"Umalis ka na..." bulong ko rin,

Yung pilit na ngiti niya ay unti-unting napalitan,

"Mag-usap nga tayo." May diin ang bawat salita niya, Kung ako pa ang dating leyla, baka natataranta na ko ngayon, Pero hindi, Marami na ang nagbago sakin.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Kaya umalis ka na." May diin din na sagot ko, sabay irap sa kanya,

"Nanay siya ba ang tatay ni gael?" yung tensyon samin parang biglang nawala,

"Hindi ha!

"Hindi!"

sabay na saad namin ni grey,

"Dito ka lang ha," Saad ni grey, "Mag usap tayo.." Sabay bulong sakin.

"Ahh, Ano ba!" bigla niyang hinatak ang braso ko tapos hinigit ako palabas, agad na binawi ko ang braso ko ng makalayo kami sa bahay

"Ano ba! nakita mo nang andon yung bata eh!" singhal ko,

"I dont care, Mag usap--"

"Gago ka pala eh! Wala ka pa lang pakelam sa anak ko! Bakit andito ka?!" Nag akyatan lahat ng dugo sa ulo ko, ng marinig ang sinabi niya,

Sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon, Wala siyang pake? Bakit andito siya?!

wala na kong pake kahit pinag titinginan na kami ng mga dumaan,

"What? That's not--"

"Ano bang kailangan mo grey? Bakit andito ka?"

"Hindi ko sinabing wala akong pakelam sa bata leyla,"

"Kakasabi mo lang, Sagutin mo ang tanong ko!"

Huminga siya ng malalim tapos pinadaanan ng kamay niya ang kanyang buhok,

"Hindi ko alam.." ang hina ng pag kakasabi niya, Pero parang ang lakas ng dating sakin,

Hindi niya alam?!

Hindi niya alam?!

Hindi ako makapaniwala sa sagot niya, Umaasa ako...Pero..

"Inip na inip ka ba sa buhay mo ha?" natawa ako tapos tinulak ko siya ng malakas sa dibdib niya, Napaatras siya sa ginawa ko at halatang nagulat siya sa biglang pag sabog ko.

"Kung wala kang magawa sa buhay mo wag kaming mag ina ang pagtripan mo grey! Na nanahimik kami kaya wag mo na kaming guluhin! Hindi ka namin kailangan!"

Mabilis ang pag hinga ko sa galit na nararamdaman ko, Hindi ko alam kung anong trip niya pero hindi ko hahayaang masali kami ng anak ko don,

Masama ang titig ko sa kanya pero nagulat ako ng makita ang lungkot, Sakit sa mga mata niya. Tama ba yung nakita ko?

hindi ko alam, Ang bilis..namalikmata lang siguro ako..

"Siguro nga nabo-bored lang ako." malamig na saad niya tapos nag lakad na siya paalis, iniwan akong nakatayo mag isa..

Ulit..

tumawa ako ng mahina, Laging siya ang nag wawalk-out, ako si tanga naiiwan na kawawa,

Tumingala ako para mapigilan ang papatulo kong luha,

umasa ako na sasabihin niya na kaya siya andito ay dahil gusto niyang makasama ang anak namin, Gusto niyang alagaan, Gusto niyang kilalanin siya bilang ama nito. Kasi mahal niya si gael.... pero malutong na hindi ko alam ang narinig ko sa kanya.

"Asa leyla.. puro asa.. yan lang naman ang kaya mong gawin diba? ang umasa.." Bulong ko sa sarili ko,

Nakakatawa diba? puro asa ang ginawa ko sa kanya,

noon,na mamahalin niya rin ako,

ngayon naman mahalin niya ang anak namin,

pero wala, Puro asa na lang..

Kailan ba ko titigil sa kaka-asa sa kanya..

tulala akong bumalik sa bahay, diretso higa sa banig tapos binalot ko ng kumot ang sarili ko, Mag kakasakit nga yata ako.

"Nanay siya na ba ang tatay ni gael?" Nagulat ako sa tanong niya ulit,

"Hindi.." sagot ko

"Sana makita na ni gael si tatay pati si lola nanay sana Bumalik na siya.." Bakas ang lungkot sa tinig niya.

Pumatak na ang luhang kanina ko pa piniligilan, Naaawa ako sa anak ko, Sabik siyang makilala ang tatay niya,

Akala niya pa pag nasa heaven na babalik pa rin, hindi ko masabi na kahit kailan hindi na babalik ang lola ko at hindi niya makikilala ang tatay niya..

Paano ko sasabihin yon sa batang umaasa..


*****

A/N

PURO ASA!

UMAASA AKONG MARAMI ANG MAG COMMENT..

UMAASA AKONG MARAMI ANG MAG VOTE

HAHAHA!

SORRY KUNG NGAYON LANG ANG UD MEDYO BUSY PO XDXD


VOTE AND COMMENT


ⓖⓜⓒ
GreenMasCARA

LOVELUST (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora