Chapter 2: Puzzlement

97 6 2
                                        

Para ba'ng may sumabog na dinamita sa puso ko. Yun ang naramdaman ko right when I laid my eyes on him.

"Jusko." I silently blurted.

"Uhm, Bliss? Are you okay? Hmm, we can go back if you want. Gora muna tayo sa Gym! Malay mo andun si kuyang rapsa!" Michelle said, patting my back as if she's comforting me.

"Mish, ano ka ba! I'm fine. I will walk past him with my head up high."

Pero nag-dalawang isip din ako. Kasi jusme 'Poging Nilalang' naman talaga yung lalaking 'yun. Hanggang crush na lang ako kasi nga ayoko na sa relationships. Maloloka ka lang diyan. Kaya nakuntento ako sa paghanga ko kay Kuyang Rapsa. But then, I don't want to look weak. So I brushed off the thought.

"Eh bakit parang may stain na yang salawal mo sa pagka-gulat mo sa kanya?"

"Wala, nagulat lang ako kasi humihinga pa pala 'to." I smiled at her to reassure her that I'm fine. Though I'm not sure if I am.

I started walking and Mish followed. FYI, I walked with confidence. Ayoko kasing isipin niya na 'di pa ako nakaka-move on sa kanya. Ayokong isipin niya na kulang na lang e, uminom ako ng zonrox para lang makalimutan siya. Pero napatigil ako nang may bumangga sakin. Masamang hangin nga naman.

"Ooops, sorry." Demmy said, before she arched her brow at me.

I was caught off guard so I wasn't able to react. Pero si Mish. Si Mish mag-aamok nanaman 'yan.

"Bliss, are you alright? Punyetang Demmy 'yan! Bagay na bagay sa kanya yung pangalan niya! Demmy Demonyo!" Mish retorted.

"Beh, kalma. Baka biglang tumubo yang harapan mo sa galit." I kidded.

"Edi lagi na lang ako magagalit para 'di na patag yung harapan ko, susmaryusep."

Nagkatinginan kami and for some odd reason, we both burst out laughing.

"Teka, mish. Chill tayo. Baka biglang dumaan si Kuyang Rapsa tas makita niya tayo na mukang tokwa dito."

"Hay, halika na nga!" I said.

Naglakad kami ng mapayapa, without looking at the 'lovely' couple. Did I forgot to mention na bagong girlfriend ni Marcus si Demony-, I mean, si Demmy? Pero 'di ko talaga maiwasan na tignan sila. I also can't refrain on thinking that we used to be like that.

Lakad lang ako ng lakad and my mind is very pre-occupied. Kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Nabalik ako sa wisyo nang may marinig akong malakas na busina mula sa isang kotse. So, I instantly closed my eyes as I shiver from fear. But when I opened my eyes, 'di naman ako nakakita ng puti at kaliwanagan. Ang nadatnan ko ay isang broad chest with its sweet, manly smell at mahigpit na yakap.

"Ate? Ok ka lang? Magpapakamatay ka na ba? Bata ka pa, ate."

"Lis! Are you ok?" I heard Michelle's voice.

The guy free'd me from his embrace and I was deeply astounded at my sight.

"Ate? Uy, ate. You're safe now. Ok ka lang ba? Ate, bakit ka nakanganga? Teh?"

Punyemas.

SI KUYANG RAPSA!

"Ay. Ano, uhm. Salamat, kuya. Wag mo na ako tawaging Ate." Sabi ko at tinawag ko na ata ang lahat ng santo para 'di niya mapansin ang kilig at pagka-ilang ko sa kanya.

"E 'di ko naman alam pangalan mo. Syaka wag mo na rin akong tawaging Kuya. I'm Brandon Malonzo. You can call me Brad." He smiled at me at bigla akong naawa sa puri ko. Pakiramdam ko na-devirginize ako sa ngiti niya.

"Oh. I'm Bliss Gregorio. Nice to meet you, Brad." I said as we are heading towards Mish na halatang-halata ang pagka-shock sa kasama ko.

"Ay uhm, uy! Sabi ko bibili lang ako ng fishball tapos 'di mo naman pala ako narinig! Buti na lang andyan ka." She said referring to Brad. Landi.

"Oo nga. Thank you nga pala ulit, Brad."

"Nah, it's alright. Just be cautious next time, okay? Bye, I got to go now." Sabi niya at nginitian muna ako bago siya umalis.

Nakakabaliw yung ngiti niya. Kasi puro yung ngiti niya, walang halong landi. At jusme, sobrang pogi pa! I took a glance at Mish. I was confused at her expression because her face seems vague.

"Bliss, bakit ganyan maka-tingin yang ex mo? Tignan mo, nakakatakot!"

Tinignan ko si Marcus and there he was, looking at me with his sharp eyes and his clenched fist. He looks mad. Bakit naman 'to magagalit?

Tangled Strings (ON-HOLD)Where stories live. Discover now