01 - T

9 0 0
                                    

"Serafine!" I looked at my back when I heard someone called my name. Napangiti ako ng makita si Kim na papalapit sakin. Mabilis siyang kumapit sa braso ko at pinayungan.

"Hindi ka ata nag-tricycle ngayon? Sabagay, ang mahal. Kinse pesos eh hindi man lang nga uminit pwet ko." Reklamo niya, napatawa ako.

"Gaga, gusto ko lang maglakad. Saka dadaan ako sa Garaje. Kukunin ko yung pinaprint ko kay Jayjay na assignment sa Science. Naubos kasi ink namin sa bahay." Agad na reklamo ko. Kailangan ko pa tuloy bayaran 'yon, gahaman pa naman ang lalaking 'yon sa pera.

"Okay, samahan kita. Libre mo ako Keri 'to, ha?" sabay tawa nito. Napailing na lang ako at natawa.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nagkwe-kwentuhan. Malapit lang naman ang school sa babaan ng jeep, kaso nga lang mainit. Panghapon kasi ang klase ng Grade 9. Pwede naman mag tricycle, mas praktikal nga lang kung may kasabay ka.

"Oh," nag-abot ko ng pera kay Kim, "Bili ka Keri 'to. Hati tayo ah, 'wag kang gahaman." usal ko. Tumango lang siya at pumunta na sa stall.

Umakyat naman ako sa second floor, paniguradong doon yon naghihintay dahil wala naman ng pwesto sa baba. Hindi nga ako nagkamali at nakita ko siyang nakaupo malapit sa terrace.

"Hoy, Jayjay. Magkano?" Bungad ko sa kaniya habang umuupo sa kaharap niyang upuan.

"Ay, wala munang pakitang tao? Kahit man lang 'hi'? Wala talaga?" humawak pa siya sa bandang dibdib niya habang nagdra-drama. Napairap na lang ako sa kaartehan niya.

Tinapik ko ang kamay niya, "Akin na. May meeting pa kami sa Club. Drama mo." napa-aray naman siya at inikutan ako ng mata.

He gets his bag under the table at may kinuhang folder doon.

"Oh, fifty na lang." Pagpresyo niya. Napasinghap naman ako at binatukan siya. "Gago! Ten lang yan sa labasan. Kung alam ko lang na mas mahal pa ang tubo mo sa lugaw sana doon na lang ako nagpa-print!" Daig pa ang 5-6. Jusko.

"Grabe, Sera. Hindi ka naman mabiro." Tawa niya pa, "20 na lang. Hindi na pwedeng tumawad." Sabay lahad sakin ng folder.

Napangisi na lang ako at inabot sa kaniya ang bente pesos. Tumayo na ako habang nilalagay sa loob ng bag yung folder.

"Una na 'ko, Jay." Paalam ko sa kaniya. Tumango lang siya at kinumpas ang kamay.

"Ang tagal mo naman, Sera!" Yamot na reklamo ni Kim. Napatawa ako, " Tangina. Parang hindi namburaot ha. Sabi ko hati tayo, 'bat ice tea na lang natira? Hindi pa malamig." Reklamo ko. Tinawanan niya lang ako at nagpeace sign.

Tumawid na kami sa gawi ng school. Higpit nga ng guard dito, buti na lang nauutakan. Yung iba lace lang at tatakpan ng bag para kunwari may id.

"Nagka-klase pa grade 10, 'di ba?" 10:07 pa lang naman, 11:45 pa ang start ng klase. "San kita pupuntahan?" Tanong ko sa kaniya.

"Sa likod ng Building D. Mag p-practice kami para sa skit mamaya." Tumango na lang ako at nagpaalam na.

Pupunta ako ng ESP Building para sa meeting ng Club namin. Wala naman akong choice, kaya sumali na lang ako. Well, gusto ko din naman yung ginagawa 'ko. Simula grade 7 kasali na ako sa Club kaya ka close ko na yung teacher na nag h-handle samin ngayon.

Kumatok muna ako bago pumasok. Ngumit ako kay Sir Mar at nagmano, "Goodmorning, Sir. Tayo pa lang?" Tanong ko at umupo sa upuan sa harap ng table niya.

"Oo, eh. Hinihintay ko pa yung mga Grade 10. Mag no-nominate na tayo ng bagong mga officers since grumaduate na yung officers last year." Paliwanag niya. Tumango naman ako at nakipag-kwentuhan sa kaniya.

 Kabayani (Highschool Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora