039

195 19 7
                                    

"Hey," aniya.

Hinawakan niya yung kamay ko at agad akong hinala para yakapin. Nasa gilid naman kami at busy yung iba kaya hindi na nila kami mapapansin. Panigurado kasing mangaasar na naman sila.

Naalala ko tuloy yung tawag nila samin dalawa ni Gabby, way back in high school when I was still able to go to school. Greatest Couple. Gosh, ang corny pa din pakinggan.

"Why?" I asked him when I felt his hug tighten on me. Alam kong kanina pa siya may gustong sabihin.

"Gusto mo na bang umalis?" Tanong ko ulit. Mahina lang siyang tumango. "Okay, paalam lang muna tayo sakanila."

Gustuhin ko man mag stay pa pero ayoko ng tuluyan masira ang gabi niya. Alam kong nawala na siya mood lalo na nang dumating si Paula. Halos lahat din nagulat ng makita siya. Ang alam daw kasi nila nasa Greece pa siya kasama ang family niya.

Hindi ko din naman inaasahan na pupunta siya pag tapos noong nangyari last Christmas nang nasa Australia pa kami. Narinig ko lahat ng sinabi sakanya ni Gabriel nang gabi na 'yon, hindi ko lang sinabi sakanya dahil ang akala niya tulog na ako. Kinabukasan sinabi na lang sakin ni Rei na umalis na siya ng walang paalam.

"Ang aga pa! Dito muna kayo!" Kansyawan nila pero umiling ako at tinuro si Gabriel na tahimik na nakatayo sa likod ko. Lumungkot tuloy lalo ang mukha nilang lahat. Ngayon na nga lang daw ulit ako nag pakita sakanila tapos ang aga pa daw namin umuwi.

Hindi ko naman kasi kasalanan na nasira ang mood nitong isa kaya sabi ko babawi na lang ako next time.

"D, ikaw na bahala don sa dalawa." Ani ko habang nakatingin kay Rei at Trevor. Tumango lang naman siya.

"Ingat kayo,"

Kumaway muna ako sa kanilang lahat bago ako sumunod kay Gabriel na nag-aantay na sa labas.

Tahimik lang kaming dalawa buong byahe. Hawak niya lang yung kamay ko habang tahimik na nag mamaneho.

Napakunot ako ng noo nang makita kong sa ibang daan kami papunta. Kaya pala medyo matagal ang byahe namin.

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba gusto mo ng umuwi?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin tapos binalik na niya ulit sa daan.

Napairap ako sa inasta niya. Attitude pa din, mas moody pa siya kesa sakin.

Ilang minuto lang din naman tinigil na niya yung kotse. Siya ang unang bumababa para pag buksan ako ng pinto.

Malakas na hangin agad ang sumalubong sakin pag baba ko ng sasakyan. Doon ko lang din napansin kung asan kami.

I remember one time sinabi niya sakin na favorite niya tong lugar na to lalo na pag gusto niyang mag pahinga at lumayo sa mga tao.

Lumapit ako sakanya at agad siyang niyakap. "What's bothering you? Kanina ka pa tahimik," ani ko.

Hindi siya sumagot, hinalikan niya lang ako sa noo at tinuro yung langit.

"Look, baby." aniya. "See that brightest star? It looks like you." Tinignan ko naman agad yung tinuro niya. Ang dami nga star ngayon at bilog na bilog ang buwan. Pero gaya nga ng sabi niya may isa pa din sakanila ang bukod tangi.

"You shine like a star, always." He said.

Tinanggal ko yung pag kakasandal ng ulo ko sa dibdib niya at tinignan siya. "What are you thinking, Gabriel?"

"Ikaw,"

Umirap ako at mahina siyang hinampas sa braso. Narinig ko naman ang mapangasar niyang tawa. Pilit niya pang sinilip ang mukha ko kaya lalo ko itong binabaon sa dibdib niya.

"Kilig ka naman," aniya.

Tinignan ko siya ng masama pero di rin naman nag tagal yon dahil napangiti din niya ako agad. Kainis!

"Wala pa nga akong ginagawa pero ngumiti ka na. Sobrang pogi ko ba?"

"Ang kapal!" Sagot ko. Bibitaw na sana ako sa yakap pero mas lalo niya lang hinigpitan ang yakap niya sakin.

"Kanina ka pa ganyan. Ano bang problema?" Dahan dahan kong hinaplos yung buhok niya habang nakayuko siya sa balikat ko. Inantay ko ang isasagot niya sakin pero nanatili siyang tahimik.

"You can tell me anything, Gab. Alam kong may gusto kang sabihin sakin." Tumingin ulit siya sakin. Ngumiti ako at hinawakan ang magkabila niyang pisnge.

"What is it?"

Lumabi siya. "I want to spend more time with you but you always want them with us. Every time na yayain kita lagi mong sinabi na isama natin sila. Eh, gusto ko nga tayo lang."

Unti onti akong napangiti. Kaya pala lagi siyang nakasimangot tuwing mag kasama kami ni Rei. Nawawala din siya sa mood pag niyaya niya ako na mag date kami pero sinasama ko sila Rei.

"Bakit hindi mo sinabi?" Natatawa kong tanong habang nakatingin sakanya. Sumimangot naman siya lalo at binitawan na ako.

"Hindi ka naman makikinig eh."

"Look at me, Gabby." Tinignan niya nga ako pero saglit lang. Pano hindi ko rin napigilan yung tawa ko nang tumingin na siya sakin.

"Umuwi na nga tayo. Malamig na masiyado baka mag kasakit ka pa." Aniya. Nauna na din siyang mag lakad at muntik niya pa ako maiwan. Nag tatampo na naman siya.

Hinawakan ko yung kamay niya ng maabutan ko na siya. Hindi niya naman ako pinansin at patuloy pa din siya sa pag lalakad.

Natawa ako ng mahina. Tumigil ako sa pag lalakad kaya napatigil din siya. Agad kong sinapo yung mukha niya at ngumiti.

"I love you."

Our LifetimeWhere stories live. Discover now