Chapter 35

6.6K 109 12
                                    


"Nico?" Mahinang bulong ko.


"Hi." Saad niya. Tinanggal nito ang suot niyang salamin kaya bumalandara sa akin ang singkit niyang mata.


"A-anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko. Ngayon niya pa ako nakita kung kailan haggard ako mula sa pag e-emote.


"Surprise." Nakangiting ani niya. Binuksan niya pa ang kamay niya sa harap ko nang sabihin niya ang katagang surprise.


"Yeah. Nagulat talaga ako." Pabalang na ani ko. 


"Come on, give me a hug." Ngumiti ito ng pagkatamis tamis, kaya napangiti na rin ako. "I miss you."


Inalis ko ang distansya naming dalawa upang yakapin siya nang mahigpit. Nawawala ang pagod ko dahil sa kaniya.


"I miss you too." Sagot ko.


"Kumain ka na?" Tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin.


Umiling iling ako at mas lalong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya. Kulang na lang maglambitin ako sa katawan niya dahil sa sobrang miss ko sa kaniya.


"I came here when you called me crying." He said siya na ang tumapos sa yakap namin. "Ayoko ng maulit 'yung mga panahon na umiiyak ka and you tried to called pero hindi kita masagot because of that damn signal."


I smiled at him. "Thank you."


"Don't mention it." Ani niya, nilakihan ko ang siwang ng pinto para makapasok siya. 


"Ilang araw ka rito?" Tanong ko nang makaupo kami sa sala. 


"One week. Diyan ako sa katabi mong kwarto." He answered.  


"Gusto mo sa kwarto ko muna ikaw?" May dala kasi itong maleta akala mo mag a-abroad.


"Nah. Doon ako sa katabi mong kwarto nagbook." Sagot niya.


Tumayo ako at hinila rin siya patayo para maayos na namin ang gamit niya at makapag pahinga na siya. "Halika na, punta na tayo s kwarto mo para maayos gamit o."


Tinulungan ko siyang mag ayos, samantalang nagpa deliver na lamang siya ng pagkain, dahil parehas kaming walang lakas magluto.


"Babalik ako rito after two weeks ko sa trabaho." Ani niya. Matapos niyang magligpit. Ito na kasi ang nagtuloy ng lahat.


"Sigurado ka? Hindi ka ba mapapagod sa byahe niyan? Kung pabalik balik ka rito?" Tanong ko. Nakapag linis na ako ng katawan, hinihintay na lamang namin dumating ang inorder niyang foods.


"Sanay na ako." Sagot niya. Hinawakan nito ang kamay ko at hinila paupo sa kandungan niya.

Affection's TourneyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora