Pero wala eh,ako din naman kasi ang may kasalanan kaya nangyayari ito samin ngayon ni Irish.

(a/n:hello mga ka-wattpaders,im happy na nakapag-update na ko,and please don't forget to vote and leave a comment kung nag-enjoy kayo follow me kung nag-enjoy kayo)

Panotice Naman Crush!!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu