Chapter 6

6 0 0
                                    

PAGDATING ko sa bahay, Roshel chatted me saying na umiyak daw si Ashley dahil hindi ko na daw ito pinansin. Hindi ko ito nireplyan dahil hindi ko naman alam sasabihin ko.

Ashley's name popped up on my screen. Binuksan ko ito.

Ashley Sandoval is online now•

"Juls, talk to me please.

                                                                                                                                                             "toms. 6:30 AM. School.

"thankyou.

Julius Dizon is offline now•

Maaga akong pumasok para makausap si Ashley. Kaya hindi na ako nag almusal. Pagdating ko sa room, wala pang tao. Pinili naming maaga para wala pang tao at kami lang dalawa. Umupo ako at nag facebook nalang muna habang hinihintay siya.

Nabigla ako ng may tumapik sa balikat ko. Muntik na akong makatulog.

"Sorry natagalan. May binili lang.

"Okay lang. So anong pag uusapan natin?

"Juls, sorry. Hindi ko sinasadya na saktan ka. Totoo. Minahal kita oo. Pero noon yun. Akala ko kasi hindi mo ako gusto. Hindi mo naman kasi sinasabi. Kaya pinilit kong alisin kung ano mang nararamdaman ko para sayo dahil natatakot rin akong masira ang pagkakaibigan natin. Ngayon, okay nako. Gusto ko si Carlo. Sana maintindihan mo. At sana din bumalik ka na. I miss you. Yung dating tayo. We're still friends pa naman diba?

"Yeah of course. I understand ash. At tanggap ko na. Thankyou.

"For what?

"thankyou for loving me, kahit sandali lang.

"Ano ka ba. Madali ka naman talagang mahalin.

"so we're good?

"Yeah, friends?

"Friends. Nandyan na mga kaklase natin. later.

We're okay. Pero nasasaktan pa rin ako. Oo sinabi ko na naiintindihan ko siya pero hindi parin ibig sabihin na tanggap ko na. Mahirap. Matatanggap ko rin ito, not now but soon. I hope so.

"Juls!

Aga aga ang lakas ng boses ng babaeng ito.

"oh shynn? aga mo ah.

"Ikaw ang maaga. Himala. -Shynn

"bagong buhay. Maglinis ka na. Cleaners ka. Ang chismosa mo talaga.

"Grabe naman to. -Shynn.

Sa hindi nakakakilala sa kanya, isa siya sa mga kaibigan ko. Shynn Mendez.  Journalist. Dancer. One of the SSG COMELEC. Talented yan kaso sobrang liit. Wag niyo sabihin sa kanya. Magagalit na naman yan.

Oh btw, taken na yan. Taken for granted.

Joke.

May boyfriend na. Si Jem Torres. Dancer din.

Matagal na sila. Mag tatatlong taon na ata . I'm not sure. Bahala sila sa buhay nila. Hindi ako bitter ha.

OKAY na kami ni ashley. Pero i distance myself. Gusto kong makalimot na. Alam kong masaya na siya at gusto ko ding maging masaya.

Magiging mahirap ito para sa akin. Dahil nasanay na ako na nandyan siya. Na parati kaming magkasama. Mahirap tanggapin, pero kailangang gawin. Ganito siguro talaga pag nagmahal.
Love sucks ha.

Alam mo yung tipong kaya mong ibuhos lahat ng pagmamahal mo kahit wala ng natira sayo. Yung isasakripisyo mo lahat alang alang sa kanya, para lang mapasaya mo tapos sa huli hindi magiging kayo. Binuo mo siya pero ikaw naman yung sirang sira.

Kakayanin ko naman sigurong kalimutan siya.

Pero pwede naman sigurong patuloy ko siyang mahalin kahit patago nalang.

Bakit kasi hindi ako? Kaya ko naman ibigay lahat, kaya ko siyang mahalin, kaya ko siyang pahalagahan. Mas kilala niya ako, alam ko rin kung ano ang gusto niya't hindi.

Nakita ko si christiann na papalapit sakin. Mahina niya 'kong tinapik sa balikat. "okay ka lang dre?

"okay lang ako?...

Natawa siya. "oo pre, nag aadik ka ba? nakatulala ka kasi. Halika na uwi na tayo.

"Gago okay lang ako haha"... Mahina akong natawa.

"Gusto mo kausap? Halika lakad tayo, habang naglalabas ka ng sama ng loob... Mahina niyang sinuntok balikat ko.

Ano nga ba matatago ko dito sa kaibigan ko, matagal kona tong kilala halos magkadugtong na mga atay namin simula pagkabata.

Niligpit ko mga gamit ko't pinasok sa bag. Paglingon ko nagtagpo mga mata namin, tatalikod sana ako't wag nalang pansinin kaso ngumiti siya kaya ngumiti nalang din ako.

How i wish na kaya ko ring ngumiti kagaya ng sa kanya.

"jul? pre?... Napaigtad ako. Nabigla ako. Hindi ko alam nakatulala na naman ako. Naka alis na pala siya. Kung hindi pako tinawag ni christiann baka hanggang gabi nakatulala parin ako't nag iisip.

"so ano nga pre?... Agad bungad niyang tanong.

"Nag confess ako kay ashley kahit alam kong may iba siyang gusto. Kahit alam kong ako naman yung dehado. Gusto ko lang naman malaman niya nararamdaman ko at aminado akong kaibigan lang naman kayang ibigay niya at hindi naman ako naghahangad pa ng iba.

"Kinausap kana naman niya diba?...

Oo. Yun nga sabi niya hanggang kaibigan lang kayang mabigay niya, at nag sorry siya. Hindi ko nga alam kung ba't nag sosorry 'yon eh kasalan ko naman. Ang gago ko kasi magkakagusto na nga lang sa kaibigan pa. Pero ang mas masakit sinabi niya na namimiss na niya ako na bumalik na kami sa dati. Ganon nalang ba yun? Ganon ba kadali para sa kanya? Alangan naman samahan ko silang dalawa ng gusto niya kahit san, hindi naman madali kasi para sakin yun. Nasaktan ako christiann, nasaktan. Pero wala eh. Tanggapin nalang. Na kahit kailan hindi magiging kami, na kaibigan lang naman ako para sa kanya.

"i know pare. bigyan mo muna oras sarili mo naiintindihan ka namin, inom nalang natin yan...


Unrequited LoveWhere stories live. Discover now