SALAMAT MAHAL KONG KAIBIGAN

97 2 0
                                    

Ang dilim na iyong pinanggalingan

Tila'y hindi kayang sukatin ng sinuman

Minsan ka ng iniwan ng ilaw sa tahanan

Tila ang puno mo'y wala ng buhay

Mga ngiti mo'y unti-unting namamatay

Ng makilala ka

Dama ko ang sakit na iyong nadarama

Hindi mo man sa akin pinapahalata

Ngunit batid ko ang iyong damdamin

Ang puso ko'y muling nabuhay

Isang tulad mo ang siyang tanging hinahanap

Dapat kang mahalin tulad ng bulaklak sa harden

Bulaklak na siyang tanging gamot sa hindi maghilum na sugat

Tuwing nakikita ang iyong matatamis na ngiti

Unti-unting napapawi ang nadaramang pagod

Salamat mahal kong kaibigan

Sa iyong pusong minsang ibinigay

Pangako kaibigan, ang puso mo'y pag-iingatan

Nickie's Compilation 1Where stories live. Discover now