This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
INDEPENDENT SERIES #1. The Grief in Diliman.
PROLOGUE
"Hoy, Ely!" Rinig kong pagtawag sa 'kin ni Leo. Bwisit naman kasi 'yun. Hanggang trabaho ba naman, mag-iingay 'yun? Letse.
Nilingon ko siya. "Bakit?!" Sagot ko. Nakita ko ang kanyang reaksiyon. Napaatras siya ng bahagya. "Galit ka ba? Hehehe. Bakit ba ang init ng ulo mo, ha?" Tanong sa 'kin ni Leo na parang tangang naka-ngiti.
"Pakealam mo ba? Inirapan ko pa si Leo, tinatawanan kasi ako!
"Elyra, pinapatawag ka doon sa office ni Sir Ludran. Huwag mong iirap-irapan 'yun, baka sapakin ka! Hahahaha," Paalala sa 'kin ni Leo. Naglakad na 'ko papunta sa office ni Sir Ludran.
"Hoy, Ely! Ayos mukha, aba." Sirit pa ni Leo. Nilingon ko siya habang naglalakad. "Oo! Nagpakita ka kasi kaya nabwisit ako," Sagot ko sa kanya at tinawanan niya lang ako.
Hindi ko nalang pinansin si Leo kasi puro lang kalokohan alam no'n sa buhay. Hindi ko alam paano naging engineer 'yun! Baka nangopya lang. Psh.
Nung pinatawag ako, maganda naman ang naganap. Nagtanong lang naman yung head namin sa 'kin kung kumusta na ba 'yung project namin na four months na namin tinatrabaho. Maganda ang naging feedback and I told my group about it. All of their comments were nice and we went through the day focusing on our project.
It's already 2 in the afternoon when I asked Leo if uuwi na siya para makasabay na ako. Wala akong dala na sasakyan so sumabay lang ako sa kanya kanina. I don't like to commute during the afternoons. My experience before was enough.
"Ah, gusto mo hatid nalang kita?" Sagot sa akin ni Leo. Nahihiya man, inisip ko nalang ang friendship namin kung gaano na katagal. Dapat hindi na 'ko mahiya sa kanya, pero ayoko pa rin makaabala.
"Sure? Hindi naman ako pauwi, sasabay lang ako sa 'yo habang pauwi ka kasi madadaanan yung office natin, eh." I said. Natawa nanaman siya. Loko!
"Okay. Uuwi na 'ko. Sabay ka na sa 'kin, idadaan kita sa office," Sagot sa 'kin ni Leo habang pabalik siya sa table nila kanina ng mga kasama namin at nagpaalam. Nginitian pa 'ko ni gago, amp.
"Mga tol, ihahatid ko lang si Architect Luvillo. Babalikan ko kayo mamaya," Bago siya umalis at kinuha ang wallet at phone niya. Narinig ko pa ang mga asar nila Engineer doon dahil sa sinabi niyang ihahatid ako. Gagi ba kayo, we're friends. Huhu. Lumakad agad ako ng mabilis papunta sa kotse niya, tutal malapit lang naman naka-park. Kunwari hindi ko narinig.
Nasa tapat na 'ko ng kotse ng nalapit na siya at in-unlock yung door. Sumakay ako at sinamahan niya talaga ako hanggang sa office namin. May kalayuan rin pala, lalo na't traffic sa daan papunta sa site.
"Thank you, Leo. Ingat ka sa pagbalik, huwag tanga." Paalala ko sa kanya pagbaba ko ng vehicle and I closed the door. I knocked on his window. Tinawanan lang ako ni Leo sa sinabi ko. "Oo. Huwag ka rin patanga-tanga, ha? Sige na, uwi na 'ko." Paalam sa 'kin ni Leo kahit alam ko namang babalikan niya pa yung site. Naawa ako, at the same time, natutuwa. Mapagkakatiwalaang kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Grief in Diliman (Independent Series #1)
General FictionKnoa is from University of the Philippines - Diliman, who aimed for greater in life with Ely, while they face the hurdles of a lasting relationship.
