Chapter 20: Getting Ready

Começar do início
                                    

Attire: Formal (Gowns,Suits)

When: Dec. 09, 2014

Where: Souhthwest GYM Room

Time: Exact 7:00 PM

"Oh, 7 pm pala e. Punta ka?" Tanong ko kay Jellie.

"Of course Chill! Sana may mag aya saakin bilang JS date ko! Oh my g! Tara na nga!" At kinaladkad niya na ako. AKO? sasama ba ako? Sige na nga. Sana lang may date ako sa araw na iyon.

***

"Boys! Sasama ba kayo sa Prom?! Oh my gosh! Sana may umaya saakin bilang date niya." Parang tanga talaga 'to si Jellie.

Nag poker face kami pero nagsalita si James.

"Ako Jellie! Wala naman si Kylie dito eh. Gusto mo ako na lang?" Suggest ni James, i surprised nang bigla siyang siniko ni Pj.

"What dude? Don't say na ikaw ang aaya kay Jelly?" Nag poker face lang si PJ

"What? ikaw James? Hmm.. pwede na?" Natawa naman kami doon. Nag poker na lang ulit si James at kumain na lang ulit, pero nagsalita bigla si PJ.

"Ako, Jellie? Pwede ba kitang maging date sa Prom?" Woah! Hindi ko inaakala 'to. Nagka-tinginan kami ni Jellie at tinignan ko din si Johndel.

"H-huh? O-oh sure." Nauutal na si Jellie? What?

"Thanks." Tanging nasabi ni PJ at namula ang tenga! 0_____0

"Dude, namumula ka. Masyado kang halata e." Panira talaga 'to si James -_- .

Nag kwentuhan lanh kami habang kumakain, nang biglang may ina-nounce sa buong campus.

"To all students out there! simula ngayong oras na 'to, wala nang klase dahil lahat nang teachers ay kasali sa pag-aayos sa Prom! Kaya open gate po tayo ngayon. Ang mga gusto nang umuwi ay pwede, pero yung ayaw pa ay kayo na ang bahala. Ayon lang. Salamat."

Nag-ingayan na naman ang lahat. Ano bayan, lagi na lang cut ang classes ah? May mga student council naman, bakit mga teachers ang gumagawa? -_-

"Lagi na lang na ka-cut ang classes." Sambit ko habang ang mga kasama ko sa table ay nagdi-diwang.

"Bakit, Chill? Ayaw mo ba nun?" Tanong ni Jellie. Umirap ako at tumingin sa mga lalaki.

"Syempre hindi. Hahaha! Tara punta tayo sa office ni dad?" Bigla naman nagsi-mutlaan ang mukha nila maliban kay Johndel.

"Oh, bakit? May ipapaka-usap lang ako kay dad. Samahan niyo na ako, tutal cut na ang class diba? :D" Pero hindi talaga sila agree, maliban kay Johndel na naka Big smile pa. -_-

"C-chill, ngayon lang namin ma-meet ang dad mo nang kami lang." -Lucky

"What? Hindi niyo pa ba name-meet si dad nang personal? Haler? Si dad ang Principal nang School natin. Tapos hindi niyo pa siya nakikita?" Ano ba yun? Bigla naman humalakhak si Johndel, at inasar ang mga boys.

"Come on, hindi kayo kakainin ni dad. Tara Johndel." At tumayo naman agad si Johndel at inakbayan ako.

"Tara na mga dude," aya niya at nagsi-tayuan na din sila.

Pagdating namin sa office ni dad, nang kakatok na sana ako ay napa-hinto ako. Tumingin ako sa mga mukha nila, si Johndel ganon padin pero sila mejo okay na. Hahaha. Hindi na ako kumatok at binuksan ko na agad ang pintuan.

"Ay! Na-kain na ang brain. Ano ba yan!" Oh? Ano nilalaro ni dad sa phone niya?

"Hello dad! Ano nilalaro mo? Andami mo pang aasikasuhin ah? Bakit inuuna mo yan?" At umupo ako sa tabi ni dad.

One of the Boys (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora