Okay. What the heck? That came out like I was even bragging to her kahit wala naman talagang nangyari. Is it convincing enough?

Tiningnan ko ang reaction niya. Namula ang buong mukha niya at nakasimangot siya. Kaunti na lang ay baka sabunutan niya ako kung wala lang ibang mga prinsesa na nakatingin sa amin... o sa akin.

Oh gahd. Nawala sa isip ko na hindi pala kami mag-isa rito! Narinig din nila ang sinabi ko!

Sana lang hindi ito makarating sa Hanselions. Kapag nalaman nilang sinabi ko iyan sa harap ng mga prinsesa, ibaon na lang sana nila ako sa lupa.

"Let's cut to the chase. What do you want?" Iyon na lang ang nasabi ko.

"I want to be a second wife to Tyler."

Kumunot ang aking noo. "Okay ka lang?"

"Yes, I'm okay." She smiled. "I'm serious about this."

"Did you fell in love with Tyler?"

Tumango-tango siya.

"He tried to get to know me that night. My family, cousins, anything about me. He was like reading my soul and trying his best to connect with me."

Umarko ang kilay ko. "Anything about you?"

"Yes. Like where do I spend my time. Where I take my vacations and such."

Tumango-tango lang ako. She's completely oblivious to what's going on around her. She's living in a fantasy and I really couldn't blame her.

Hinawakan ko ang kamay ni Princess Marguerite at pinisil ito. "Don't ever chase just to get your heartbroken in the end."

Nagkatitigan kami nang ilan segundo, mukhang hindi niya inaasahan iyon ang sasabihin ko kaya tumayo na ako atsaka umalis ng gazebo.

***

Patulog na kami sa kwarto. May suot silang pajamas habang naka-night gown naman ako. We were all on top of the bed preparing to sleep.

"So..." Narinig kong nagpipigil na tumawa si Malcolm. "Sandwich ka na ngayon?"

Sabay humalakhak silang lahat. Pulang-pula na ko dala ng kahihiyan. Nagawa pa nilang tumayo sa lagay na ito?

Napaupo ako sa higaan namin. "Paano niyo nalaman 'yan?!"

"Usap-usapan kaya 'yan sa dinner table kanina." Natatawang sambit ni Zach sabay hampas pa sa kanyang hita.

"Kaya pala tinuturo nila ang mga sandwich sa table atsaka tumatawa."

"Hilig mo sa palaman, eh." Asar pa ni Daniel.

Mas lalong lumakas ang tawanan nila, iyong tipong napapahawak pa sila sa tiyan nila at sumasakit ang panga kakatawa.

Inirapan ko siila atsaka humiga sa kama para makatulog na. Moments passed and I still couldn't sleep. Naririnig ko silang humihilik at mahimbing na natutulog sa kama namin.

Kinumot kami ng gabi at ang liwanag ng buwan. The air is whipping cold that made me bury myself between two bodies squeezing against me, Tyler's and Austin's.

The warmth from their body is so cozy parang naging kumot ko na rin sila kahit nakataklob kami sa comforter naming mag-aasawa.

"Ano ang iniisip mo?" Tanong ko.

"Pristine." Bulong ni Tyler. "Some memories are coming back the longer I stay in the palace. Ang nakakapagtaka lang ay bakit wala akong maalala sa kanya, kahit ang ngiti o pagsayaw niya ng ballet sa loob ng palasyo, wala akong matandaan. It's as if I only have her memory from our old home when we went undercover."

Swan of Snowy Trails (Book 2 of Swan Trilogy)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin